8: MAYBE IT'S FOR THE BEST...

1533 Words
PABIRO siyang mahina na tinampal ni Kate sa pisngi. "Sira! Kung ano-ano 'yang mga sinasabi mo!" He chuckled again. "What? I'm just telling the truth! Sinasabi ko lang naman din kung ano nasa saloobin ko ah." "Naks! May may pagganyan ka pa ngayon, Marco Polo Sandoval ah, na para namang hindi ikaw 'yong batang sumasampa noon sa puno ng mangga na nakatapat eksakto sa balkonahe ng k'warto ko para lang puntahan si Mona." Ah, those were the days. Hindi rin naman niya nakakalimutan ang mga panahon na 'yon kung saan vocal niyang pinapaalam sa mundo kung gaano niya kamahal si Monaliza Olivarez. Nahabol pa nga siya ng tatlong aso noon sa subdivision ng mga Olivarez nang dahil sa inakyat niya ang punong mangga na sinasabi ni Kate. Pagbaba niya ro'n, nakaabang na pala sa labas ng gate ang tatlong aso. Biro pa nga ni Monaliza sa kaniya, napagkamalan daw siyang buto dahil sa kapayatan niya. Totoy days. Kahit ang puso ay Totoy pa. Hayun tuloy, nang iwanan ay sobrang nasaktan. He laughed hard. "Oh, come on Kate, those were the days!" Pabiro siyang kinurot nito sa t'yan. "Hmp! Pero kinikilig ka pa rin ngayon na naaalala mo! Naku, CCEO Marco Polo Sandoval, don't me!" panunukso pa nito sa kaniya, pabiro siyang kinurot din sa dibdib. Natatawang hinuli lang niya ang palad nito at iniyakap 'yon sa bewang niya pagkuwan. Nagpaubaya naman 'tong inihilig ang ulo sa dibdib niya habang siya naman ay inihilig ang sariling mukha sa leeg nito. Ang gaan kausap ni Kate basta si Monaliza ang topic pero bilang lalaki ay alam niyang hindi 'yon tama. Kahit pa anong sabihin nito, asawa na niya 'to ngayon. And he really think of moving forward with her, for real. Nang araw na may mangyari sa kanila nito, kahit gaano man 'yon kabilis, ilang beses niyang pinag-isipan kung pakakasalan niya ba 'to. And his mind said yes without any hesitations. Without any struggle. So, heto na sila ngayon. Hindi na nga sila mga bata kung tutuusin. Ang mga desisyon sa buhay ng mga taong nasa ganitong adulting age na katulad sa kanila, pag-settle na ang gusto. Isang malaking factor na nga 'yon siguro but he knew, mas malaking factor para sa kaniya ang magpakalalaki sa gano'ng situation. "Aralin mo, baka matutunan mo rin, Katherine Kate," seryosong bulong niya kay Kate. Hindi niya ni minsan naisip na may babae siyang pagsasabihan nang gano'n. Ah, mali, hindi niya naisip na may iba pang babae bukod kay Monaliza kasi. That's right, kaya walang iba, dahil ito lang ay sapat na sa kaniya—noon. Kate stirred. Dama niya ang paninigas nito sa yakap niya. And then she let out a breathe after. Hinarap siya nito at ipinaikot ang mga braso sa batok niya. "I'd be honest with you, hindi ko alam kung gaano na lang ang mayroon ako sa mundo kaya ko hinayaan ang kasal na 'to. Ang pagsasama nating 'to. Tama ka sa sinabi mong nangyari na ang mga nangyari kahit gaano pa natin 'yon hindi ginusto na baka subconsciously naman ay gusto rin natin, who knows, since tao lang din naman tayo. Pero MP, to be honest, ang pinapakiusap mo ngayon ay ang pinakainiiwasan ko sa lahat." His eyebrow raised at her. "Dahil? Baka bumalik siya? Kate, ni hindi na nga 'yon nagparamdam e. For once, mawalan naman tayo sana ng pakialam sa kaniya. Hindi 'yong puro na lang siya ang nawawalan ng pakialam sa 'tin." "See? I hinted bitterness." Lukot ang ilong na turan nito sa kaniya. "No, it's that—" "Hush, naiintindihan ko, okay." awat nito sa kaniya. "Nauunawaan ko at alam kong nauunawaan mo rin naman ang sinasabi ko sa 'yo." Bumuntonghininga na lang siya tanda na sumusuko na siya sa usapang 'yon. "Okay then, papasok ka ba?" "Sana. Kaso kukulitin lang nila 'ko sa office na dapat ay mag-vacay ako, sureness 'yon." She pouted. Pagak siyang natawa. She's cute when she's pouting her lips like that. At sa tingin niya naman, ang mga gano'ng compliments ay maaari pa na mag-bloom. Bloom into something na hindi naman na mali para sa kanila at mag-asawa naman na sila. But of course, gets niya naman ang ipinapakahulugan nito. And he admire her for being that person. 'Yong walang dudang uunahin ang iba bago ang sarili. Si Kate lang talaga 'yon. Iniisip nito na kung mamahalin nila ang isa't-isa, kung hahayaan nila, maiiwanan na naman siyang luhaan dahil sa sakit nito, oo gano'n 'to ka-advance mag-isip. Ah, masyado pa namang maaga para isipin din niya ang tungkol do'n. Pinipilit lang niya ngayon dito dahil sa ego niya na nasaktan sa pag-iwan sa kaniya ni Monaliza, yeah, that's it. Deep inside him, umaasa siya na darating isang araw si Monaliza at dapat na makita sila nito na nagmamahalan na. Na dapat ay hindi na niya 'to mahal na para bang gano'n kadali ang pilit na tinatatak sa kaniya ng utak niyang pumupurol na yata nang dahil sa paglisan nito. "E, 'di huwag ka na munang pumasok. Magpahinga ka muna rito," suhestyon na lang niya rito. Sinimulan niya 'tong lambingin by giving her a smack kisses... "Magpahinga o ngayon mo lang yata gustong ituloy ang honeymoon natin?" Umungol siya, kunwari ay nagpoprotesta sa sinabi nito. Kunwari lang na gusto rin niya ang biro. Talking about gentleman, tipong hindi puwedeng ayawan o balewalain ang mga gano'ng biro at paramdam ng mga babae. Tipong 'yon na ang pinakamalaking kasalanan ng isang lalaki sa mga asawa nila. Dama niya 'yon ngayon. "Agh! Napakaprangka mo talaga madalas, Katherine Kate!" Natatawa na lang na tinakbuhan siya nito at nagpahabol sa kaniya't pumasok sa loob ng banyo. TINANGUAN ni Marco Polo ang pinsan niyang si Alejandro bilang pagbati nang makababa siya sa sarili niyang kotse. Nang makita siya kasi nito na paparada sa parking lot ng kumpanya nila, hinintay siyang sadya nito na makababa. Nasa itsura ang pagkagulat nang makita siya na naroon e, oo nga naman, dapat ay bakasyon niya pa muna. "Dude," agad nitong bati sa kaniya. Nag-fist bump sila, 'yon ang nakasanayan nilang batian. "'Morning," ganting bati niya rito, maging sa mga guards at empleyado na nagsisimula nang batiin sila. "I thought you are on a vacay," sambit ni Alejandro, nang makasakay na sila sa elevator na maghaharid sa kanila sa kaniya-kaniya nilang opisina. Inayos niya muna ang suot na necktie sa reflection niya sa metal wall ng elevator bago niya 'to tugunin. "Hindi nga uso sa CEO ang vacay, sa CCEO pa kaya." Alejandro chuckled. "Nice try, Marco Polo." Napangisi siya. Ito kasi ang binanggit niya CEO, samantalang CCEO naman siya nito sa company na pag-aari ng lolo nila. "Sayang nga 'yong mga regalo niyo, hindi rin naman namin 'yon magagamit ni Kate." "Why not?" "E, alam mo na..." "Alam ko nang?" He let out a breathe. "Na hindi normal ang mayroon na kasalan sa amin." "Bingo!" Alejandro pointed his forefinger at him. "Hindi ko pa rin talaga akalain na magagawa mong magpakasal, honestly, akala ko masasaktan ka lang sa pagkawala ni Monaliza pero hihintayin mo siya na makabalik gaya nang sinabi niya sa 'yo." Tinitigan niya ang pinsan. Namulsa rin siya. Gaya nito ay humakbang na rin siya palabas sa elevator. "Bigla na lang kasing nangyari," tanging naisagot niya. Tinaasan siya ng kilay ng CEO. "Ows?" "Buntis si Kate." Natigil 'to sa paglalakad at hinarap siya. "Kung sabagay, adult na tayo ngayon, alam niyo na naman ang ginagawa niyo, alam mo na ang ginagawa mo. Siguro lang kaya ako ganito sa 'yo ngayon dahil nakasama kita sa iisang bahay, sa iisang k'warto, nakaaway kita sa maraming bagay, for short, saksi ako kung paano ka nahubog kaya hindi mo maiaalis sa 'kin na magtaka na gano'n mo kadaling pinalitan si Monaliza at talagang si Kate pa ang ipinalit mo sa kaniya. Talking about waving complications, men. hindi mo maiaalis sa 'kin na magtaka kung bakit kasal kaagad. 'Yon naman pala..." "Uh—huh," aniya bago humigit ng malalim na hininga. "Nagtataka nga ako kung bakit parang magkapareho ang mga nangyayari sa buhay natin e." "Ha?" He smirked. "Hindi ba at iniwan ka rin naman ni Angel, hindi ba at pakakasalan mo na ngayon si Treazandra dahil sa anak niyo." Hindi naman sila nag-aaway, in fact, nakangisi pa nga siya na tila inaasar ngayon ang pinsan. Normal na sa kanila ang gano'ng pag-uusap. Harmless kumbaga. Wala lang, e, sa napuna niya lang naman ang similarities. At least, sa aspetong 'to, mukhang timbang sila. Lihim niyang naikuyom ang isa niyang kamao na nakasuot sa kaniyang bulsa sa biglaang naglaro sa isip niya. Hindi dapat mapunta sa timbang, sa lamang sa kanilang dalawa ni Alejandro ang utak niya. Tapos na siya sa phase na 'yon. Naniniwala siyang natapos na siya ro'n nang walang nakakaalam at na siya rin lang mag-isa ang tumapos at may mga bagay at aspeto talaga na mananatiling lihim mo sa sarili mo hindi dahil gusto mo lang kung hindi, 'yon ang nararapat upang mas patatagin ka ng buhay. "Uhm," tumikhim ang pinsan niya, niluwagan din ang suot na neck tie. "well, I guess, that's maybe for the best, tutal naman ay may bata nang involved." "Me too, Alejandro, me too." Same sentiments, same boat, same solution eh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD