7: SOON, I KNOW YOU WILL...

1564 Words
KASAL ang isa sa masasabing pinakamaganda at memorable na maaaring mangyari sa buhay ng isang tao. Sagrado 'to, dapat ay hindi ginagawang biro, alam na alam 'yon ni Kate. In fact, 'yon na nga mismo ang mga naglalaro sa isip niya ngayon habang pinagmamasdan niya si Marco Polo na nakahiga sa kaniyang tabi ngayong umaga. Habang hindi niya pa rin mapaniwalaan na pinagmamasdan ang singsing na tanda na siya ay may asawa na. For real... Hindi siya magpapaka-hypocrite, hindi man nila napag-usapan nito ang tungkol kay Monaliza, alam niya naman na ito pa rin ang mahal ng asawa niya—oo, asawa na nga niya 'to at handa niyang ipagsigawan 'yon sa mundo. Napabuntonghininga siyang hinaplos ang wavy nitong buhok na tumatabing sa maamong mukha nito. Hindi man nila napag-usapan ang tungkol sa tunay na feelings nito kay Monaliza ay dama niya naman. Alam niya kung saan siya lulugar maging ang kaniyang nadarama ngayon na pag-angkin dito. Basta, nangyari na lang ang lahat sa pagitan nila, wala na silang nagawa. Basta rin again, naisip niyang baka kinabukasan ay katapusan na niya kaya binigyan na siya ng pagkakataon ng tadhana na maranasan ang mga 'to, so, she grabs it without any hesitation. She grabs it without limitation and without reservation. Tch, alam niya rin na kung makakaharap niya man ngayon ang matalik na kaibigan na si Monaliza ay 'yon ang pinakamatinding rason na kaya niyang ibigay rito pero naisip niya rin, bakit kailangan niya pa bang magpaliwanag? Si Marco Polo nga ay kinasal na at lahat sa kaniya, ni hindi pa rin siya mabigyan ng malinaw na paliwanag patungkol sa mga 'to e. Napabuntonghininga siya ulit. Yumukod siya upang halikan ang nakaumang at nakahain na labi ng kaniyang asawa. Ah, hindi niya talaga akalain na darating pa ang araw na 'to sa kaniya. Hindi niya akalain na darating ang araw na magigising siya na may katabi siyang masasabi niyang asawa na niya talaga. Hindi niya tuloy maiwasan na maalala ang araw na inalok siya nito ng kasal... Oo, ito ang nag-alok ng kasal. Nagulat siya sa bilis ng mga pangyayari sa pagitan nila pero gano'n naman ang lahat sa mundo, mabilis. Sa isang pitik lang, magugulat ka na sa twist at turns of events. Katulad nang nakagulatan na niya na lang na asawa na niya ang dating boyfriend ng matalik niyang kaibigan... Si Marco Polo na nagising niya sa kaniyang halik dahil naramdaman na lang niyang hinapit siya nito sa batok niya at hinalikan na siya. Halik na nakakapagpapikit sa kaniya dahil para sa kaniya ay puwede na siyang mamatay habang ginagawad nito 'yon sa kaniya. 'Wag sanang dumating ang araw na pagsawaan nito na halikan siya... "Good morning," bati nito nang tigilan ang bibig niya. "'Morning," ganting bati naman niya. Medyo nainis siya nang bumangon 'to mula sa pagkakahiga sa kama. Inaasahan niya kasi na ang halik na 'yon ay mauuwi sa... Ah, nagiging mapaghanap na siya. Samantalang nagsisimula pa lamang naman ang kanilang buhay bilang mag-asawa nito. Pinalis niya ang mga agiw na nasa kaniyang utak, kaagad siyang bumangon na rin mula sa kama, nagsuot siya ng roba, pinatungan niya niyon ang suot niyang pangtulog. Dahil pumasok ng banyo ang asawa niya nang nakayapak ang paa. Kinuha niya ang tsinelas nitong pambahay, yumuko siya at inabot 'yon dito nang makaupo na 'to pabalik sa kama. She heard him chuckled kaya kunot ang kilay na tiningala niya 'to. Napapikit siya nang haplusin nito ang pisngi niya. "How's your sleep, wife?" malambing nitong tanong. Ah, oo, sobrang lambing talaga ng lalaking 'to na ngayon ay asawa na niya. Kaya hindi rin nakaligtas ang puso niya talaga rito. Ayaw niya man dahil alam niyang mali, buong sistema naman niya ang sumasang-ayon at ang ginusto na 'to na maangkin. Kaya siguro nga, kahit walang mga salita na namutawi sa kanila, kahit mabilis ang lahat sa pagitan nila, siguro nga ay tama si Mincy, hindi na niya dapat isipin ang nakalipas at mag-focus na lang sa ngayon. Sa ngayon na heto, tinawag na nga siyang 'asawa' ng asawa niya... "Peace," simpleng tugon niya. He chuckled again. "Talagang peace, 'sarap ng tulog mo paglabas ko ng banyo kagabi e," anito sa nagbibirong tono. Ah, yes, honeymoon nga pala nila kagabi pero pareho silang natulog lamang. Wala kasing salita na namagitan sa kanila, basta pag-uwi nila sa hotel mula sa simbahan kung saan sila kinasal na dinaluhan ng mga pamilya nila, nagbanyo siya, tapos ay nagbanyo 'to, 'yon na lang ang huling natatandaan niya. "Gano'n yata talaga 'pag buntis," aniya. Oo, buntis siya kaya napadali rin ang kanilang pagpapakasal na dalawa. Buntis siya kaya nagmadali rin 'to talaga na panagutan siya. Hindi raw nito gusto na maging bastardo ang magiging anak kaya nararapat lang daw na magpakasal silang dalawa. "Hmn, maybe," simpleng tugon naman nito sa kaniya. Itinayo siya nito, niyakap at masuyong hinagkan sa kaniyang bumbunan. Napapikit na lang siya. Mga gano'ng gesture kasi nito ang hindi niya akalain na napakasarap pala sa puso. She's born with a weak heart pero ibang klaseng pagka-weak pala sa puso ang maibibigay sa kaniya ng lalaking 'to. 'Yon ang weak na masasabi niyang... masarap at nakakapagpaligaya sa puso niyang mahina. "Thank you," anas niya, habang seryoso siyang nakatitig sa mga mata nito. He smiled. Kinuha nito ang mga palad niya. "No, thanks to you, 'yon ang mas tama." Napangiti na rin tuloy siya. Kung magsasalita pa ba 'to ay mapag-uusapan na ba nila ang loveless marriage na 'to? Kung magsasalita pa ba 'to ngayon ay bubuksan nito ang kakaharapin nilang problema 'pag nariyan na si Monaliza? Again, hindi siya magpapa-hypocrite, alam niyang ilugar ang sarili kahit pinayagan niya rin ang sarili niya na mag-give in sa kasal na 'yon. Nang pumayag siya sa alok nitong kasal, patawarin na siya pero sariling benefits lang niya ang nasa isip niya, wala nang iba pa. Sariling benefits, sariling kapakanan, makasariling kapakanan ng kaniyang anak. Kung masamang tao na siya dahil do'n, so be it. "Bakit naman? Wala naman akong ginawa at nagawa pa sa 'yo. Ah, naalala ko, 'yong nagawa kong 'yon na awatin ka sa kabaliwan mong pagpapakamatay ay normal lang dahil magkaibigan naman tayo," lakas loob niyang sabi rito. Nakangiti lang siya na parang ito na ang pinakamabuting lalaki na nakilala niya sa buong mundo. May gano'n pala, 'yong kahit alam mong hindi naman 'to ang ideal man na papangarapin na mapangasawa ng lahat e, mapapangiti ka na lang na parang ito, wala ng iba pa. He smiled again. "Oo, salamat do'n. Salamat at inintindi mo 'ko. More on, mas salamat sa baby na 'to," Hinaplos nito ang impis niya pang t'yan, "nagkaro'n ako ng purpose sa mundo dahil dito, dahil sa 'yo, dahil sa inyo, nagkaro'n ako ng rason para mabuhay pa." Siya naman ang pagak na natawa. Mahinang tinapik niya 'to sa pisngi. "Sa susunod, huwag mong sasayangin ang buhay mo. Sa kahit na sino." Natigilan na napatitig 'to sa kaniya. "Yes, ma'm, copy that." "You should promise me that." Nakanguso niyang sambit. Umingos 'to. "Paano kung ayaw ko?" She shrugged her shoulders. "Then, mahina ka. Siya lang ang lumayo, marami pa namang iba." Napatiim bagang 'to. Dama niya ang biglaang pagbabago ng mood nito sa binanggit niya. Well, ayaw naman niyang i-prolong ang lahat. Naisip niya kasi na mas mainam na mapag-usapan nila ang lahat ngayon pa lang. Ngayon pa lang na hindi pa siya nasasaktan. Kung walang makaunawa sa rason niyang 'yon hindi na niya 'yon problema. Dahil dama niya, alam niya, bukas o sa makalawa ay wawasak na sa kaniya ang katotohang hindi naman siya ang mahal ng lalaking pinakasalan niya. Alam niya, bukas sa makalawa ay dudurog sa kaniya ang katotohanan na hinding-hindi niya maaawat ang mga puso na tunay na nagmamahalan. Hindi naman mahirap mahalin 'to. Kung tutuusin nga ay nawiwili siya rito ngayon pa lang. In-spoil siya nito sa mga paraan na alam nito. 'Yong mga dating ginagawa nito sa matalik niyang kaibigan, pinaparanas na niya sa kaniya. Oh, hindi niya 'yon irereklamo. Ang kaniya lang, mas maaga, mas okay. Baka kasi kung kailan lubog na siya sa maramot na pakiramdam ng isang taong nagmamahal, saka pa isampal sa kaniya na hinding-hindi mangyayari na maging kaniya ang isang taong ninakaw niya lamang sa iba. "Marami pang iba, tama ka. That's why we're here," he said, then he gently kissed the back of her hands. "'Yon ba ang tingin mo sa kung ano na 'tong nangyari sa 'tin?" "Nah, mas ang tingin ko ay ang tadhana ang nagbigay daan para sa ating dalawa ngayon." "May pa-tadhana, kahit alam natin pareho na mali 'to," pinili niyang biruin na lamang 'to. Seryoso siyang tinitigan nito, umiling-iling bago hinawakan ang kaniyang baba. "Listen, believe me, walang mali rito, Kate. Nang umalis siya, 'yon na kasi ang katapusan naming dalawa." May point pero... "P—Paano kung magbalik siya?" "Suit herself." Kibit ang mga balikat nitong tugon. Kung hindi lang sana g'wapo ang lalaking pinakasalan niya, hindi niya siguro makukuhang magbiro. "'Kuuu, mag-he-heto nga pala ang sinayang mo, lang ka yata pagbalik niya," tukso niya pa rito sa pabirong tono. One thing na na-realize niya nga, mainam din na kaibigan at nakasama mo ang mapapangasawa mo, kasi heto, nabibiro niya 'to sa extend na nais niya. Natawa 'to. "Seriously, ayaw ko na siyang pag-usapan, Kate." Tinitigan siya nito. "Hindi mo man kasi ako mahal ngayon, soon, I know you will."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD