MAAGA pa lang ay nagising na si Oz. Madaling araw ng alas-kwatro muli ang call time nila ngunit nagising siya na mag alas-tres pa lang. Hindi niya alam kung nakatulog ba talaga siya dahil pakiramdam niya ay kapipikit niya lang nang maalimpungatan siya at tuluyan nang magising. Babangon na siya nang makarinig siya ng katok sa pintuan, “Dude, bangon na. 4 am tayo dapat nasa main house. May meeting daw si Dash ng 10 am kailangan marakating tayo agad ng Maynila.” “Sige. Gising na ‘ko,” sagot naman niya habang nababatak ang bibig sa paghikab. Nag-inat muna siya ng 16 counts bago nag-push ups ng 50 counts. Dahi hindi siya makakapagwork out o jogging ng umagang iyon, kailangan niyang magpapawis muna kahit sa ganoong paraan lang. Bago mag-alas kwatro ay nakahanda na silang tat