Walang nagawa si Rain nang tuluyan syang kaladkarin ni Hanz papasok sa motel habang walang pagsawa ang mga mata niya sa pagkilatis sa kuya kuyahan nya.
Naagaw lang ang pansin niya ay nang nasa mismong loob na sila ng motel.
In fairness. Ang ganda ng motel na yun. Hindi iyon pang probinsya kundi pang syudad ang hitsura, tulad din ni Hanz na nakatira sa probinsya pero pang Hollywood ang dating.
Nakaramdam pa sya ng hiya nang pagpalit palitan sila ng tingin ng receptionist nang tuluyan silang makapasok. Baka mamaya ay kung ano pang isipin niyon na gagawin nila roon. O baka sya lang ang nag-iisip ng ganoon.
"Good evening! Welcome to HX Motel and Restaurateur! Short time ho o overnight?" tanong kaagad niyon pero ang mga mata ay nakatutok lang sa lalaking katabi nyang ito na walang kasing seryoso ang aura ng pagmumukha pero nag-uumapaw ang kagwapuhan at kamachohan
Lagot ka! Kagagalitan ka niyan! Anang isip niya. She crossed her arms waiting for Hanz to show how rude his attitude is.
Halatang pacute kasi ang receptionist. At alam nya na sa lahat ang ayaw ni Hanz ay mga pacute.
Pero nadismaya sya nang ngumisi ang lalaki at nakipagtitigan sa receptionist.
"She's my sister," anito.
Sister mo mukha mo!
Ewan niya kung bakit parang gusto niyang sambutin ang sinabi nito na hindi naman talaga sya nito kapatid at sila ay walang relasyon sa dugo.
Pero para saan? Para ipahalata na hanggang ngayon ay gusto pa rin niya ito? Di ba nga nireject na sya nito? Di ba nga sinabi na nito na ayaw nito sa kanya? Mayabang kasi si Hanz, ubod ng yabang.
"Oo. Kasi kung hindi kami magkapatid di naman ako magkakagusto riyan. He's an old man. He's already thirty-two pero wala pa syang asawa. Masungit kasi sya. Alam mo yun, miss?" gigil na sambit niya sa babae.
Pinukol sya ni Hanz ng masamang tingin. Nakita niyang gumalaw ang mga panga nito dahil sa sinabi niya. Alam niyang pikon na naman ito. Nagseselos kasi ito sa pagmamahal at atensyon sa kanya ng mommy at daddy nito kaya pumunta sa hacienda at nagpapakabulok.
She rolled her eyes. At nang hindi sya nito pinansin ay parang mas lalong nadagdagan ang inis niya. Manhid talaga.
Ibinalik nito ang mga mata sa babaeng receptionist. At ang babae naman ay nahihipnotismo pa kay Hanz. Maybe it's his unruly hair which makes him more gorgeous.
"Miss, I own the motel," mahinang sabi nito.
Siya naman ay nanlaki ang mga mata. Ano? Hanggang kabayanan meron na itong pag-aari?
Kitang kita ang pagkataranta ng babae.
"S-Sorry ho. K-Kayo ho ba si Señorito Hanz?" parang gusto pa niyong mag antanda ng krus sa sobrang tensyon na nararamdaman.
Siguro dahil baka kalat doon na masungit nga ang lalaki at diktador kaya ganoon na lang ang takot ng babae.
Kaagad niyong kinuha ang susi sa drawer at iniabot kay Hanz.
Hanz held his wallet out of the pocket at kinuha roon ang Identification Card. It's a driver's license at inilapag iyon sa counter paharap sa babae.
"First warning. You have to make sure that it's really Hanzxander. Hindi yung basta mo na lang ibibigay sa akin ang susi. You have to learn. Ayoko na muulit pa ito. Naiintindihan mo?" tanong nito sa babae na kaagad napayuko.
"First offense pa lang naman kaya hindi ka pa fired," anitong kinuha ang susi sa kamay ng babae at ang i.d na iprinisinta.
Yumuko ang babae at tumango. Kung sya yun hindi sya yuyuko.
Tapos ay tumingin ito sa kanya. Ganoon pa rin, ganoon pagbabago. Ang talim ng mga mata nito.
"Childish!" umiiling na sabi nito saka siya mabilis na nilayasan.
"Hanz," tawag niya sa lalaki pero hindi sya nito nilingon. Tuluy-tuloy lang ito sa elevator kaya mabilis naman syang sumunod na para bang hindi sya nag e-exist sa pangingin nito. Grabe ang galit talaga ng lalaking ito sa kanya.
Maya-maya ay biglang kumalampag ang elevator at dumilim.
Napatili pa sya at mabilis na kinapa ang braso ng binata at napahawak doon nang walang abiso.
Matitigas ang brasong nahawakan niya pero makinis. Halatang galing sa mayamang angkan kahit na nakatira sa Hacienda at ang puro kasama ay mga trabahador at magsasaka.
Nang lumiwanag ay kaagad nitong binawi ang braso mula sa pagkakahawak niya at parang diring diri pa ito na umusog papalayo nang kaunti.
"Ang yabang mo talaga." aniya at nang bumukas ang elevator ay kaagad siyang lumabas at nagpatiunang maglakad.
"At saan ka pupunta? Dito sa kabila ang pinto. Tatalon ka yata sa fire exit." anito kaya napapihit sya.
Wala pa rin talaga itong pag-asa. Parang mas lalo pang lumala ang ugali kesa noong huli niyang makasama bago nagdesisyon na pumunta sa hacienda. Galit pa rin yata ito sa kanya. Galit pa rin sa ginawa niya. Pero hindi naman nya yun pinagsisishan pero ang lalaki ay mukhang sising sisi.
Napayuko na lang sya at napilitan na sumunod. Buti na lang tumalikod ito. Kung hindi, bilib na naman ito lalo sa sarili dahil sa pag yuko niya. Ganoon kasi si Hanz. Parang nasisiyahan kapag natatahimik sya at lalong parang lumalakas ang kapangyarihan nito kaya ang ipinakikita niya rito ay paglaban. Kung ito ay diktador, sya naman ay rebelde.
Napahanga sya nang buksan nito ang silid na yun. Open ang kabuuan. Ang mesa, ang kama, ang sofa ay sama sama na at walang mga debisyon pero nakaayos naman at mukhang may interior decorator pa. Yun lang ay kita niya ang mga gumuguhit na kidlat sa labas dahil sa salamin ang buong dingdig niyon sa likuran.
"Kumikidlat! Please ibaba mo yung blinds," pakiusap niya sa lalaki na parang nagtaka pa sa ikinikilos niya.
"Matanda ka na para matakot pa sa kidlat, Cassandra. You're not that twelve year old kid long ago,” anito at hindi man lang sinunod ang sinabi niya.
Naaalala pa pala nito na kapag kumukulog at may kasabay na kidlat ay tumitili sya nang walang humpay. At kapag di sya nasiyahan ay tumatakbo sya sa kwarto ng adopted parents niya para sya ay makalma.
Pero ano bang silbi niyon kung napaka ungentleman naman nitong lalaking ito na kasama niya ngayon?
Patakbo syang pumasok sa banyo para magtago. Pero bakit nga ba takot sya sa kidlat hanggang ngayon? Dahil sa phobia niya noong bata pa siya at nakita niya ang isang magsasaka na Tinamaan ng kidlat sa palayan. Nangisay lang ang lalaki at namatay.
Maya maya ay bigla na naman dumilim kaya napatili na naman sya.
"Haaanz!" sigaw niya sa pangalan ng adopted brother.
Hindi sya makagalaw sa loob ng banyo. Nakasandal lang sya sa pinto at muntik pa syang mapasubsob nang marahas iyon na bumukas at may kumapa sa braso niya.
"lumabas ka na dyan." ani Hanz sa kanya ay saka siya hinila papalabas ng banyo.
Halos isalya sya nito sa kama nang bigla na ulit lumiwanag dahil sa generator.
Maya maya ay nakita niya itong naghuhubad ng tshirt.
"What are you doing?!" parang gusto niyang ipilig ang ulo para makaiwas sa ginagawa nito pero sadyang mapanukso talaga ang katauhan ng isang ito kaya maski anong pilit niya ay di naiwasan napatanga sya sa katawan ng lalaki.
Tila nahulaan kaagad nito ang ibig nyang sabihin.
"Do you really think I have that in mind?" he smirked and surveyed her.
Parang iniinsulto sya ng paraan ng pagititig nito.
"kahit maghubad ka pa sa harap ko, wala akong gagawin sayo. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para mapikot ng kagaya mo," anito.
Parang sumakit ang dibdib niya sa mga sinabi nito. Di pa ba sya sanay? Di ba nga dati pa ganoon na mana rin? Lagi syang sinasaktan at iniiwasan. Bakit parang di pa rin sya immune roon?
Tumalikod ito at tinungo ang sofa saka nahiga kahit nakasapatos.
Wala na rin syang nagawa kundi mahiga. Parang bigla eh gusto nyang umuwi sa Mommy Alex niya at Daddy Santi. Mas masungit pa kasi si Hanz kesa sa mga adopted parents niya. Kung sana nga lang at wala syang kasong tinatakasan eh di sana wala syang problema.
Hindi pa sana ngayon bumabangon ang malaking paghanga niya sa diktador at masungit niyang adopted brother. Para kasing nung makita nya ito kanina, daig pa nya yung dating 16 year old na Rain na sobra ang paghanga sa lalaki kahit ang laki ng age gap sa kanya at walang ibang ginawa kundi pagsalitaan sya ng mga hindi magaganda.
Pero bakit di sya magalit? At natatakot sya na baka magtagal sya sa Hacienda ay masanay na naman sya na kasama at nakikita ito tapos bigla na naman na lalayo sa kanya.
He's her first love at dahil sa paglayas nito ay doon na sya nahumaling sa kakagimik pero nang makapag graduate naman sya ay tinulungan na nya ang Daddy Santi niya sa kumpanya. Trabaho sa umaga, laskwatsa sa gabi. She's into so much dating and meeting different guys and let them kiss her, but not on the lips. Reserved yun sa lalaking papalit sa pwesto sa puso nya para kay Hanz. Thinking na may pwedeng pumalit pa para sa kanya pero wala. Hanggang sa nasawa na rin syang makipag flirt kung kani kanino dahil walang pagbabago sa damdamin nya.
Pero kung tatanungin naman sya if she was already bedded, the answer is no. Hanggang pagpapahalik lang ang na experience niya. Hindi pa sya ipokrita para magpaisa sa mga lalaking nasa bar na napupuntahan niya. At madalas pa syang matanong kung bakit di sya nagpapahalik sa labi, sabi niya ay may bad breath sya pero natatawa lang ang mga lalaki at hindi naniniwala.
Ano na lang ang sasabihin ng Mommy Alex niya kapag nagbuntis sya na walang ama? Nakakahiya na baka itakwil pa sya. Ampon na nga lang siya magiging disgrasyada pa ba?
Napasulyap sya sa couch at nakita niya ng gwapong mukha ng lalaki na natutulog na. Medyo bata pa ito noong umalis pero ngayon na medyo nag edad na, saka naman mas lalong lumitaw ang kagwapuhan.
She stared at him for a while. He's a perfect creature in her eyes.