COME HOME

749 Words
COME HOME Malalaki ang hakbang ni Rain nang marating nya ang bayan na yun kung saan halos buong kalawakan ay pag-aari ni Hanz o ng angkan ng mga Elizares. Wala na syang panahon na mag-drive pa dahil antok na antok na sya kaya tutuloy na muna sya sa motel para magpalipas ng gabi. Ang lakas pa rin naman ng ulan dahil sa bagyo na pumasok sa Pilipinas kaya kaysa makipagsapalaran siya sa madilim at basang kalsada ay magpapahinga na muna siya. Bukas na sya tutuloy sa mansion dahil talagang di na niya kaya. Halos anim na oras na syang nag drive at aabutin pa ng dalawang oras bago niya marating ang mansion ng mga Elizares sa bayan na iyon. At bagay na ganitong malamig ay mas gusto niyang matulog at mag-talukbong ng kumot. Isa pa, nakikita niya ang mga mumunting liwanag sa langit dahil sa pagguhit ng mga maliliit na kidlat. She locked the door of her car and hastily walked towards the small cafeteria, in line with the most promising hotel found in that municipality. Sa sentro iyon ng bayan makikita at alam niyang iyon ang pinakasikat na hotel ngayon doon. Sa natatanaw niya ay maganda ang motel at mukhang hindi siya nagkamali ng pinili. Nakakailang hakbang pa lang siya nang may humablot sa braso niya. Biglang rumagasa ang kaba sa dibdib niya dahil sino namang hahablot sa kanya sa ganoong oras ng gabi? Titili sana sya pero mas pinili niyang hambalusin ng bitbit nyang bag ang lalaki pero maagap na nasalag nito ang braso niya. She looked at the man's face and what she saw was a manly face, na kahit malamlam ang sinag galing sa ilaw ng nag-iisang poste ay alam niya at di sya pwedeng magkamali sa lalaking nagtataglay ng ganoong kagwapuhan. Si Hanz. Lalo itong gumwapo sa mahabang buhok at Diyos ko! Ang laki laki ng katawan nito na daig pa ang isang hot model sa Hollywood. Kailangan pa nyang tingalain ang binata para lang mamukhaan. He still has those beautiful blue fierce eyes, na parating nagsasalita para rito, ang mapang-akit na mga mata at the same time nagpapakita ng pagiging maawtoridad nito sa lahat ng bagay. "Hanz–" she muttered at di nya magawang itikal sa mukha nito ang kanyang mga mata na para bang kapag ginawa nya ay mawawala itong bigla. "Matigas talaga ang ulo mo ano!" yun ang bungad nito kaagad sa kanya kasabay ng pagdidilim ng mukha. Ilusyon lang pala ang nakita nyang ngiti nito kanina because it looks like he isn’t pleased by her presence. "Aw! Get off me!" angal niya sa binata dahil sa tindi ng pagkakahawak nito sa braso nya. Inagaw nito ang bag niya at Wala itong imik na kinakaladkad sya papunta sa motel. Ewan niya kung bakit parang kinilig sya sa ginawa nitong pag- agaw ng bag niya para bitbitin. "Why not drive eh nandito ka naman kesa matulog pa tayo sa motel." pagtataray niya sa stepbrother. Tumigil ito at hinarap sya."First of all, you don't have the right to demand for anything. Dito ka pinatapon nina Daddy at Mommy so it means to say ako ang magdidikta ng lahat ng dapat na gagawin mo coz if not, ako mismo ang magbibigay sayo sa mga taong gusto kang patayin." gigil na sambit nito sa kanya habang sya ay nakatunganga sa labi nito. Nang di siya umimik ay kumunot ng kaunti ang noo nito. "What are you lookin at?" "W-Wala–" kandautal pa sya sa iisang kataga na yun at napilitang ialis ang mga mata sa labi nito. He smirked. "You've missed me, didn't you, Cassandra?" his eyes surveyed her face. Pati paraan ng pagngisi nito ay parang nakakainsulto. "Of course not!" maagap na sagot niya but the truth is, she really does. "Buti naman dahil hindi rin naman kita namiss. Ayoko sa lahat ay matigas ang ulo at hindi marunong tumawag ng kuya!" back to his old manner na masungit at pakialamero. Kinaladkad sya nitong muli at walang imik na napatitig sya sa malaking katawan nito dahil sa suot na semi fit t shirt habang nakasampay sa balikat ang jacket. Medyo basa ito ng ulan pero bakit mas lalo itong nagmukhang brusko? At kahit isa itong haciendero na parating nasa farm ay naghahalimuyak sa bango. Nailihis niya ang mga mata nang sulyapan siya ng nag-uumapoy nitong mga mata. Along with that is her racing heartbeats. Malaki pa rin ang paghanga niya sa diktador niyang adopted brother. Kahit anim na taon na ang lumipas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD