By Michael Juha
----------------------
Para akong natulala sa nangyaring pagsuka niya. Noon ko lang kasi siya nakitang nalasing. Nang hindi na talaga siya kumilos, inalalayan ko siyang tumayo upang ihatid sa kanyang kama. Ngunit wala siyang malay at wala ring lakas.
Inalalayan ko siya patungo sa kanyang kuwarto. Muli na naman siyang sumuka. Muling nabasa ang kanyang damit at pantalon. Hanggang sa tuluyan ko na siyang naihiga sa kama,
Dali-dali kong tinungo ang kusina at nag-init ng tubig upang ipunas sa kanyang katawan. Habang hinintay kong kumulo ang tubig, sinilip ko siya mula sa pintuan ng kanyang kuwarto.
Nakahiga na nakatihaya, napaka-inosenteng tingnan, napaka-guwapo. Noong una kong pagkakita sa kanya, aaminin kong may nadarama akong attraction sa pisikal niyang anyo. Ngunit na turn-off ako sa unang ipinakita niyang asal, dagdagan pa na may girlfriend siya at ayaw niya ang bakla. Isa pa, nagdalamhati pa ang puso ko sa masakit na karanasan sa pag-ibig. Ngunit sa ipinakita niyang pagka-sweet sa akin sa araw na iyon, pakiwari ko ay may isang bahagi ng puso ko na nakiliti niya, napukaw, nakaramdam ng kakaibang saya. Ewan… hindi ko lubos maintindihan ang aking naramdaman.
Naputol ang akin gpagmumuni-muni nang biglang pumito ang takure. Dali-dali kong kinuha ang maliit na palanggana at ibinuhos ang may isang baso ng kumukulong tubig mula sa takure atsaka hinaluan ko iyon ng malamig na tubig. Dinala ko ang palanggana sa loob ng kuwarto ni Ezie at inilatag ito sa ibabaw ng mesa.
Wala pa rin siyang malay. Nakapikit ang kanyang mga mata, ang kanyang ulo ay nakapihit sa kaliwang banda ng higaan, nakaharap sa akin. Ang kanyang dalawang kamay ay nakalatag lang sa magkabilang gilid, ang dulo ng kanyang t-shirt at bahagyang lumantad ang kanyang walang kataba-tabang tyan at ang umusling garter ng kanyang puting brief.
Hinila ko ang dulo ng kanyang t-shirt upang tanggalin ito. Bahagya kong inangat ang kanyang pang-itaas na katawan. Umungol siya ng mahina. At sa pilit kong pag-angat ng kanyang katawan ay tila naki-angat din siya kahit halos wala siyang lakas at nakapikit ang kanyang mga mata.
Nang tuluyan nang natanggal ang kanyang t-shirt, tinanggal ko naman ang butones ng kanyang pantalon. Halos manginginig ang aking buong katawan habang ginawa ko ito. Bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki sa suot niyang maong. Nang ibinaba ko na ang zipper, lumantad sa aking paningin ang malaking bukol ng kanyang puting brief. Mahaba at parihis. Halos matuyuan ng laway ang aking lalamunan.
Hinila ko na pababa ang kanyang jeans. Bahagya rin niyang inangat ang kanyang puwetan. Naki-ayon siya.
Sa ganoong postura niya, mas lalo pa akong nabighani. Nakatihaya, hubad ang katawan, brief lang ang suot. Tila may malalakas na puwersa sa aking isip ang naghihilahan. Ang isa ay nagsabing yakapin ko siya, paglaruan ang hubad niyang katawan, hubarin na ang brief at dakmain ang kanyang pagkalalaki, habang ang isang bahagi naman ay may pagbabanta na baka mahulog na naman ang loob ko sa isang lalaki, at muling masaktan.
Kinuha ko ang palanggana sa ibabaw ng mesa at inilagay iyon sa ibabaw ng kama ni Ezie. Binasa ko ang labakara at sinimulan kong punasan ang kanyang noo, mukha, baba, pisngi. Muli siyang umungol at ngumiwi ang kanyang bibig nang makaramdam sa maligamgam na tubig. Hindi siya pumalag.
Itinuloy ko ang pagpunas sa kanyang katawan. Sa leeg, sa dibdib, sa tyan, hanggang pababa ito sa kanyang harapan. Nang naroon na ang aking kamay sa mismong umbok ng kanyang pagkalalaki, ramdam ko ang lalong paglakas ng udyok ng aking isip na hubarin ang kanyang brief. Hanggang sa bumigay din ako. Hinila ko ang kanyang brief pababa. At lalo pa akong naturete nang mismong inangat ni Ezie ang kanyang beywang upang mabilis kong matanggal ang kanyang brief!
Muli kong binasa ang labakara atsaka ipinunas iyon sa mismong pagkalalaki niya. Hinagod ko ang singit, ang kanyang bayag, at ang kahabaan ng kanyang pagkalalaki. At mas lalo pa akong nagulat nang habang pinunasan ko iyon, unti-unti itong tumigas at lumaki!
Inilatag ko ang labakara sa ibabaw ng kanyang kama at hinawakan ko ang kanyang pagkalalaki. Hindi ko iginalaw ang aking kamay. Pinakiramdaman ko lang kung magising siya. Tiningnan ko ang mukha ni Ezie. Himbing na himbing ito sa kanyang pagtulog. Ngunit kung gaano siya kahimbing, kabaligtaran naman ang kanyang pagkalalaki. Mistulang nanunukso ito, gumagalaw, pumipintig na tila nag-anyaya na laruin ko siya at isubo sa aking bibig. Ramdam ko ang tigas na tigas ko na ring pagkalalaki. Ramdam ko ang kakaibang kiliti na bumalot sa aking buong katawan.
Muling nanumbalik sa aking isip ang aking ex na si Joseph. Sa kanya ko naranasan ang pinakaunang pakikipagtalik. Nangyari iyon sa isang parking area ng talipapa. Sobrang kaba ko noon sa takot na baka mahuli kami. Iyong excitement at takot na hindi ko mawari. Iyong may pangamba ngunit sobra ring naalipin sa libog at kasabikan. Nang hinubad ni Joseph ang kanyang pantalon at nakita ko ang malaking bukol ng kanyang harapan, tila mawalan ako ng malay-tao. At lalo na nang hinubad pa niya ang kanyang brief at iginiya niya ng kanyang kamay ang aking kamay upang hawakan ang naghuhumindig niyang ari, ramdam ko ang aking panginginig. Nang sinabi pa niyang lumuhod ako at isubo iyon, lalo pa akong natakot. Ngunit mapilit at sobrang agresibo si Joseph. Marahil ay sa sobrang libog kaya hindi na niya alintana kung ang may-ari ng sasakyang nakaparada kung saan ay ginawa naming harang ay biglang sumulpot. Mistula siyang isang asong gutom sa pagkain at lahat ay gagawin. Iyon ang una kong karanasan na sumubo ng ari ng lalaki. Iyon din ang unang karanasan ko na pasukin ang aking likuran. Di ko malimutan ang aming posisyon na iyon. Nakatuwad ako, nakatukod ang dalawang kamay sa puting van.
Di ko maipagkaila na nasasabik ako na muling maranasan iyon. At sa pagkakataong iyon ay nasa harapan ko na, nahahawakan ko, nanunukso.
Nungit nang biglang sumingit ang masakit na karanasan ko sa piling ni Joseph na halos ikamamatay ko, tila sinabuyan ako ng malamig na tubig at nagising. Tinanggal ko ang aking kamay sa pagkahawak nito sa matigas na ari ni Ezie. Muli kong pinulot ang labakara at dali-daling tinapos ang pagpunas sa kanyang katawan.
Dinampot ko ang puting boxer short mula sa kanyang cabinet at iyon ang isinuot ko sa kanya. Pagkatapos ay kinumutan ko siya.
Lalabas na sana ako ng kuwarto nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay. “Huwag mo akong iwan…” ang sambit niya. Nang nilingon ko siya, nakataglid siya paharap sa akin at ang mapupungay na mga mata ay tila nagmamakaawa, nakikiusap. Nagising pala siya.
Hindi ko siya sinagot. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong hininga. Hinila ko na lang ang upuan na malapit sa kama at habang hawak-hawak niya ang aking kamay ay doon ako umupo. Hanggang sa naramdaman kong natanggal ang pagkahawak niya sa aking kamay at nakalatag na lang ito sa kanyang kama. Muli siyang nakatulog.
Alas 9 na nang magising ako kinabukasan. Tulog pa siya nang sinilip ko siya sa kanyang kuwarto. Dali-dali akong naghanda ng kanyang agahan. May pasok pa kasi siya, at late na ang alas 9. Hindi pa man ako natapos sa pagluluto ay nasa may pintuan na siya, nakatayo. “Good morning!” ang sambit niya. Nakangiti.
“G-good morning din.” Ang sagot ko. “Okay na ang pakiramdam mo?” ang tanong ko.
“Okay na. Salamat.”
“Salamat saan?”
“Sa pag-asikaso mo sa akin kagabi. Sensya na nalasing ako.”
“Okay lang iyon. Ako nga ang dapat na magpasalamat eh.”
“Uy luto na yata iyang sinaing mo, kain na tayo. Gutom na ako.”
“Oo nga…” ang sagot ko. Naghain ako ng pagkain at inilagay iyon sa mesa.
Naupo siya. At dahil hindi ako umupo, niyaya niya ako. “Kain na tayo.”
“Huwag na. Sa labas na lang ako.”
“Ikaw naman… sige na.” ang sambit niya. At tumayo pa talaga siya upang mapaupo ako. “Sige na.”
“Nakakahiya na sa iyo ah. Wala na nga akong bayad dito, pati pagkain nakikain na rin ako sa budget mo.”
“Ano ka ba? Wala ito sa mga nagawa mo sa apartment ko.”
Kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo at kumain.
“Wala pala akong pasok ngayon. Nag-leave ako. Inaanticipate ko kasi na baka malasing ako o hindi makatulog nang maaga kaya nag leave na lang ako, buong araw ngayon.”
“Aw… ganoon ba? Di mo sinabi. Baka nagising kita sa mga kalampag sa kusina. Kala ko kasi papasok ka.”
“Okay lang. Kasi, gusto ko ay mamasyal tayo. Mag-mall, manuod ng sine. Pagkatapos, sa labas tayo mag-dinner. Sagot ko.”
“Grabe naman. Kahapon nilibre mo na ako, sinorpresa pa, tapos may continuation pa pala.”
“Oo naman. Masaya lang ako.” Ang sagot niya.
Natuloy ang pagma-mall at panunod namin ng sine. Sa sarili ko ay para kaming magkasintahan. Ngunit iba rin siguro ang dating sa kanya noon. Parang sa isang mag-best friends lang. Hindi naman kasi kami nag-aakbayan o nagho-holding hands, iyong casual lang na parang magkaibigan na namasyal. Iyong panunood lang ng sine at kumain sa labas ay parang iba na ang dating sa akin eh. Date. Sabagay, ang pag-iisip ko bilang isang bakla ay iyon na iyon. Pero masaya na rin ako.
Nagdinner kami sa isang kainan sa may sea front. Open-air ang kainan na iyon at sa aming kinaroroonan ay tanaw namin ang dagat at ang mga barko. Med’yo malalim na ang gabi nang magpunta kami roon kung kaya ay kaunti na rin ang tao. Tahimik, malamig ang simoy ng hangin, maganda ang ambiance. Romantic. Sigruo dahilan upang maging seryoso rin ang aming mga pinag-uusapan. Habang kumakain kami ay nag-open-up siya sa kanyang buhay.
“Alam mo, ang totoong dahilan kung bakit ako umalis sa poder ng mga magulang ko ay dahil sa sama ng loob sa kanila. Hiwalay kasi sila eh. Iyon bang parang sarili lang nila ang kanilang iniisip. Mula nang bata pa ako ay litong-lito ako. Di ko alam kung saan ako na-belong. Kasi ang bagong family ang papa ko, may mga anak sila. Ang mama ko naman, may family na rin, at may mga anak sila. At kapag nasa poder ako ng aking ama, iba ang trato sa akin ng asawa niya, iyon bang parang tau-tauhan, kasambahay lang. Ganoon din sa poder ng aking ina, ipinaramdam niya sa akin na ayaw niya ako na nasa bahay nila. Hindi ko alam kung ano ang gagawin that time na bata pa ako. Ramdam ko ang discrimination, ang psychological na pressure, at iyong feeling na hindi ka na-belong, walang nagmamahal. Pag naroon ako sa papa ko, mag aadjust ako, magtitimpi. Kapag nasa mama naman ako, ganoon din. Parang wala akong kakampi kasi hindi nila ako pinapakinggan. Naiinggit nga ako sa mga half brothers and sister ko dahil buo ang pagmamahal na natatamasa nila sa kanilang mga magulang eh. Samantalang ako, hayun, feeling ko ay ini-ignore nila ako, parang gusto nilang burahin sa kanilang buhay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I was so helpless.” At nakita ko na lang sa mga mata niya ang mga luha.
Ipinatong ko ang aking mga kamay sa kamay niya. “I’m sorry.” Ang sambit ko.
“P-pero okay naman ako ngayon. Bagamat narito pa rin ang sakit, pero kahit papaano, alam ko na kung paano tumayo na mag-isa. Emotionally naman, kaya ko na. Kaya nga nasabi ko sa aking sarili na kapag ako ay nag-asawa na, gusto ko ay sigurado na ako, iyong hindi ako magsisi at hindi ko na hihiwalayan pa dahil ayaw kong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko sa buhay.“ ang dugtong niya.
Binitiwan ko na lang ang isang pilit at matipid na ngiti.
“Bakit kaya may mga magulang na ganyan? Bakit kaya minsan ay kailangang ang anak ang magdusa sa kasalanan o maling desisyon nila? Iyan ang tanong ko sa buhay.”
“Minsan kasi Ezie ay may mga maling desisyon sa buhay eh. Wala naman kasing perpektong tao eh. At hindi natin sila ma-judge kasi wala tayo sa posisyon nila. Kung perpekto lang sana ang tao, siguro ay walang magdusa. Walang gulo. Walang problema.”
“Sabagay.”
Tahimik.
“A-ako nga rin, halos ganoon din ang sakit ng karanasan sa iyo, sa mga magulang din. Ang kaibahan lang ay hindi ko naranasan ang pagmamahal nila. Apat na taon ako nang pumanaw sila, at sabay pa. Nalunod ang sinakyan nilang lantsa patungo sa isla ng aming probinsya. Hindi na natagpuan ang kanilang mga bangkay. Kaya ang lola ko na lang ang siyang tanging nag-alaga sa akin. Sobrang mahal ko ang lola kong iyon. Sobrang mahal din niya ako. Para sa akin, siya ang aking mundo, siya lang ang kaisa-isang taong nariyan para sa akin. Ngunit namatay din ang lola ko noong high school ako. Nang nag-graduate ako, sorang lungkot ko. Ang nagsabit ng aking medalya ay ang aking teacher adviser. Ang sakit. Iyon ang pinakaunang sakit na naranasan ko.”
“Pareho pala tayo… malungkot ang karanasan.” Ang sambit niya.
“Alam mo ba kung ano ang pinakakinatatakutan ko?”
“A-ano?”
“Ang mag-isa. Iyong magmahal ka, tapos bigla ka niyang iiwan.”
Natahimik siya.
“Kagaya ng lola ko. Kagaya ni Joseph… Josephine. Sila na lang sana ang natitirang taong nagmamahal sa akin at mahal na mahal ko. Ngunit iniwan nila ako. Iyan ang pinakamasakit sa lahat. Minsan nga ay parang gusto ko na ring sumuko. Ang hirap mag-isa. Ang lungkot...”
Siya naman ang hindi nakasagot.
“Kaya ang tanong ko rin sa buhay ay bakit kailangan nating magmahal kung wala namang kasiguraduhan sa pagmamahal? O bakit kailangan nating umibig kung sa bandang huli ay may masasaktan o maiiwan? O Posible bang magmahal na hindi na lang tayo nasasaktan?”
“Ang pagmamahal kasi, Jim ay nasa puso, nararamdaman. Ganoon din ang sakit, ang kaligayahan, ang galit. Iisa lang ang lugar nila sa puso. Wala silang sariling compartments kung saan ay puwede mong i-switch off ang sakit o galit at tanging pagmamahal lamang ang puwede mong ma-enjoy. Lahat ng damdamin ay magkaakibat. Wala pang taong nakagagawa ng pagpili kung ano lang ang gusto niyang maramdaman. Iyong iba nga, kahit sinasaktan na sila ng sobra ng taong mahal, hindi sila sumusuko dahil para sa kanila, mas nanaig ang pagmamahal kaysa sakit. Sabi nga nga ng iba, kung hindi ka raw nasasaktan, hindi ka tunay na nagmahal. Kaya iyong iba, nag-level up na rin iyong skill. Skill sa pagtago ng sakit, at skill sa pag-arte...” ang sabi niya sabay bitiw ng isang hilaw na ngiti.
“Hindi kasi ako marunong umarte. Hindi rin ako magaling magtago ng sakit. Madali rin akong gumive-up. Kung ayaw na sa akin, pakakawalan ko. Kaya palaging ako ang nasasaktan. Kaya… may phobia na ako sa pagmamahal. At naipangako ko sa sarili na hindi na ako muling umibig pa dahil alam ko na ang kahahantungan nito – sa bandang huli ay ako rin ang talo. Ako rin ang maiiwan, ako rin ang magdusa at iiyak na mag-isa.”
Tahimik.
“Minsan, ang pinakamasakit na bagay ay hindi ang problema mismo, kundi iyong lungkot ng pag-iisa. Iyong sobrang bigat ng dinadala mo ngunit walang ni isang tao na nariyan para kausapin ka, magtanong kung okay ka, o kahit iyong taong hahawakan lang ang iyong kamay at maramdaman mong may nag-alala sa iyo.” Ang pagbasag ko sa katahimikan.
Hindi siya kumibo. Maya-maya ay naramdaman ko ang kaliwang kamay niya na hinawakan ang aking kanang kamay na nakapatong sa mesa.
Napatingin ako sa aking kamay na hinawakan niya, tapos tiningnan ko ang mukha niya. Nakatingin din siya sa akin sabay bitiw ng isang matipid na ngiti.
(Itutuloy)