CHAPTER 3
MELISSA QUIZON
"Hello, Aunt Linda!" masayang bati ni Wright pagkapasok namin sa isang mamahaling boutique. Pagkatapos ng last subject ko ay agad na nya akong dinala rito. Lumingon ang isang may-edad na babae, ngumisi ito.
"Oh, hello, Wright! Happy Birthday to my favorite, Nephew!" sabi nito.
"Are you kidding me? I'm your only nephew, Auntie." Natatawang sabi ni Wright.
Masayang nagbatian ang dalawa. Kaarawan ngayon ni Wright, Twenty-One na sya, at 5ft Monthsary rin namin ngayon. Magkakaroon ng isang magarbong selebrasyon sa La Mencion De Agoncillo. Lahat ng mayayamang negosyante at kamag-anak nila ay pupunta roon kaya sobrang kabado ako dahil ipapakilala na nya ako ngayon sa mga magulang niya.
Alam ko rin na maraming mamahaling regalo ang matatanggap nya kaya nag-isip ako ng regalong siguradong mapapahalagahan nya. Ang sarili ko. May tiwala ako kay Wright at alam kong mahal nya ako. Hinding-hindi nya sasayangin ang bagay na mahalaga para sakin. Mahal na mahal ko si Wright, ibibigay ko sa kanya lahat ng maaari kong ibigay.
Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang may kamay na dumantay sa balikat ko. "Oh, by the way, Auntie, this is Melissa, my girlfriend."
"Good Afternoon po." masayang bati ko rito.
Nanlaki ang mga mata ng tiya nito. "G-Girlfriend?! B-Bu---- Does your mother know about this?"
"Ipapakilala ko palang sya mamayang gabi, Auntie. Kaya nga kami nandito para pumili ng maisusuot ni Melissa para sa party mamaya."
Bakit parang biglang kinabahan si Aunt Linda sa sinabi ni Wright?
"Hindi ko alam kung ano ang nasa utak mo, Wright." Huminga ng malalim si Aunt Linda at pumikit. Nang dumilat ito ay may ngiti na sa labi nito. "Oh, well. Let's see what I can do for you, Young Lady."
Dinala ako ni Aunt Linda sa may fitting room. Binuksan ng isang babae, hinala ko ay nya empleyada nito, bago ako pumasok ay lumingon muna ako kay Auntie na matamang nakatingin sa akin. Alanganin akong ngumiti dito.
"A-Ahm.. P-Pwede po bang yung medyo mura lang? Baka kasi 'di ko mabayaran." Kinakabahan kong sabi. Ayoko kasing sabihan ng mga tao na gold digger o social climber ako.
"You're funny, Hija. Hindi ito ukay-ukay para tawagin mong mura. Lahat ng damit na nakikita mo sa boutique ko ay mamahalin at may kalidad. Ang iba rito ay pinagawa ko pa sa ibang bansa." Napayuko ako sa sinabi nito. Ang taray naman. Na-offend ata ito sa sinabi ko.
Nais ko sanang magpaliwanag rito at humingi ng paumanhin ngunit naramdaman kong may yumakap sa bewang ko. Nakilala agad ng katawan ko ang matipunong katawan ni Wright. "Melissa.. 'Wag ka ng mag-alala sa gastos. Ako ang bahala sa lahat."
"Pero kasi----"
"No buts, Babe. Basta ako nang bahala okay?"
"No." Humarap ako rito. Huminga ako ng malalim at tumingin ng diretso rito. "Ganito nalang. Lahat ng gagastusin mo sakin ngayon, babayaran ko sayo. Kahit paunti-unti."
Kumunot ang noo nito. "No wa----"
"Pumayag ka na sa gusto nya, Wright." Napalingon kami kay Aunt Linda na matamang nagmamasid sa amin. Nang tumingin ito sakin ay may galak sa mga mata nito. "And for you young lady... I'm impressed. Really."
Hindi na ako nakapagtanong kung bakit dahil tumalikod na ito. Pinapasok na rin ako ng babae sa Fitting Room kaya bumitaw na si Wright sa akin. Habang nasa Fitting Room ako ay may nag-aabot sa akin ng mga damit. Isusukat ko ang mga iyon at lalabas para makita ni Wright at Aunt Linda kung bagay sakin.
Since wala naman akong alam sa mga damit, suot nalang ako ng suot. Kaso hindi naman nila nagugustuhan. Napapagod na nga ako, e. Huminga ako ng malalim at lumabas suot ang royal blue na mermaid style na damit. Pa-symmetrical ito, yung parang sa greek goddesses, at hapit na hapit sa katawan ko. Nag-uumpisa ang mermaid style nito sa kalahati ng hita ko. At hindi tela ang ginamit sa mermaid nito kundi see-through na tela kaya kitang-kita ang mga hita ko.
Napatuwid ng upo si Wright nang makita ako. Nag-thumbs up naman si Aunt Linda. Hay, salamat nakapili rin. Medyo baskil na kasi yung kili-kili ko kakasuot-hubad ng damit.
Sinunod namin ay make-up, pag-aayos ng buhok at manicure at pedicure. Sumusunod lang ako sa mga sinasabi ng mga ito. Si Wright naman ay pumunta sa fitting room para isuot na ang damit nito. Medyo natagalan ang pag-aayos sakin. Pagdilat ko ay parang ibang babae na ang nakikita ko sa salamin. Ako ba talaga ito? Parang Princess Diaries! Before and After!
Lumapit sakin si Aunt Linda. "Beautiful! You're stunning, Melissa!"
"Thank you po." Ang ganda ko po!
Pagtingin ko rito ay katabi na nito si Wright. Bihis na ito at ayos na rin ang buhok. Magkakulay kami ng damit. Royal blue rin ang polo nito na napapatungan ng black suit nito. Lalo itong kumisig sa kasuotan. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil parang sagad sa bungo ko ang titig nito.
Napaiwas ako ng tingin nang tumikhim si Aunt Linda. Lumingon ito kay Wright at tinaasan ng kilay. "Ang galing ko 'diba?"
Ngumisi si Wright at napailing. "I never doubted your skills, Aunt Linda."
"Good." Pumalakpak ito. "Bring the shoes!"
Nagsilapitan ang mga empleyado nito. Napalunok ako ng makita ang mga dala nitong Stilleto.
Lumapit sakin si Wright at inilagay ang kamay sa bewang ko. "Auntie, wala bang medyo mababa ang heels? Hindi kasi sanay si Melissa sa matataas."
"Hmm? Hindi bagay sa gown nya ang mababa. Pwede naman natin sya sanayin. Teka, ikaw ba ang designer dito? Tsupi!" Natawa ako sa inasal ni Aunt Linda. Mukha lang pala itong mataray pero may kakenkoy-an rin ito sa katawan.
Pinasuot nito sakin ang isang sapatos. Pagtayo ko ay nanginig ang tuhod ko dahil sa taas.
"You can do it, Hija." himok nito.
Ilang beses kong sinubukang maglakad pero palagi akong natatapilok o 'di kaya'y napapaluhod. Lagi naman akong tinutulungan ni Wright.
Ngumiti naman ng nakakaloko si Aunt Linda. "Maybe we need something to motivate her."
Pinalayo ni Aunt Linda si Wright sakin at pinapunta sa gawi nito ang isang magandang empleyada nito. Napasimangot ako nang ngumiti si Wright sa gawi ko habang nakakapit ang babae sa kanya. Ang maladita naman ay namumula at malawak rin ang ngiti sa labi.
"Oh, ano? Sugurin mo na." udyok sakin ni Aunt Linda.
Napatingin ako sa sapatos ko. So, ito pala ang motivation ko. Tiningnan kong muli si Wright at dahan-dahang tumayo. Nakakadalawang step palang ako nang matapilok akong muli. Tinulungan ako ng mga babae para hindi mapaluhod. Pagtingin ko sa gawi ni Wright ay nakayakap na ang maldita sa bewang nito.
Tinaliman ko ng tingin si Wright. Itinaas naman nito ang dalawang kamay na parang sinasabi na wala syang magagawa. Sa panggigil ko ay tumayo ako at nagsimulang maglakad. This time, desperado na kong agawin ito para hindi na mayakap. Nagulat nalang ako na nasa harap na ako ni Wright at wala na ang babaeng nakalingkis rito.
"Excellent." magdidiwang na sabi ni Aunt Linda sa likod namin.
Samantalang kami ni Wright ay nakatingin lang sa isa't-isa. Hinaplos ng mga kamay nito ang expose na balikat ko. Napasinghap ako sa ginawa nito.
Lumapit ang mukha nito sa tenga ko at bumulong. "I'm tempted."
Nag-init ang magkabilang pisngi ko at pinalo ito. Tumawa ito.
"Ang mahal nito, no?" sabi ko rito.
Napasimangot naman ito bigla at huminga ng malalim. "Auntie.. Give her a discount."
"Oh, Sure! Si Melissa na ngayon ang bagong masterpiece ko." Hinawakan ni Auntie ang dalawang kamay ko. "Naku, hija, napakaganda mo! All natural! Walang retoke!"
"Salamat po, Mis----"
"Aunt Linda nalang, Hija. Tanggap naman kita ang kaso----"
"Auntie, mauuna na kami." Putol nito sa sasabihin ni Auntie. Humalik ito kay Auntie at ngumiti.
"Maraming salamat po, Auntie." Pagkasabi ko nun ay hinila na ako ni Wright paalis sa boutique.
Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse. Bago ako pumasok ay hinalikan ko ito ng mabilis sa labi. "Happy 5ft Monthsary."
Ngumiti ito at niyakap ako. "Damn. Nakakabitin naman, Babe. Eh, ano naman ang regalo mo para sa birthday ko?"
Bumilis ang t***k ng puso ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin rito. "S-Secret."
"Wow! Nakaka-excite naman iyan. Gusto ko ng makita." Lalo akong kinabahan sa sinabi nito. Humiwalay na ito para pumunta sa driver's seat at pumasok na rin ako sa kotse.
Nakarating kami sa mansyon ng pamilya nito. Bumukas ang malaking gate ng bumusina si Wright. Muntik ng sumayad ang panga ko sa ibaba dahil sa laki ng baha--- I mean, mansyon nito. Parang palasyo. Ang laki at ang lawak. Lumabas na kami sa kotse at nagpunta sa garden nila dahil doon gaganapin ang selebrasyon.
Hindi ko mapigilang manliit sa karangyaan ng buhay nito. Hindi ako nababagay rito.
Bakit ako ang napili ni Wright? Wala akong sinabi pagdating sa mga babaeng nakapaligid dito.
"'Wag kang kabahan. Nandito ako." sabi ni Wright at pinisil ang kamay ko.
Maraming bumabati rito habang naglalakad kami patungo sa hindi- ko-alam-kung-saan na lugar. Marami ring nagtataas sa akin ng kilay at umiirap, syempre papatalo pa ba ako? Aba, iniirapan ko rin sila. Ganda ko kaya.
Tumikhim si Wright at lumingon sa amin ang magkapares, sumilay ang ngiti sa labi ng dalawa.
"Me unico hijo! I missed you!" Yumakap ang babaeng sa tingin ko ay nanay nito dahil magkamukha sila ng mata ni Wright. Ang may-edad na lalaki naman ay nakipag-highfive lang kay Wright. Sa tingin ko ay ito ang tatay nya dahil magkamukhang-magkamukha sila. "Akala ko'y i-indian-in mo na ang party na inihanda ko para sayo. Muntik na kong maiyak. Alam mo ba 'yon?"
"Hindi ko iyon gagawin sayo, 'Ma. In fact, may ipapakilala ako sa inyo."
Napalunok ako ng lumipat ang mata nito sa akin.
"H-Hi po." kiming bati ko rito.
Tumaas ang isang kilay nito at sinuyod ng mapanghusgang mga mata nito ang kabuuan ko. "Who's she, Hijo?"
Inakbayan ako ni Wright at hinapit palapit sa kanya. "This is, Melissa, my girlfriend."
Nanlaki ang mata ng ginang. "What?! B-But--- Paano si----"
"'Wag na natin syang pag-usapan, 'Ma." Ma-awtoridad na sabi ni Wright.
Naglaban ang mga mata ng dalawa. Sino ba ang pinag-uusapan nila? Bakit parang ang big deal. Nagtagis ang panga ni Wright tanda na naiinis na ito. Nawala ang tingin ko sa dalawa nang lapitan ako ni Mr. Agoncillo, hinawakan nito ang kamay ko. "Nice to meet you, Hija. What's your name again?"
"M-Melissa po." Kinakabahan ako! Iba kasi yung mata nung Papa ni Wright. Nakakapangliit.
Huminga ng malalim si Mr. Agoncillo at nginitian ako. "You can call me, Tito Sean. And welcome to our family, Melissa." Pagkatapos ay humarap na ito sa dalawang hindi pa rin natitinag. "Wilma, quit it. May pag-iisip na ang anak natin. Alam nya ang ginagawa nya."
"But, Sean----"
"Ssh. Chill out, Honey. Everything's undercontrol." Sabi nito sa asawa. Nagpaalam ito sa amin dahil uumpisahan na nito ang party.
Nalilito ako sa mga nangyayari. Bakit parang may hindi sinasabi sa akin si Wright?
Lumapat ang mga kamay ni Wright sa bewang ko. "I told you it's alright."
Tumingala ako rito. "Wright.. may hindi ka ba sinasabi sakin?"
Nabigla man ay agad itong nakabawi. "Oh, c'mon on, Babe. Wala akong sinisekreto sayo." Mataman ko itong tingnan. "Babe, don't spoil our night. Please?"
"I'm sorry."
Hinatak ako nito palapit at hinaplos ang exposed kong likod. "Excited na ako sa regalo mo. Kailan mo ba ibibigay?"
Nag-iwas ako ng tingin. "P-Pagkatapos ng party."
Nagsimula na ang party. Halos mangamatis ang mukha ko ng ipakilala ako ni Wright sa maraming tao at sa taas pa mismo ng stage. Ilang beses akong pinagtaasan ng kilay at inirapan ng mga babaeng nakakasalamuha ko.
Wala, e. May mga tao talagang hahadlang sa kasiyahan mo. At nasasaiyo nalang iyon kung hahayaan mo silang hadlangan ka.
Pumunta rin sila Leon, kaso hindi sila masyadong nag-uusap ni Wright. Nagbibigayan lang sila ng makahulugang tingin na hindi ko alam ang ibig sabihin. Baka naman nagdedelihiryo lang ako. Tss. Napaka-observant ko naman.
Ngayon ay nagsasayaw kami ni Wright. Ang kaliwang kamay ko ay nasa balikat nito habang sakop naman ng isang kamay nito ang kanang kamay ko. Nakasandal rin ang ulo ko sa dibdib nito. Rinig ko ang pintig ng puso nya.
"Are you tired? Does your feet hurt?" maamong sambit nito sa may tenga ko.
"Kinda." maikli kong sagot at pumikit.
"Do you want to sit down for a while?" Naramdaman kong inamoy nito ang buhok ko.
"No. Ganito muna tayo." Dahan-dahan kong inilagay ang dalawa kong kamay sa batok nito. At ang mga kamay naman nito ay humapit na rin sa bewang ko.
"Ang ganda mo ngayon. Nagparetoke ka ba?" biro nito.
Pinisil ko ang ilong nito. "Ang sama mo. Natural 'to no!"
He chuckled and buried his face in my neck. "Asan na yung regalo mo? Alam mo bang wala akong tinatanggap na regalo dahil ang gusto ko lang ay yung sa'yo."
Napalunok ako. s**t lang.
Lumayo ito ng kaunti sakin nang hindi ako makasagot agad. Tiningnan nya ako ng may pag-aalala. "Babe? Are you ok? You're bright red."
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hinatak ko ang batok nito para mas yumuko pa sya lalo. Lumapit ako tenga nito at bumulong. Sinadya ko talagang idikit ang labi sa tenga nito. "Sarili ko ang ireregalo ko sa'yo."
Nang lumayo ako rito para tingnan ang reaksyon nito. Nanlalaki ang mga mata nito at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Naku! Nakakahiya, takte! Kainin na po sana ako ng disco ball!
Nagmamadali kong tinanggal ang braso sa leeg nito at naglakad palabas ng dance floor nang may biglang humatak sa akin pabalik. Paglingon ay bumungad sa akin ang nakangising mukha nito.
"Seriously, Babe?"
"H-Hindi, b-binibiro lang kita." Tinalikuran ko ito pero hindi parin ako makaalis sa pwesto ko.
Dumantay ang maiinit nitong kamay sa balikat ko. Naramdaman ko ring hinawi nito ang buhok ko at hinalikan nito ang balikat ko. "Really? That's most wonderful gift, Babe."
Oh, s**t! Napapikit ako sa ginawa nito. Iniharap nya ako sa kanya at binigyan ng magaang halik sa labi. Wala na kaming pakielam kung may nakakakita samin. Pagkatapos ay hinila na nya ako paalis ng dance floor. Hindi ko na nainda pa ang p*******t ng mga paa ko. Hindi na rin nito pinansin ang mga taong bumabati rito.
Nakarating kami ng parking lot. Agad kaming sumakay sa kotse nito at nakarating sa condo unit nito. Pagkapasok namin sa elevator ay agad na nya akong hinalikan.
"Are you sure, Babe?" He said while unzipping my gown. Nasa mismong condo unit na nya kami.
Tumango ako. Yes, sigurado na ako. I want him more than anything.
Malaya nitong naibaba ang damit ko. Hindi na ako nahihiya nang tingnan nito ang kabuuan ko dahil ilang beses na kaming nag-me-make out. Kinarga nya ako, dinala sa kwarto nya at ibinaba sa kama.
Unti-unti itong gumalaw. Naibaon ko ang mga kuko sa likod nito dahil hapding nadarama.
Hapong-hapo itong napahiga sa ibabaw ko. "Thank you, Babe."
Hinaplos ko ang buhok nito at hinalikan sa noo. "I love you, Wright."
Naramdaman ko paninigas nito sa ibabaw ko. Lumayo sya sakin at humiga sa tabi ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa braso nito at idinantay ang hita sa hita nito. Hihintay kong mag-i love you too rin ito, pero wala akong marinig. Nang tingalain ko ito ay mahimbing na ang tulog nya. Pagod na pagod siguro sya dahil ang dami nyang bisita kanina.