CHAPTER 2
MELISSA QUIZON
KINABUKASAN ay wala akong na-receive ni isang text ni Wright. Wala kaming pasok ngayon dahil Sabado. Ito yung araw na pupunta dapat si Wright kila Raquel dahil kaarawan ng kapatid nito. May tiwala ako kay Wright, alam kong hindi nya sisirain ang tiwala ko. Baka naman busy lang ito sa mga projects at pagre-review dahil malapit na ang Midterm.
Magkagayunman ay inintay ko pa rin ang text o tawag nito hanggang sa maggabi. Hindi na ako makatiis ay ako na mismo ang tumawag dito. Matagal bago nito sagutin ang tawag.
"Babe." sagot nito. Bakit parang medyo maingay yung lugar? Baka siguro naka-radio.
"Asan ka?" tanong ko. Mahinahon lang ang boses ko. Humiga ako sa kama. Niyakap ko ang unan ko habang nasa tenga ang cellphone.
"I don't wanna lie to you, Melissa. But-----"
"Yow, Wright! Let's go! Tinatawag na tayo ni Raquel!" narinig ko ang boses ng isang lalaki na parang nasa tabi lang ni Wright.
Nagsalubong ang kilay ko. Raquel? What the what?!
"You. Broke. Your. Promise." madiin kong sabi. Tumataas na rin ang dugo ko sa galit.
"No-- err, Yes! Pero napilit lang ako nila Fier." Huminga ito ng malalim. "Babe.. We should have time for friends. You know----"
"Fine. Pakasaya ka, ha?" sarkastiko kong sabi. Hindi ko na inantay pang makapagsalita ito at pinatay ko na ang cellphone ko.
Pagkagising kinaumagahan ay nakasimangot ako at patay pa rin ang cellphone ko. Naiinis ako kay Wright. Inis na inis. May tiwala naman ako sa kanya, eh. Kay Raquel ako nawawalan ng tiwala, paano kung lasingin nya si Wright? Takte! I wasn't born yesterday! Alam kong gagawa sya ng paraan para mapunta sa kanya si Wright! That Flirty b***h!
Kasalukuyan akong nagwawalis ng bakuran namin. Kailangan kong ibaling sa iba ang atensyon ko dahil kung hindi, baka makapatay ako ng tao. At yung tao na yun ay walang iba kundi si Wright Agoncillo!
Ilalagay ko na sana yung mga natuyong dahon sa dustpan nung may biglang bumusina. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang dustpan at kumalat na naman yung dahon. Handa ko na sanang sigawan yung nambusina ngunit umurong ang dila ko ng makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan.
The mighty Wright 'Jerk' Agoncillo. Ang itim nitong Lamborghini ay nakahinto sa gilid ng bakuran namin. Bawat nagdadaang tao ay hindi maiiwasang tumingin sa kotse nito, lalong-lalo na sa nagmamay-ari niyon. Nakaitim itong damit na hapit sa katawan nito at nakapantalon kaya umaangat pa lalo ang kakisigan nito. Bawat kababaihan na dumadaan ay parang namamalipit sa sobrang kilig at pa-cute dito. Muntik na akong mapanganga nang hubarin nito ang mamahaling shades at tumingin sakin.
Tumikhim ako at mataray itong tiningnan. Huminga ito ng malalim at lumakad papunta sakin. Muli kong ibinalik ang inis rito.
"What are you doing here?" I smirked.
"Usap tayo." Mahinahong sabi nito. Sinubukan nitong hawakan ang braso ko pero agad kong hinawi iyon.
"How's the party?" nang-uuyam kong sabi.
"Babe.." Don't 'Babe' me!! "Stop your sarcasm and let me explain. Please."
Huminga ako ng malalim at malamig itong tiningnan. "No need. Naiintindihan ko naman. You're right, we should have time for our friends."
"Don't use that tone, Melissa. I know we have an issue he----"
"What issue?"
Ginulo nito ang buhok. He looks sexy as hell! "Trust issue, Babe. Trust. You kno--- You see, you don't trust me at all."
"Wow! I don't trust you? Really? Paano mo nasabing wala akong tiwala sayo, Wright?" Humalukipkip ako.
"Palagi kang nagseselos at lagi kang galit kapag may kasama akong babae. Palagi naman kitang susuyuin. Kailangan ba talaga bago ako lumapit sa babae, magpapaliwanag ako sayo?"
"May tiwala ako sayo kung iyon ang gusto mong malaman.. sa mga de----" Hininaan ko ang boses ko para hindi marinig ni Lola ang sasabihin ko. "Sa mga de-putang babae na iyon wala! Ilang beses ko ba sasabihin iyon?!"
"Kasalanan ko bang nag-boyfriend ka ng kaakit-akit?" The fvck!!
Nagsalubong ang kilay ko at madiin kong pinagdikit ang labi ko. Mas lalo lang nya akong iniinis. "Leave. Now. Before I shove your balls in you throat."
Napangiwi ito at pagkatapos ay napalunok."Sounds painful."
"Exactly."
"But I'm not going anywhere, Babe. We'll fix this." Madiin nyang sabi. Lumapit ito sakin at bumulong. "Magbihis ka muna. May pupuntahan tayo. Doon tayo mag-uusap."
"Paano ka nakasisiguradong sasama ko sayo?" Mataray kong sabi dito.
"Come on, Babe. Please. 'Wag ng matigas ang ulo." Pagmamakaawa nito.
Since mabuti akong tao, naaawa ako. Inismiran ko ito bago tumalikod. "Fine."
"Thank you so much." Tsk!
Pagkatapos kong magbihis ay nagpaalam na ako kay Lola na aalis lang ako sandali. Lumabas ako nang bahay. Si Wright naman ay nakita kong nakasandal sa mamahalin kotse nito.
Binuksan nito ang pinto ng Passenger Seat. "Tara?"
Inismiran ko ito at padabog na sumakay sa kotse nito. Marahan nito iyong sinara at umikot para sumakay sa Driver's seat. Nagmaneho ito samantalang ako ay nakatingin lang sa labas ng sasakyan.
Nakarating kami sa isang park. Inalis nito ang seatbelt kaya inalis ko na rin ang akin. Hindi ko na inantay pang pagbuksan nya ako ng pintuan.
Hinawakan nya ang kamay ko pero inilayo ko iyon. Nauna akong maglakad papunta sa swing. Umupo ako dun at umupo naman si Wright sa kabila.
Huminga ito ng malalim bago magsalita. "Melissa.. Kinailangan kong pumunta sa party na iyon dahil mag-pe-perform ang banda para kay Rowie.
"It's her eighteenth birthday. Gusto ni Racky na iyon nalang ang iregalo kay Rowie." dagdag nito.
Hindi ako kumibo.
"Babe, are you list------"
"Yes." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.
Tumayo si Wright at tumalungko sa harapan ko. Hinuli ng mga mata nito ang maiilap kong mga mata. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko. Bumilis ang pintig ng puso ko.
"Hindi pa kasi naririnig ni Rowie na kumanta si Racky. Kakauwi palang kasi ni Rowie galing sa States. And she wanted to meet her sister's band." Hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha ko. "Babe..."
Tama ito. Malamang ay sumobra nga ako ng selos na parang nawawalan na ako ng tiwala sa kanya. Aaminin ko, nai-insecure ako sa mga babaeng lumalapit dito. Malalaki ang boobs at hindi takot na magpakita ng katawan. Sa tingin ko kasi ay iyon ang mga tipo nya. Natatakot ako na baka maagaw sakin si Wright. Mahal ko siya. Siya ang kauna-unahang lalaki na minahal ko at minamahal ko. Natatakot akong mawala sya sakin.
"Melissa.."
"I believe you." Diretsa ko itong tiningnan. Hinawakan ko ang pisngi nito at hinimas. "I told you, may tiwala ako sayo. I'm sorry for being paranoid, Babe. Sorry for doubting you."
"Thanks, God.." Lumapit ang mukha nito at tumingin ito sa labi ko. Ngumiti ito ng nakakaloko. "Punta tayo sa condo ko."
"Ano naman gagawin natin dun?" Tinaasan ko ito ng kilay.
Humalakhak ito at pinisil ang tungki ng ilong ko. "You can teach me how to play the drums, Rock Princess."
"You're unteachable, Mr. Agoncillo." Yup! I know how to play the drums! It's my thing!
He wrinkled his nose. "Ooh. Now, I'm insulted. Baka naman hindi ka lang magaling magturo."
"Wow! Pustahan, hindi mo matutunan ang pinaka-basic na ituturo ko sayo." hamon ko rito.
Ilang beses ko na itong tinuruan dati, pero hindi pa rin nito makuha ang mga beat. Nagkakabuhol-buhol pa rin ang mga braso nito at nalilito pa.
"Pustahan?"
"Oo."
"Game." Sabi nito. Tumayo siya at hinila rin rin ako patayo. Hinawakan nito ang magkabilang kamay ko at iniyakap sa bewang nya. "Kapag nanalo ako, pwede na kong mag-second base."
"Second base?"
He chuckled. "Second base meaning.. I can touch your boobs, legs, hip----"
"Wha-- T-Teka--- Hindi ata patas yan! Kapag ako nanalo, magsasayaw ka lang ng Whoops Kiri, eh! Ang daya mo!" Hinampas ko ang braso nito.
"Ikaw 'tong may ganang makipagpustahan, eh. Tsk. Tsk. Wala ka pala. Hindi ka sport." Nangonsensya pa ang gago!
"Fine! Tara na! Babaguhin ko yung akin, kapag ako nanalo, magsasayaw ka ng Whoops Kiri sa gitna ng SM." Nanggigil kong sabi.
"Yun lang pala. Easy."
Hindi kita hahayaang manalo. Aba! Confident kaya ako!
Sumakay muli kami sa kotse ni Wright at pumunta sa condo nito. Sumakay kami sa elevator para makapunta sa panglimampung palapag. Ilang beses na ako nakakapunta sa condo ni Wright. Doon kasi sila madalas magpractice ng banda nya. Pagbukas palang ng pinto ng elevator ay bumungad samin si Fier na may kahalikang babae. Nakasandal ang babae sa pader malapit sa pinto ni Wright at nakadiin naman si Fier dito. Agad kong iniwas ang tingin sa kanila.
"Fier Jamescel. You asshole! Umagang-umaga ang sakit mo sa mata!" Sigaw ni Wright.
Tumigil si Fier sa paghalik at tumingin kay Wright. Mapupungay ang mga mata nito. "Kakauwi ko lang. Istorbo ka. At ang lintik na pintong ito, hindi ko mabuksan!"
"Tanga! Hindi talaga mabubuksan yan dahil condo ko 'to. 510 ako, 501 ka." Tinuro ni Wright ang pintong kaharap lang ng pinto ng condo ni Wright.
Tiningnan ni Fier ang numerong nasa taas ng pinto ni Wright. Ngumiti ito. "Oh. My bad. Let's go, Clariz."
"I'm Carmela, Fier." Hirit ng babae habang hinahaplos ang balikat ni Fier.
"Ah. Exactly."
Agad na hinila ni Fier ang babae papasok sa condo nito. Pailing-iling pa si Wright habang binubuksan ang pinto nya. Kakauwi palang ni Fier? Ang ibig sabihin, inumaga sya kila Raquel? Si Wright kaya?
"Wright, anong oras ka umuwi kagabi? Inumaga ka rin ba?" Tanong ko. Pumasok na kami sa condo nito.
Kunot-noo nya akong tiningnan. "Hindi mo pa rin binubuksan ang phone mo 'no?"
"Hindi pa."
"Maaga." He sighed. Dumukot ito sa bulsa at inabot sakin ang cellphone nito. "Anniversary natin ang password. Basahin mo yung Sent Items."
Pagkatapos nitong ibigay sa akin iyon ay tumalikod na ito. "Hmmm..."
Maraming beses pala nya ako tinext. Nakakaguilty tuloy. Dapat pala pinagpaliwanag ko siya. Nabasa ko ang ilang message nito sakin na papauwi na ito.Ten twenty o'clock nya iyon sinend sakin. Sinundan ko ito sa kusina pagkatapos kong basahin ang Sent Items nito. Naabutan ko itong nagluluto ng bacon. Mabilis ko itong nilapitan at niyakap sa bewang.
Sumiksik ako sa likod nito. Nagbuntong hininga ito at hinawakan ang kamay ko na nasa abs nya. Tahimik lang kami. Nang matapos na nitong iluto ang mga bacon at nakangiting humarap sakin.
Bumaba ang mukha nito at mabilis akong hinalikan sa labi. "Kain muna."
Oo nga pala. Maaga nga pala nya akong kinuha sa bahay namin.
Pagkatapos naming kumain ay tinuruan ko na agad si Wright mag-drums. Excited na kasi ito. Nung una hindi pa rin nito natutunan ang tinuturo ko. Sinasadya ko talaga hirapan.
Inabot kami ng hapon sa pagtuturo. Talagang pinapahirapan ko sya. Tila napansin naman nito iyon.
Lumingon ito sakin. Nakasimangot ito. "Pinapahirapan mo ko. Akala mo 'di ko napapansin? Tss."
Nag-iwas ako ng tingin. Hinaplos ko yung cymbals. "Hindi, ah. Tanggapin mo nalang na talo ka."
"No way!" Hinampas nito ang drum. "One more. Malapit ko ng makabisado."
Ngumisi ako at tinuruan ito. Unti-unting nawala ang ngisi ko nang matugtog nito ang beat na tinuro ko. Hindi na rin nagbubuhol ang mga braso nito. Namutla ako ng matugtog na nito ang simpleng beat na tinuro ko. Napatayo ako at umalis sa tabi nito. Binasa ko ang labi ko.
Ngumisi sya ng nakakaluko. "Ang pinag-usapan ay pinag-usapan, Babe."
"Bu-- How--- I-It's impossible! You're unteachable!" Oh! No!
Tumaas baba ang kilay nito. "Maybe I just need something to motivate me."
"Impossi-----" Naputol ang protesta ko ng tumayo ito at hinapit ako.
"Second." Hinalikan nya ako ng mabilis sa labi. "Base."
Napalunok ako sa klase ng ngiti nya. Mabilis kong inalis ang kamay nitong nasa bewang ko at patalikod na lumakad palayo rito. Kinagat nito ang ibabang labi at dahan-dahang lumalapit sakin. Nanlambot ang mga tuhod ko sa klase ng tingin nito. Hindi ko napansin ang sofa na nasa likod ko kaya napaupo ako doon. Lumuhod ito sa sofa, nakapuwesto ako sa gitna ng mga hita nito at nakaharang ang dalawang braso nito sa magkabilang gilid nito.
"Gotcha..." mainit na sabi nito.