CHAPTER 5
MELISSA
"Wright.. P-Please.." hikbi ko habang hinihintay na sagutin ni Wright ang tawag ko. Nakakailang tawag na kasi ako rito pero hindi pa rin nito sinasagot. "D-Don't do this to m-me."
Nakaramdam ako ng hilo kaya agad akong humiga. Masama kasi ang pakiramdam ko kaninang umaga at humupa lang ngayong tanghali. Gustuhin ko mang makausap si Wright pero bigla-bigla nalang kasi akong nahihilo.
Napadilat ako nang mag-vibrate ang phone ko. Agad ko iyon tiningnan, parang gumaan ang dalahin ko nang makita ang pangalang ni Wright. Binuksan ko ang mensahe nito.
From: MyBabe<3
Stop calling. Leave me alone! It's over.
Natunaw ang kaninang magandang ngiti ko. Nagtutubig na naman ang mga mata ko. Bakit nya ito ginagawa sakin? May nagawa ba akong mali? Binigay ko naman lahat ah! Kulang pa ba?
Kinuha ko ang phone ko at nag-type.
To: MyBabe<3
Bakit ka nakikipaghiwalay? May nagawa ba akong mali? Nagkulang ba ako?
Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang hikbi. Hinintay ko itong magreply pero walang dumating. Sabado ngayon at wala itong pasok, ganun din ako, kaya nakapagdesisyon akong puntahan ito ngayon.
Hindi kasi kami nakapag-usap kagabi dahil ayaw nitong magpaliwanag. Puro sigawan lang ang nangyari samin. Kaya ngayon dapat naming mag-usap ng maayos.
Nagbihis ako at nag-ayos ng sarili. Nagpaalam ako kay Lola na aalis ako. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang palapit ang sinasakyan kong taxi sa condo nito.
Parang ang bigat ng bawat hakbang ko papasok ng building. Sumakay ako ng elevator patungo sa floor ng condo nito. Lumabas ako ng bumukas iyon. Nasa tapat na ako ng pinto nito. Nag-dalawang-isip pa ako kung pipindutin ko iyon o hindi. Pero pinindot ko pa rin.
Ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto. Umaliwalas ang mukha ko ng masilayan ang mukha ng taong mahal ko. Bumaba ang tingin ko sa katawan nito. Tanging boxer lang ang suot nito at parang bagong gising lang. Napakunot ang noo ko sa pulang linyang nakaguhit sa dibdib nito at may mga maliliit na pula rin na marka sa leeg nito. May iba na ba siya?!
"Puta! Hindi mo ba ako titigilan?!" naging mabalasik ang anyo nito.
"I-I just want us to talk, Wright. We need to work this out." I begged.
Sinuklay ng kamay nito ang buhok. "There's nothing to work out, Melissa! We already broke up!"
"No! Ikaw lang ang pumayag na maghiwalay tayo pero ako, hindi pa!" balik kong sigaw rito. "Kailangan kong malaman kung bakit ka nakikipaghiwalay!"
"Bullshit, Melissa! Umuwi ka na. Sinasayang mo oras ko!" malamig na sabi nito.
Patalikod na sana ito pero hinawakan ko ito sa braso. "Please, Wright. I need------"
"What took you so long?" isang malambing na boses ang pumutol sa sasabihin ko.
Lumitaw ang isang babae sa sala ni Wright, nakamanipis na nighties ito at halatang wala itong bra. Maputi ito, mahaba ang buhok at may bilugang mukha. Dahil sa ikli ng nighties nito ay nahahalata ang balingkinitang katawan at mahahabang binita at hita nito. Lumipat sakin ang singkit na mga mata nito.
"I thought you two already broke up?" tumaas ang isang kilay nito nang makita ako.
Inalis ni Wright ang kamay ko sa braso nito at nilapitan ang babae. Iniikot nito ang kamay sa bewang ng babae. Gusto kong magwala sa nakikita ko at sa sakit na nararamdaman ko.
"Hindi naman magiging tayo kung kami pa, 'diba?" hinalikan ni Wright ang noo nito. Napangiti naman ang babae.
Isa ba ito sa mga dahilan nya kung bakit sya nakipaghiwalay? Wag kang tanga, Melissa. Wag kang masokista. Nakita mo na, e!
"A-Ang b-bilis naman, Wright." nanginig ang boses ko. Tumulo na rin ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Binigay ko naman lahat, a. Saan ba ko nagkulang?"
Lumingon ito sakin. Walang ekspresyon ang mukha nito. "You're boring. Too boring."
"H-Huh?" Boring?
"Boring kang kasama, boring kang kausap at boring ka sa kama." madiin nitong sabi. Naiinis naman ako sa ngiti ng babeng nakayakap sa bewang nito.
Nagsalubong ang kilay ko. "How dare you?! I gave you everything! Even my virginit----"
"Wait. It was a gift, right? Ang regalo, tinatanggap at hindi tinatanggihan kaya 'wag mong isumbat sakin iyan, Melissa. Hindi ko kasalanang tanga ka."
Lahat ng salita na binitawan nito ay tumagos sa puso ko. Lumunok ako ng tatlong beses para maalis ang balakid sa lalamunan ko. "M-Minahal mo ba ako, Wright?"
Sige, Melissa, saktan mo pa ang sarili mo.
"Ginago lang ki---"
"Tama na, please!" mabilis kong sabi. "Tama na.. Alam ko na."
Tumalikod ako sa mga ito at naglakad palayo.
Tama na.. ayoko ng mas magmukha pang tanga sa harap nila. Tama na yung pagpapahiya ko sa sarili ko. Yung taong unang minahal ko at inalayan ko ng lahat, ginago lang ako. Puta! Sobrang sakit! Parang namanhid na ang buo kong katawan sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Wala akong pakielam kung naghihilam yung mukha ko sa luha at maraming tao ang nakakakita sa itsura ko. Hanggang sa makauwi na ako ng bahay ay hindi pa rin tumitigil yung luha ko.
Sinarado ko yung pinto pagkapasok ko. Sumandal ako roon at humagulgol. Bakit sa dinami-dami ng lalaking mamahalin ko, siya pa ang napili ko? Bakit di ko nahalatang pinaglalaruan nya ako?
Wala na akong ibang masabi kundi "TANGNA! ANG SAKIT!" Gusto kong kamuhian si Wright pero 'di ko magawa dahil mahal ko siya. Sobra!
Umayos ako ng tayo para maglakad papunta sa kwarto ko. Ngunit isang hakbang ko palang ay bigla akong nakaramdam ng hilo at ang huli ko nalang nakita ay ang lola ko na tumatakbo palapit sakin.
----
Sinalubong ako ng liwanag nang idilat ko ang mga mata ko. Una kong nakita ang puting kisame ng kwarto. Teka, hindi puti ang kisame ng kwarto ko.
Napaupo ako nang marealize ko na wala pala ako sa kwarto ko, nasa ospital ako. Iba narin ang damit ko. Napansin ko ang nakahigang si lola sa may sofa sa gilid ng kwarto.
Tumayo ako at lumapit rito. "Lola.."
Dumilat ito at nabigla nang makita ako. "Apo, ayos ka lang ba?! Naku, ikaw bata ka.."
"Bakit ako nasa ospital, Lola?" tanong ko rito. Sinuklay ko ang magulong buhok nito.
Ngumiti ito ngunit kita parin ang pag-aalala sa mga mata nito. "Mabuti pa ay tawagin natin si Dr. Sebastian."
Pinaghiga ako ni Lola sa kama at inintay namin dumating ang doktor. Tumingin kami sa pinto at pumasok roon ang isang may-edad na lalaki. At sa gilid nito ay may dalawang nurse.
"Good Morning, Ms. Quizon. How're you feeling?" magalang na tanong nito.
Ngumiti ako. "Ah, ayos naman, Doc. 'Di ko nga alam kung bakit ako nandito, e."
"Nahimatay ka."
"Hindi naman po iyon lethal, 'diba?" Kunot noo kong sabi.
"Right. Normal lang iyon sa sitwasyon mo ngayon, hija."
"Sitwasyon po?" Teka, ano bang nangyayari? Wag nyong sabihing may taning na ako!
"It's positive. You're four weeks pregnant, Ms. Quizon. Congratulations!" masayang bati nito.
"Positi------ wait! What?! I-I'm pregnant?!" gulat kong sabi rito.
Nilingon ko si Lola, tama nga, nagulat rin ito sa nalaman.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o hahagulgol. Matutuwa dahil may anghel na nabubuhay sa tiyan ko o hahagulgol dahil ang taong nais kong kalimutan ay nagtanim ng alaala na kahit kailan 'di ko kayang burahin.