CHAPTER 6
MELISSA QUIZON
Parang wala ako sa sarili ko buong araw. Dalawang araw na ang nakakaraan simula nung ma-discharge ako sa ospital. Sobrang lalim ng iniisip ko. Parang sasabog na nga ang ulo ko sa sobrang daming tanong na umiikot sa utak ko. Nang sabihin ng doctor ang balitang iyon ay hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Magiging masaya ba ako? O malulungkot ako? Paano ko mapapalaki ang batang ito kung ganito ako kabata? Nineteen palang ako.
Pero, alam ko, kasalanan ko ‘to. Masyado akong nalulunod sa akalang magiging kami ni Wright FOREVER. Maybe, Forever’s just a hallucination. Ano ba ang nagawa kong mali para mangyari ito sa buhay ko? Maski si Lola ay naging malamig ang pakikitungo sakin. Although, magkasama kami sa iisang bubong ay palagi nalang malayo ang tingin nito na parang may iniisip.
Sinisisi niya ba ako o ang sinisisi niya ay sarili niya. Na baka nagkulang siya ng pagpapalala sakin. Hindi dapat niya sisihin ang sarili niya. Ako, ako dapat sisihin dahil ako ang may mali, ako ang nagpadaig sa pagmamahal ko kay Wright at naniwala na totoo ang pagmamahal nito sakin.
Shit! Ang sakit! Ito ang unang lalaking minahal ko, bakit hindi niya naisip iyon? Hindi ba mahalaga rito kung gaano kaimportante sakin ang bagay na binigay ko?
Hinipo ko ang sinapupunan ko na ngayon ay may laman na. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama ko at pumunta sa salamin na matatagpuan sa gilid ng kwarto ko. Inilihis ko yung damit ko, tumagilid ako para makita ang tiyan ko na halos hindi mahalatang may laman na iyon. Hinipo ko iyon at hinaplos. Bigla nalang umagos ang luha sa mga mata ko.
Kailangan malaman ni Wright ito. Hindi lang dapat ako ang umako nito. Hindi ko kakayanin. Kailangan ko ng kasama at si Wright lang iyon dahil ito ang ama ng batang nasa sinapupunan ko.
Iyon lang ang pumasok sa isip ko. Nagsimula akong magbihis para pumunta sa condo ni Wright. Kailangan niyang malaman. Responsibilidad niya ito.
“Salamat po, Manong.” Magalang kong sabi sa Taxi Driver at inabot ang bayad ko. Pagkatapos ay bumaba na ako sa Taxi nito. Sumakay ako ng elevator paakyat sa naturang condo ni Wright.
Inihanda ko muna ang sarili ko bago ako mag-doorbell. Alam ko na ang magiging reaksiyon nito kapag nakitang ako ang nasa likod ng pintuan. Alam ko rin sa sarili ko na sa oras na makita ko ang mukha nito ay sakit ang una kong mararamdaman.
Nanginginig ang kamay ko habang itinataas para mapindot ang doorbell. Napapikit ako nang tumunog iyon. Sa ayaw at sa gusto nito.. pananagutan niya ako. Hindi lang ako ang may responsibilidad sa batang ito.
“Oh, you again.” Pagdilat ko ay bumungad sakin ang babaeng may asul na mga mata. Si Claire. Ito ang babaeng ipinilit sakin ni Wright. Biglang nanginig ang mga tuhod ko nang pumasok iyon sa isip ko. Nandito na naman siya. Hindi nab a siya umuuwi sa kanila? Binabahay nab a siya ni Wright?!
“I-I n-need to talk to Wright.” Sinikap kong patatagin ang boses ko.
“Come in.” Ibinuka nito ng malapad ang pintuan para makapasok ako. Nagulat ako sa kung paano niya ako tratuhin.
“H-Hindi ka man lang ba magagalit na nandito na naman ako? Hindi mo ako susungitan? Hindi mo ako sasabunutan o kaya tatawagin ng kung ano-ano?” Nagtataka kong sabi.
Tumawa ito ng pagak. “Why should I? Hindi ako bababa sa puwesto mo para lang gawin iyon. At isa pa, sa tingin mo ba mababawi mo pa siya sakin?”
Halos hindi ako makagalaw sa puwesto ko dahil sa sinabi nito. Tama siya, mababawi ko pa ba si Wright? Of course!! Siya ang ama ng batang dinadala ko! Kahit na may masaktan akong iba, wala na akong pakielam, basta kailangan ko si Wright. Kailangan namin siya ng anak niya. Wala na akong pakielam kung masaktan ang babaeng ito. Akin si Wright. KAilangan ko siya. Kahit alam kong ginago niya ako, wala na siyang kawala.
“Umupo ka nalang. Tatawagin ko lang si Wright. Nagluluto kasi siya.” Sabi nito bago pumunta sa kinaroroonan ng kusina nito. Ngayon ko lang nalaman na nagluluto si Wrigth. Kahit kalian ay hindi ko pa naranasang ipagluto nito. Ganoon ba ka-espesyal si Claire para gawin niya iyon?
Paano kung tama ito? Hindi ko na nga ba mababawi si Wright? NO! Pero kailangan ko siya! Ang pagkakakilala k okay Wright ay responsableng tao ito.
Tanga. Hindi ba’t ginago ka lang niya? Paano kung lahat ng pinapakita nito ay isang kasinungalingan?! Sabi ng isip ko.
Paano nga ba kung hindi ako panagutan ni Wright?! Paano na ko?! Paano ko ‘to haharapin mag-isa?!
“What do you want this time?” isang malamig na boses ang nagpagising sa malalim kong pag-iisip. Lumingon ako at nakita si Wright na nakatayo sa may pintuan ng kusina nito.
Tumayo ako. “W-Wright…”
“Ano na naman ba ang kailangan nating pag-usapan?” hindi ko ito matingnan sa mga mata dahil nasasaktan ako sa blangkong ekspresyon na binibigay niya sakin. Wala lang ba talaga sa kanya ang lahat?
“Pwede ba tayong mag-usap? In private? Please? This is something important.” Pagmamakaawa ko. Ilang beses na ba ako nagmakaawa sa kanya? Ilang beses na akong napahiya sa sarili ko? Sana naman pagbigyan na niya ako kahit na sandaling minute lang.
Tumingin ito kay Claire na ngayon ay nakakapit na sa mga braso niya. Tumango si Claire. Huminga ng malalim si Wright. “Library.”
Nauna na itong maglakad at ako naman ay sumunod lang rito. Tinitigan ko ang nakatalikod na katawan nito. Ang lahat ng dating pag-aari ko ay pag-aari na ngayon ng iba. Sa mababawa na ahilan, naghiwalay kami. s**t! Ang sarap magmura. Ang sarap niyang sapakin at saktan ng pisikal. Ang sarap niyang gantihan dahil sa panggagagong ginawa niya sakin.
Magkaharap kaming umupo sa upuan nasa kwarto. Sa aura nito ngayon ay ramdam na ramdam ko na wala itong kainte-interes sa mga sasabihin ko. Pwes.. Kailangan niya itong pakielaman dahil kanya ito.
“Spill it out. Ayokong magtagal tayo dito. Baka kung ano ang isipin ni Claire.” Malamig nitong sabi.
Parang sinuntok ako dahil sa sinabi nito. “G-Ganoon mo siya kamahal?”
“Ano bang pakielam mo?” Inirapan niya ako. “Ano ba kasi iyon?! Magsalita ka na?!” sigaw nito.
“B-Buntis ako, Wright.” Diretsa kong sabi. Natakot ako sa klase ng pagsigaw nito. There I said it!
“What?!” gulat nitong sabi. Napayuko ako. “Kanino?”
Parang sinampal naman niya ako ngayon. Mukha ba akong kaladkareng babae?! “Sayo! Gago!”
Hindi ko na mapigilan pa ang galit ko. How dare him! Kahit kalian hindi siya nagkaroon ng kaagaw na lalaki sa akin tapos nagpakatanga ako dahil sinuko ko sa kanya ang puri ko, then.. ito! Ito ang sasabihin niya sakin?! Tangina niya!
“Sakin?! Are you kidding me?!”
“I’m four weeks pregnant, you asshole!” Madiin kong sabi. Sinikap kong ‘wag sumigaw para na rin sa kapakanan ng anak ko. Hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang Pregnanct Test na ginamit ko kanina.
Nang mahanap iyon ay tumayo ako at naglakad papunta sa pwesto ni Wright. Isinampal ko ang PT sa mukha niya. Nakita ko kung gaano ito kagulat.
“Iyan ang prowebang buntis ako. At sayo ito! Hindi ako kaladkarin, Wright. Ikaw lang ang nagkama sakin.” Nagsisimula ng lumandas ang luha sa pisngi ko. “Sa lahat ng panahong nagkasama tayo, h-hindi ba w-wala ka naming nabalitaang m-may nalink saking i-ibang lalaki? N-Ni wala nga akong kaibigan sa school dahil lahat sila nilalayuan ako dahil sa g-galit sila sakin. T-Tapos.. Ganito? Pinagdududahan mo ako?”
TUmayo ito. Hawak ang PT na hindi ko sinasadyang isampal sa kanya. Nabigla lang ako sa galit ko. “So, ano ang hinihingi mo ngayon? Pera? Pangtustos?”
Napaawang ang labi ko. Hindi ako golddigger! “W-Wright, h-hindi pera ang kailangan ko. I-Ikaw. Ikaw mismo.”
Nag-iwas ito ng tingin. “I-I can’t do that.”
“W-What?!”
Hindi ito umimik. Hinawakan ko ang magkabilang braso nito. “Look at me, W-Wright. P-Please. I need you. We need you. Please. Nagmamakawa ako.”
"H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito.
"P-Please, Wright. H-Hindi ko to k-kayang mag-isa." pagmamakaawa ako. "P-Please, wag mo naman akong iwan!"
"S-Sorry." pilit nitong tinatanggal ang mga kamay ko.
"A-Ano ba ang p-pwede kong gawin para w-wag mo kong iwan?"
"Ipalaglag mo yan." diretsong sabi nya.
Ilang segundo akong nakatingin sa kanya. Hindi makapaniwala sa sinabi nito. Naglakad ako palayo rito. “W-What?!! NO! How can you be so selfish, Wright? Papatayin mo ang isang inosenteng bata?!”
“Kung hindi mo iyan ipapalaglag. Hindi ko rin iyan pananagutan.” Determinadong sabi nito.
Madiin kong pinagdikit ang mga labi ko. Nanginginig ang mga ito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko rito. Alam kong sa oras na buksan ko ang bibig ko ay mga hindi magagadang salita ang lalabas sa bibig ko.
“You’re a beast! Hindi ko inakalang ganyan ka, Wright. Paano mo nasasabi iyan?!” sigaw ko. “Anak mo ito! s**t! Kung naririnig niya ang mga sinasabi mo, masasaktan siya!”
“Ayoko ng responsibilidad at mas lalong ayoko sa mga bata, Melissa.” Malamig na sabi nito. Napaupo ako sa sofang nasa gilid ko. Feeling ko ‘di na kaya ng tuhod ko. “Ipalaglag mo iyan. Sagot ko ang lahat ng gastos. mas maliit ang gastos n’un kaysa magpalaki ng bata, Melissa. Your choice.”
“A-Ayoko..” tinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko at nagsimulang humagulgol. “A-Ayoko..”
“Then.. Hindi. Ko. Pananagutan. Iyan.” Madiin nitong sabi. “Makakaalis ka na.”
Narinig ko nalang na sumarado ang pintuan. Pagtanggal ko ng mga palad ko ay ako nalang mag-isa sa kwarto. Wala na ito. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig na nararamdaman ko. Hindi ko iyan pananagutan. Paano ko ‘to haharapin mag-isa?
Lumabas ako sa Library at nakitang nakatayo sa labas ng pinto si Claire. Seryoso itong nakatingin sakin ngunit nagsasayaw ang tuwa sa mga mata nito. Tinakpan ko ang bibig ko bago pa makalabas ang hikbi. Naglakad ako ng mabilis para makalabas agad sa condo nito. Hindi ko na kayang makita pa ang taong gustong pumatay sa anak ko.
Tinapon na niya ako. TInapon na niya kami. Ayaw niya kaming tanggapin. s**t! Bakit ko ipipilit ang sarili ko sa kanya?! Kung ayaw niya edi huwag! Kakayanin ko ito! Kaya ko ito! Kahit na mag-isa ako. Alam kong makakahanap rin ako ng taong magpapahalaga sakin na gusto kong maramdaman at hindi ipaparanas sakin ang sakit nung itinapon ako ni Wright. Dadating din siya.
“Mom?” What?
“Mom, wake up! You’re having a nightmare!” Who are you?
“Mommy..” Bakit pamilyar sakin ang boses na ito?
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, in-adjust ko ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na bumungad sa akin. Nakita ko ang pamilyar na mga mata na nakitingin sa akin. Agad akong bumangon. What the?! Tumingin ako sa batang gumising sakin. Hinawakan ng maliliit na mga kamay nito ang pisngi ko. Napangiti ako ng ma-realize na ito pala ang anghel na dumating sa buhay ko.
“Reid.”