Five

2093 Words
NAGPAALAM siya kay Liam na mag ha half day nalang siya tutal nasa site naman ito at si Louie. Tinext niya na din si Lizzie na mag go-grocery siya because of a very special occasion. "Imba ka talaga Yngrid. Ikaw lang ang kilala kong babaeng nagce-celebrate ng anibersaryo kung kailan siya naging kabit.." Sabi nito sa kanya. Tig-isa sila ng push cart na dala dahil wala na din daw itong stock sa unit niya. "Bakit Lizzie.. May iba ka pa bang mistress na kilala?" Pumipili siya ng ingredient para sa lulutuin niyang potchero. Paboritong ulam kase ni Louie yon. "Yun na nga eh, ikaw lang ang kilala ko. And I have no plans of meeting new one, thank you very much. ikaw na nga lang masakit na sa ulo, magdadagdag pa ako." Nakasimangot na sagot nito sa kanya. Kumuha Ito ng dalawang lata ng magkaibang brand ng corn beef saka itinapat sa kanya. "Mas masarap 'yang nasa right. Masyadong maalat 'yang isa eh." Ibinaba nito yung corn beef na nasa left hand niya saka kumuha ng Ilang piraso pa nung isang brand. "Kelan mo balak tumigil?" Tumigil siya sa paglalakad kaya nauna sa kanya si Lizzie. Humarap lang ito sa likuran nung mapansing wala na si Yngrid sa tabi niya. "Gagi! Hindi ko sinabing literal na tumigil ka! Alam mo kung ano 'yung ibig kong sabihin kaya wag kang ano d'yan!" Pabuntong-hiningang sumunod si Yngrid dito. "Kase nga mahal ko si Louie. Tamaan man ako ng kidlat ngayon, hindi 'yun magbabago." "Yeah whatever. Unhealthy love, parang corned beef, puro cholesterol. Ikaw lang ang nagmamahal. Alam mo kase ang love, give and take yan, hindi puro give ka lang ng give samantalang take lang siya ng take. Eh aba! Sa negosyo nga kelangan mong mag invest para magka profit ka eh.  Sa relationship pa kaya? Sabagay, wala nga pala kayong relasyon." Pang asar na sabi nito sa kanya. Kinuha ni Yngrid yung apple at isinalpak sa bunganga ni Lizzie. "Shut up will you? You're so annoying." "Shut up will you, You're so annoying." Panggagaya nito sa kanya. Nagsasawa na din kase minsan si Yngrid sa mga pangaral nito eh. Ilang beses na siyang pinagsasabihan ni Lizzie pero hindi din naman niya  magawang sundin. It's like telling a dog not to bark, or telling someone to stop breathing. Pwedeng pakinggan pero mahirap sundin. Lumabas na sila sa supermarket matapos nilang mamili. She's craving for ice cream kaya niyaya niya si  Lizzie sa isang ice cream parlor. "Waaaahhh!!! I want my Mommy! Mommy! Mommy!!" Tinakbo nila yung pinagkakaguluhan bata sa may tapat nung ice cream parlor.  Isang cute na cute na batang umiiyak. Wala man lang lumapit para tulungan yung bata. Tinitignan lang ito ng mga tao kaya silang dalawa nalang ni Lizzie ang lumapit dun sa bata. "Hi baby, why are you crying?" Nag angat ito ng mukha. Mamula-mula ma ang pisngi at mata niya sa kakaiyak. "My-my mommy left me." Sumisigok na sagot nito. Umiiyak parin ang bata pero hindi na ganun kalakas. "Ahh miss, anak nyo po?" Sabi nung guard na nakangiti sa kanya. Saka niya naalalang hindi siya si Miss Tapia ngayon, nanghiram lang siya ng extra  damit kay Lizzie dahil girlscout ang babae, laging handa. Naka denim short shorts siya at fitted white sando and fitflop. Hindi siya mukhang manang. "Haller, Kuya? Sabog ka? Sabi nga nung bata 'my mommy left me' diba? Tapos tatanungin mo kung anak namin yan? Nakakaloka ha!" Sabi ni Lizzie habang ginagaya yung boses nung bata. Nagkamot nalang ng ulo yung guard saka may tinawagan sa radyo niya. Tinignang mabuti ni Yngrid yung bata. His eyes, kamukha siya ni... "Yngrid look oh, hawig ni Louie yung mata ni bagets." Bulong sa kanya ni Lizzie. Napansin din pala nito yung napansin niya. "Oo nga noh? Baka nagkataon lang." Ayaw tanggapin ng utak ni Yngrid yung naiisip niya kaya binalewala nalang niya 'yun. Lumuhod siya para maging magkasing tangkad nalang sila nung bata. "What's your name?" Pinunasan muna nito yung luha sa pisngi niya bago sumagot. "Ry.. Ry..." Hirap na hirap itong banggitin yung pangalan niya. "Ry gusto mo ng ice cream?" Ngumiti ito sa kanya at tumango ng sunod-sunod. "Okay, tita Yngrid will buy you an ice cream, basta 'wag ka ng Iiyak," Pinunasan ni Yngrid yung mga tirang luha sa mata ng bata. Tumayo siya at hinarap yung guard na kanina pa nakatingin sa kanila. "Kuya, isasama lang muna namin yung bata dito sa ice cream parlor sa tapat ha? 'Pag may naghanap sa kanya, nandito lang kami." "Pero ma'am baka ho kase mawala yung bata. Ako ho ang malalagot eh." Kakamot-kamot sa ulobg sabi nung guard. Tinaasan naman ito ng kilay ni Lizzie. "Hoy kuya! Anung akala mo sa amin kidnapper? Ang ganda ko lang para maging kidnapper ha! Tara na nga Yngrid!  Nakakaloka talaga to si kuya! Nagmamagandang loob na nga pag iisipan pa ng masama!" "Lizzie!" Saway niya dito na pinandilatan lang din siya ng mata. Mas mataray sa kanya si Lizzie,  ano bang laban niya? "Kuya dito lang kami sa tapat oh, kung wala kang tiwala edi bantayan mo nalang kami." Baling niya sa guard saka niyayang maglakad papasok sila Lizzie. Pinapanood niyang kumain yung bata. He really reminds her of Louie. Yung paghawak nito ng kutsara, yung- "Rylie! Oh my, baby!" Napalingon sila sa magandang babae na humahangos palapit sa kanila. "Mommy!" At parang nanunuod ng telenovela sila Yngrid ng tumayo ang bata at sinalubong ng yakap ang bagong dating na babae. "I'm sorry baby, nakalimutan ka ni Mommy," Teary eyed pa na sabi nito habang hinahaplos ang buhok nv bata. "Yngrid, may popcorn ka? Parang sine lang eh." Nagmamalditang bulong ni Lizzie sa kanya. Siniko pa nito yung braso niya. "Sshh! Maldita ka talaga," "Matagal na, ngayon mo lang nalaman?" Nakairap na sabi nito. "It's okay mommy, dont cry na. You want ice cream?" Sabi nung bata saka inakay palapit kila Yngrid yung mommy niya. "Yngrid ayan na! Tissue dali!" Natatawa na lang si Yngrid dito, "Pustahan tayo, lalapit dito yang babae tapos magpapaliwanag na hindi niya napansin na nawala yung bagets sa tabi niya." Lumapit nga ang isang magandang babae sa harapan nila. Natulala si Yngrid, marunong naman siyang um-appreciate ng maganda. "Kayo ba yung nakakita sa baby ko? Naku! Pasensya na talaga ha, nalingat kase ako nung tumawag yung asawa ko eh." Sabi nito sabay upo sa harapan nila. Nahagip ng mata ni Yngrid ang pagtaas ng kilay ni Lizzie kaya pinisil niya ng bahagya ang hita nito. Naupo rin sa lap niya si Ry saka nito sinubuan ng ice cream ang ina. Bigla siyang nalungkot sa nakita niya. Gusto niya na din magka baby, kaya lang ayaw pa ni Louie, kaya malabo pang mangyari yung pangarap niyang magka anak. "Okay lang yun, ang cute nga ni Ry eh." Usal niya habang pinagmamasdan ang mag Ina. Ang sarap nila panoorin, nakakaramdam siya ng inggit. "Salamat talaga ha. Anyway I'm Celine nga pala." Iniiabot nito yung kamay niya na malugod namang tinanggap ni Yngrid. "Yngrid, siya si Lizzie." Turo niya kay Lizzie. Inabot din nito yung kamay ni Celine pero pasimpleng ipinunas nito yung kamay niya sa tissue. "Salamat ulit ha! Gusto ko pa sanang makipag kwentuhan kaya lang my husband will be here any minute to pick us up na eh," "No, its okay, bye Ry." "Rylie, say babye na to Tita Yngrid and tita Lizzie." Kinuha ni Ry yung tissue sa may table saka pinunas sa bibig niya bago bumaba sa lap ng mommy niya at nagpunta sa side nila ni Lizzie. "Bye, Tita Lizzie. Bye Tita Yngrid." Hinalikan sila nito sa pisngi. "Ang sweet naman ni Ry, tara iuuwi nalang kita!" Hinatid siya ni Lizzie sa tapat ng unit niya. Ito na din kase yung nag drive. May sasakyan naman siya pero tamad siyang magdala at halos lagi naman din silang magkasama ni Lizzie, ito na lang ang nagdadala ng sasakyan. "Are you sure ayaw mong tulungan kita?" "No thanks. Kaya ko na to." Sabi niya dito habang tinutulungan siya nitong ayusin may counter yung mga pinamili nila. "Okay Miss Tapia. Pag may tira kayo, tawagan mo 'ko ha?" Nakasimangot na sabi nito sa kanya. "Pwedeng bukas na lang? mang iistorbo ka pa eh." "Asus, style mo. Tse! Sige na, bye bye na! Happy mistress' anniversary. Pakasaya ha!" "I will.." Hinalikan siya nito bago tuluyang lumabas. Sinimulan niya ng lutuin yung potchero. Nagset din siya ng table, complete with candles and wine para maa romantic ang dating. She wanted this night to be extra special. Naka prepare na ang lahat kaya sarili naman niya ang inintindi niya. Nagbabad siya sa bathtub nang ilang minuto saka niya isinuot yung dress na regalo ni Louie sa kanya nung birthday niya. Ipinaligo niya din yung paboritong pabango ng lalaki at isinuot yung pulang lace thong panty na inorder niya online. Hindi na siya nagsuot ng bra, matatanggal din naman mamaya. Napangiti siya sa naisip. Matapos niyang maglagay ng make up sa mukha ay umikot pa siya sa harapan ng salamin. Nang makuntento ay lumabas na siya sa kwarto. Sinindihan niya yung kandila at pinlay yung mp3 player habang nag iintay sa pagdating ng lalaki. Iniimagine niya yung mga pwedeng mangyari nung gabing 'yon at hindi niya maiwasang mapapangiti. Nag-intay siya ng ilang Oras. 9:00 'Baka na traffic lang siya, Yngrid. Patience.' 10:00 'Baka nasa meeting lang, intay pa Yngrid.' 11:00 Ubos na yung kandila, tumatalon na yung kanta dahil pang limampung beses na ata yun nagpaulit ulit. 'Wag ka ngang tanga Yngrid!  Hindi na darating si Louie! Nandun na 'yun sa asawa niya! Hindi niya alam kung anong okasyon meron ngayon o baka alam niya pero wala naman talaga siyang pakialam.' Sa sobrang sama ng loob ni Yngrid ay kinuha niya yung susi ng sasakyan niya at padabog niyang isinarado ang pinto. Halos takbuhin niya na yung elevator para lang makarating sa sasakyan niya. She immediately start the ignition and drive fast. Hindi siya iiyak ng dahil lang dito. Hindi siya iiyak dahil lang binigo siya ni Louie. She wasted too much of her body fluids because of him. Hindi siya iiyak, magce celebrate siyang mag isa. NAGPARK siya sa Pyramid at hindi na siya nag abalang pumila. Hindi naman weekend pero marami-rami paring tao dun. "Good evening Miss Yngrid." Hindi niya na din pinansin yung bouncer. Badtrip siya kaya may karapatan siyang mang isnab. She's furious ans she badly needed a drink. "Hey gorgeous, naligaw ka" Lumingon ito sa likuran niya na parang may Ine expect na kasunod niya, "At wala si Lizzie, cocktail juice?" Nginitian niya ito ng matamis. "Johnny, give me something hard." Nag wink pa siya sa bartender na tinitigan siya ng matagal bago tumalikod at nag mix. Inabot sa kanya nito yung isang shot ng vodka na agad niyang nilagok. "Woah! Easy there Sweetheart! May problema ka ba?" Natatawang tanong ni Johnny sa kaniya. "Wala." Pinunasan niya yung labi niya gamit yung likod ng palad niya. "Isa pa," Inabutan ulit siya nito ng isang shot. "One more." "Kasali ba ang magpa rape sa bucket list mo? God Sweetheart kung may problema ka, you can tell me. I'm willing to listen. Baka kausap ang kailangan mo, hindi alak." "Johnny, i know what i want and i want to have fun so stop blabbering and just give me another drink. Yung mas matapang!" Napalingon siya sa katabi niya na binigyan ng absinthe nung isang bartender. Na curious siya sa kulay green na alak na 'yun at gusto niyang tikman. "Johnny, gusto ko 'yun," sabi niya sabay turo sa basong hawak nung lalaki. "Hindi pwede.  Masyadong matapang yung alak na 'yun, palagay ko hindi mo kakayanin yon." "Try me." Panghahamon niya dito. "Hindi pwede. Makinig ka sakin, i will give you anything, not that one." Hindi talaga siya binigyan ng lalaki nung alak na hinihingi niya, instead he give her a glass of margarita. Nakapout siyang tinanggap yun and Johnny gave her a peck on her lips. "Don't do that, sweetie. It's kinda distracting me." Sabi nito saka siya tuluyang iniwan. Actually nahihilo na si Yngrid eh. Pero pakiramdam niya kulang pa. Kulang pa yung nainom niya oara makalimutan niya yung sakit. Para mamanhid yung katawan niya, para wala na siyang maramdaman. Para hindi niya na maalala si Louie. "Akalain mo nga naman, tama si Lizzie,  hindi matatapos ang linggong ito makikita ulit kita." Natigilan si Yngrid nung marinig niya ang boses na 'yun. Kahit lasing na siya ay alam niya kung kanino nanggaling ang baritonong boses na 'yun. Dahan-dahan siyang lumingon para salubungin ang tingin niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD