KANINA pa sila magkasama ni Liam at hindi niya maipagkakaila na nag eenjoy naman siyang kasama ito. Nawala yung pagka ilang na naramdaman niya dito noon. Lumipat sila dun sa may bar counter dahil inaya siya nitong sumayaw na hindi di niya naman napagbigyan. "So ayun nga, my last relationship, muntik na akong mapikot nung girlfriend ko that time. Grabeng takot ko 'nun halos maihi na ako sa pantalon." Kanina pa din Ito kwento nang kwento tungkol sa sarili niya at sa mga kaibigan niya. "Ikaw Red, tell me something about yourself." Ininom niya yung cocktail drink niya saka nag iwas ng tingin. Ano bang sasabihin niya dito tungkol sa sarili niya eh, puro kasinungalingan na nga siya. From her true identity, hanggang sa relationship status niya. "Wala namang masyadong interesting sa buhay ko e