Chapter 5: Isly

3363 Words
The truth is, hindi naman masama ang loob ko na tumulong ako sa pagpatay sa mga kawawang manok. I realized that after waiting for them to finish eating. Auntie apologized to me when we're already on our way back to the house but I can't tell her the real reason why I am acting like this. I realized why I am acting strange. Hindi maalis sa isip ko yung ginawa ni Auntie na paghiwa sa leeg nila. And the thick blood oozing out from their necks. It has something to do with my past. What I've seen triggered my mind to remember a painful memory. When I was younger, I was used to seeing blood. Sanay na akong makakita ng mga taong tinotorture o kaya hinihiwa ang katawan at pinapatay. Papa trained me at an early age. But now that Papa is gone, iba na. Hindi dahil 5 years na akong hindi nakakakita kundi... I remembered Papa's death. I remembered the blood oozing out from his bullet wounds. I remember it's smell coz it was much stronger than my own blood and of Tetey's own blood. I remember Uya's cries. I remembered Papa's declaration of his love for us. Then his death. The way he struggled to breathe. The way his body became stiff as death finally embraced him. I remember how pain stabbed the deepest part of my heart. I didn't blame Uya for shooting Papa. Kung masakit sa akin na namatay sya, mas masakit iyon para kay Uya dahil isa sya sa mga bumaril sa kanya, sa kanya na tunay nyang ama. But my pain, I believe was harder to forget... The bruise it left in my heart was harder to heal. The father, and mother, I've known for 17 years was suddenly gone. And what's worse? I wasn't able to tell him how much I love him and I forgive him for unintentionally hurting me and Daddy and for all the secrets he kept from me. I suddenly missed him. I wanted to see him - smiling at me, telling me how much he adores me and promising that nobody would hurt me as long as he's beside me. But now he's gone. He's not here to protect me anymore from people who'd like to hurt me. Yes. Daddy and Tetey are always there to protect me. Pero iba pa rin si Papa. Iba pa rin si Kenth Kaide. Nagpaalam ako sa kanilang lahat at nagkulong sa ibinigay nilang kuwarto ko. They asked me to eat first pero tumanggi ako. Because of the emotional turmoil that I was going through, wala akong ibang nararamdaman kundi ang hapdi sa aking puso. I laid on the bed and recalled the happy memories I had with Papa. After 3 years, ngayon ko lang ulit naalala ang mga eksena ng pagkamatay nya. It hurt me. It still does. Papa may not be the sweetest, kindest and best father in the world but he loved me unconditionally. Maybe because I looked like Dad, the only man he has ever loved. Pero mula nang magkaisip ako, never nya akong pinabayaan. He's the overprotective father. He gave me everything that he thought would make me happy. I can still remember him telling me that he loves me and he'll do everything for me tuwing pinapatulog nya ako sa gabi noong bata pa ako. Na lahat ng pinaghirapan nya ay mapupunta sa akin someday. He never sent me away whenever I go to his room to sleep there on his side kahit na gaano sya kapagod. My Papa adored me in his special ways. Kahit na noong nalaman ko na may iba pa syang anak bukod sa akin, he assured me that he still loves me more. I knew it was a joke pero nung dumating si Uya, he's still the Kenth Kaide who doted me. Napagsasabihan nya ako pero never nya akong napagbuhatan ng kamay. He was always there when I needed him kahit na wala akong ina. Inalagaan nya ako kahit na hindi nya ako tunay na anak. Ipinagamit nya sa akin ang apelyido nyang tinitingala ng mga Mafia clans sa Japan. Kaya hindi ko iyon pinapalitan dahil iyon na lang ang natitirang alaala ko sa kanya. At kung nabubuhay pa sya, alam kong hindi sya papayag na sumama ako kay Daddy kahit na sya ang tunay kong ama. O kung sumama man ako, I'll always go back to Papa. I may have hated him for hurting Daddy but I still love him. And right now, I'm missing him so much. His death is my most painful memory. And I feel guilty dahil 3 years ko na syang hindi nadadalaw. Dad has been busy with his career. Ayoko namang magdemand sa kanila ni Tetey. I was crying while remiscing my happy moments with Papa when there was a knock on the door. Agad kong pinunasan ang mga mata ko at saka ako bumangon mula sa kama at pumunta sa may pinto. I opened it at bumungad sa akin si Luis. May hawak syang tray na may plate ng rice and bowl of tinola. Itinulak nya ang pinto at diretso syang pumasok sa loob. Ipinatong nya ang dala nyang tray sa study table na gawa sa kahoy at hinila nya yun palapit sa kama. "Ano pa ang hinihintay mo dyan? Halika dito at kumain ka." Masungit nyang tawag sa akin. Umiling ako sa kanya. Wala ako sa mood kumain. Tumayo sya at lumapit sa akin. Hinawakan nya ang braso ko at hinila ako papunta sa kama at saka patulak na pinaupo doon. "Ang arte-arte mo! p******y lang ng manok yang iniiyakan mo! Hala! Kumain ka dyan!" Pagalit nyang utos sa akin. "I... D-don't wanna eat." Mahina kong sabi sa kanya. I heard him curse at pagkatapos ay umupo sya sa tabi ko. Naglagay sya ng manok at sabaw sa kanin at hinalo iyon. Akmang isusubo nya na sa akin ang kutsarang may pagkain nang mag-iwas ako ng mukha. Nagulat ako when his other hand suddenly gripped my jaw at ipinasok sa bibig ko yung kutsara na may lamang kanin at karne ng manok. Out of instinct ay tinabig ko ang kamay nya. I grabbed a tissue at doon idinura yung pagkain na isinubo nya sa akin. Nang tumingin ako sa kanya ay masama ang tingin nya sa akin. "Dahil lang sa manok nagkakaganyan ka?! Ano yan? Sa bawat kakataying hayop dito sa bahay maghahunger strike ka? Hindi araw-araw ay kailangan ka naming pakainin ng kung anong gusto mo lang! Nakikitira ka lang dito kaya makisama ka naman! Sobra na yang kaartehan mo!" Sunud-sunod nyang singhal sa akin. At dahil napakabigat pa rin ng loob ko ay hindi ko napagilan ang mapaiyak. I felt humiliated. I felt weak. I felt ashamed because kung kailan napakahina ng loob ko saka naman ako tila lalong ibinabagsak. "Yan! Yan na naman yang paiyak-iyak mo! Magdadrama ka na naman!" Naiinis nyang bulyaw sa akin. "You... You don't... understand." Sumisinghot at pasigok-sigok kong sabi sa kanya. Pinipigilan ko ang pag-iyak ko ngunit mas lalo pa akong napapaiyak hanggang sa mapahagulgol na ako. Pakiramdam ko kasi napalaki ng kasalanan ko. Ngayon lang kasi ako napagalitan ng ganito. Ngayon lang ako nabubulyawan, nasisisi. Pakiramdam ko hindi na yung manok o yung hindi ko pagkain ang issue dito. I've felt that he's blaming me. Blaming me for things I do not know. And the way he looked at me? Parang he's even blaming me for Papa's death. It's as if he's telling me that I deserve to feel like this. Before I could control my self, I uttered the word I've been longing to say. "P-papa... Papa. Papa..." Paulit-ulit kong sambit habang patuloy sa malakas na pag-iyak. Tila hindi na ako ang 22 years old na si Isly. Parang bumalik ako sa mga panahon na itinatago ko ang pag-iyak ko sa lahat lalo na kay Papa. Nakatatak sa isipan ko that a Kaide never cries. Pero sa puntong ito? Lumabas na ang lahat ng luhang naipon sa dibdib ko sa loob ng napakahabang panahon. "Isly..." "He... was shot. And there was a lot of blood. A lot of blood..." Wala sa sarili kong paglalahad. Sa mga mata ko ay nakikita ko ang eksena noong araw na iyon. Kalong ako ni Daddy. Kalong ni Uya si Papa. Kitang-kita ko ang patuloy na pagdaloy ng napakaraming dugo sa mga tama ng baril sa katawan nya. I saw how he still tried to look at me. I saw how his eyes told me how much he loves me. And I heard those sweet yet painful words. "Ai...she--teru. Y--you, Is--ly... and Fr--fran--cis." Lalong lumakas ang pag-iyak ko nang maalala ko ang napakasakit na eksenang iyon. Kitang-kita ko pa ang paghugot nya ng kanyang huling hininga. "Papa!" Hindi ko mapigilang isigaw. At bago pa ako makasigaw ulit ay nakulong na ako sa malaking katawan. Hinapit ng mahahabang braso ang katawan ko. At sa matigas nyang dibdib ko ipinagpatuloy ang pagdadalamhati ko. Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay nya sa ulo ko at ng isang kamay nya sa likod ko na waring pinapatahan nya ako. Matagal-tagal din akong umiyak sa dibdib. My bottled up emotions overflowed. "Tahan na." I miss this moment. I miss a big man's arms embracing my body. I miss someone telling me to calm down. I miss Papa's smell. I miss the security I felt whenever he embrace me. I miss his voice calling me 'his son'. I miss hearing him tell me that I am a Kaide. That I will always be a Kaide no matter what. I miss him. I miss my Papa Kenth. And I was very sorry right now coz I haven't kept my promise that I will not cry in front of anybody. I can't really stop my tears anymore coz I was crying because of him. Because I've lost him. Matagal din akong umiyak. Matagal bago ko napakalma ang sarili ko. Hanggang sa unti-unting humina ang mga hikbi ko. Unti-unti na ring naubos ang mga luha ko. When I finally calmed down, dahan-dahan akong kumalas sa kanya. Nahihiya kong pinunasan ang mga pisngi kong tigmak ng mga luha. "I'm sorry." Halos magkasabay naming sambit sa isa't isa. "I'm sorry kung... Nasigawan kita." Sya ang unang bumasag sa katahimikang bumabalot sa amin pagkatapos naming magkahiyaan dahil sa sabay naming pagsasalita. "I'm sorry if... Nabasa shirt mo." Nahihiya kong tinignan yung shirt nya kung saan ako sumubsob kanina. "Ayos lang yan. Ako naman ang may kasalanan kung bakit ka umiyak. Hindi ko naman alam na may masama ka palang karanasan sa dugo." Tumango ako sa kanya. "I saw my Papa d-died." Malungkot kong sabi. Tumango sya and maybe because bumait sya, ikinuwento ko ang nangyaring pagbaril kay Papa. I just told him how Papa died. Hindi ko na ikinuwento pa ang background ng pamilya namin. I can't help the tears from coming back nang matapos ang pagkukwento ko. "Wag ka nang umiyak. Kung nasaan man si Papa mo ngayon, nananahimik na sya. At nalulungkot sya sa tuwing iniiyakan mo sya. Isa pa, singkit ka na nga, dahil sa kaiiyak mo eh lalo pang lumiit yang mga mata mo." Pagbibiro nya sa akin na nginitian ko naman. "Kung ayaw mong kumain dahil sa tinola, magpapaluto na lang ako ng ibang ulam mo. Ano ba ang gusto mo?" He asked habang inaayos nya na ang mesa. "Don't mind me. Sleep muna po ako." I told him and then laid down on the bed. Nasobrahan ko yata ang pag-iyak kaya mabigat ang ulo at pakiramdam ko. I was a bit shocked nung alalayan pa nya ang paghiga ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang pagtitig sa kanya at ganun din sya sa akin. I don't know but at that moment, it seems that time has frozen. I saw how his eyes went down from my eyes, to my nose, to my...lips. I saw how his adam's apple bobbed in a slow manner at he kept staring at my lips. And his face? It seems like getting nearer and nearer. "Ahrmp!" I cleared my throat and he was like awaken from a trance. He moved away from me in an instant. "Ah... Eh, maiwan na kita. Sige magpahinga ka muna. Magpapaluto na lang ako ng ibang ulam. Bumaba ka na lang kapag nagugutom ka na. Promise, hindi mo na makikita yung tinola mamaya." Nagsasalita habang inaayos pabalik yung mesa, binuhat yung tray, naglakad papunta sa pinto, binuksan ito at naglakad ulit palabas na wari bang natataranta sya. I was really amused because of it. "Okaaay..." I drawled. When he's finally out, saka ako napangiti at napailing. Nakakatawa din pala si Luis kapag natataranta sya. Halatang-halata sa boses at mukha nya eh. I giggled. Ngunit agad ko ding natakpan yung bibig ko. Damn, I was giggling like a girl. You're still a boy, Isly even if you're wearing a dress and a girl's undies. I reminded my self. And don't you dare think of him in a romantic aspect. You have a boyfriend back home and Luis still hates you. Naawa lang siguro sya sa pag-iyak mo kaya sya bumait sayo. Bukas tignan mo, tiyak galit na naman yun sayo. My mind also added. Napailing na lang ulit ako sa sarili ko at saka pumikit na. Kailangan ko nang ipahinga ang kanina pang nanhahapdi kong mga mata. ... I woke up at around 9 pm. It was actually the hunger that has awakened me. I rose up from the bed and went out of the room. I went at the bathroom to clean my self first then went down to the kitchen to feed my hungry body. Nagulat ako nang maabutan ko sa may kitchen si Luis na waring may hinihintay. "Oh, gising ka na pala. Siguradong gutom ka na." Tumayo sya agad at kumuha ng mga plato at linagay ang mga yun sa mesa. Kumuha din sya ng rice and may linagay syang vegetable dish. I was just watching him do all of those. "Halika na. Nakahain na ako. Kain na tayo. Kanina pa ako gutom eh." Pagyaya nya sa akin. Naguguluhan akong tumingin sa kanya as I took my seat. "If gutom ka kanina pa, bakit di ka kain?" Pagtatanong ko sa kanya. Natigilan naman sya sa paglalagay ng rice and veggies sa plate ko. "Haa? Ahh, di pa ako gutom kaninang kumain sila. Kani-kanina lang ako nagutom. Tama na ang salita ha. Kumain na tayo. Masarap itong chop suey." Naglagay sya ng pagkain sa plate nya at sumubo nang sunud-sunod. "Gutom ka talaga." I commented as I watch him chew the food in his mouth. Sumubo na rin ako and found out na masarap nga yung veggies. At dahil magana yung pagkain nya kaya nahawa na rin ako. Halos nakatatlong balik sya para kumuha ng additional rice and veggies para sa aming dalawa. Busog na busog kami. After eating, I volunteered to wash the dishes. "Anlakas mong kumain pero ampayat mo." He said as I finished the chores. "Fast kasi ang metabolism ko." I answered. "Tara. Maglakad-lakad muna tayo sa labas para bumaba yung kinain natin. Hindi ka rin naman matutulog ulit dahil mahaba-haba yung tulog mo kanina di ba?" Umiling ako sa kanya at sumunod nang maglakad sya palabas ng bahay. "Wow! Marami stars!" Namamangha kong sabi habang nakatingala. "Wala bang stars sa America kaya manghang-mangha ka sa ganyan karaming stars?" May halong biro na tanong nya. Namamangha pa ring napatingin ako sa kanya. Is this really Luis? Bakit mabait pa rin sya? "Isly?" Nagtatakang tanong nya dahil nanatili akong nakatitig sa kanya at di pa sinasagot ang tanong nya. "Oh! May stars din but not marami like here." I answered as I looked up the sky once again. "Di ba may kasabihan noon na ang mga stars daw ay ang mga namayapa na nating mga mahal sa buhay na hindi pa tuluyang nakakaakyat sa langit. Nanatili silang andyan, nakikita tuwing gabi para ipaalala sa atin na hindi nila tayo tuluyang iniwan. At sa madilim na kabanata ng ating buhay, nariyan lang sila at nagbabantay sa atin." Dahan-dahang sabi nya para marahil maintindihan ko ang gusto nyang iparating. Naintindihan ko naman kahit papano ang gusto nyang sabihin. "If that's true, si Papa ko yung pinakamalaking stars. Sya yung strongest person na nakilala ko so I think sya yung brightest and biggest star." Itinaas ko yung kamay ko at itinuro yung pinakamalaking star na nasa kalangitan. "Oo. Maaaring sya nga iyon. Binabantayan ka pa rin nya tuwing gabi. Kaya wag ka nang malungkot tuwing naaalala mo sya. Wag ka nang iiyak. Sabi nila kapag malungkot ang mga stars, nababawasan yung liwanag nila. Kaya kung ayaw mo na mabawasan yung liwanag ng star ng Papa mo, wag ka nang malulungkot at iiyak kapag naaala mo sya. Dapat ngiti ka lang dahil kapag nakita ng Papa mo na masaya ka, lalong liliwanag ang ilaw na dala ng star nya." Natigilan ako at napatingin ulit sa kanya dahil sa mga salitang binitawan nya. What he said is just a myth but the thought of him saying it para hindi na ako umiyak at malungkot tuwing naaalala ko si Papa touched my heart. And I really, really appreciate his effort so I smiled at him and was pleased when he smiled back at me. Matagal-tagal din kaming nagtitinginan at nagngingitian when a noise disturbed us. "Ano yun ingay?" I curiously asked him. "Kuliglig yung mga yun." He answered. "Kaliglig?" Me. "Kuliglig." Luis. "Kiliglig?" Me again. "Anong kiliglig? Kuliglig." Luis again. "Kuyigyig?" Me for the third time. "Bwahaha! Pinagsasabi mo? Ku-lig-lig! Kuliglig!" "Oh! Kulilig!" I happily exclaimed. "Haynako! Bulol talaga." He whispered quite loudly. "No, I'm not." Nakalabi kong sagot. "Bulol." "Hindi po." "Bulol ka. Aminin mo na." Pangangantiyaw nya sa akin. "Hindi nga po." Pagpupumilit ko. "Oh sige, gayahin mo nga yung sasabihin ko kung hindi ka bulol." Paghahamon nya sa akin. "Opo!" Excited kong sabi. "Nagtaraki ka, Luis. (Ang gwapo mo, Luis)" I smirked at him. "Nagtakki ka, Luis." I confidently said. My confidence rose when I saw his jaw dropped. "Aha! See? I'm not bulol." Pagyayabang ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla syang bumunghalit ng tawa. At hindi lang basta tawa. Humalakhak sya ng sobrang lakas. As in malakas na malakas na nag-echo pa. "Hindi daw sya bulol. Bwahahaha! Matayak kenka, Isly. Hahahaha!" (Mamamatay ako sayo, Isly) "Why are you laughing? Mali ba?" Nagtataka kong tanong at nagsisimula na rin akong mapikon. "Nagtakki ka, Luis! Nagtakki ka, Luis! Wahahaha!" Panggagaya nya sa akin ng paulit-ulit. "What's wrong with what I've said? I just copied what you said!" Napipikom na tanong ko. "Hahahaha. Ang sinabi ko, 'Nag-ta-ra-ki ka, Luis.' Ibig sabihin, 'Ang gwapo mo, Luis." "Isn't that what I've said?" Nagtataka pa ring tanong ko sa kanya. "Hindi! Ang sinabi mo, 'Nag-tak-ki ka, Luis' na ang ibig sabihin ay 'Nagtae ka, Luis!' Wahahaha!" Ako naman ang napanganga sa kanya. "Oh my gosh! I said that?" Napapahiya kong tanong sa kanya. "Opo. Tsk. Imbes tuloy na marinig kong gwapo ako, ang narinig ko ay nag-LBM ako. Hahahaha." "Sorry." Nahihiya akong nagyuko ng ulo. Nag-iinit ang pisngi ko. Ngunit nang wala na akong marinig na tawa mula sa kanya ay inangat ko rin ang mukha ko at tumingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatingin din sya sa akin at bahagyang nakangiti. Nanigas ang katawan ko nang maglakad sya papalapit na akin. Nang nasa tapat ko na sya ay lalong bumigat ang mga tinging ibinibigay nya sa akin. I held my breath when I felt his hand caressing my face. "Bakit ba ang cute mo, Isly? Sa sobrang cute mo, unti-unti nang nawawala ang galit ko sayo." He whispered on my ear. Lalong nag-init ang mga pisngi ko at nanayo ang mga balahibo ko nang dahan-dahang bumaba ang mukha nya palapit sa mukha ko. Unti-unting naglapit ang mga labi namin hanggang sa..... ... Sa mga want mag-avail ng The Twins (with special chapters) and Rough Love (BxB: not posted in w*****d), you can buy them at only Php 300 instead of Php350. PaChristmas nyo na sa akin at PaChristmas ko na rin sa inyo. Basta dalawa sila ha. Pero pag isa lang, original price. Merry Xmas naaaa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD