Kahit may kadiliman sa kinaroroonan namin ni Isly ay hindi nakalampas sa mga mata ko ang ganda ng kanyang mga ngiti, ang pungay ng kanyang mga mata. Napakaganda pa rin nyang pagmasdan kahit namamaga ang mga iyon. At kanyang mga labi? Nakakahalina at lubhang kaakit-akit. Kanina ko pa sila lihim na pinagmamasdan. Kanina pa nila ako iniimbita na sila ay tikman. Ilang beses na ba akong lumunok para lang maalis ang bara sa aking lalamunan? Ilang beses na ba akong nagkuyom ng aking mga kamay upang pigilan ang mga ito na hilain sya at idikit sa aking katawan? Ngunit ang mga paa ko ay tila may sariling mga isip. Dahan-dahang naglalakad ang mga ito papalapit sa kanya hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko sa harap nya. Mas naging kaakit-akit sya sa paningin ko ngayong kitang-kita ko na maging