Nanlaki ang mga mata ko nang dumilat ako. Puro puti kasi ang nakikita ko. Diyos ko. Nasa langit na ba ako? Patay na yata ako.
Sinasabi ko na nga ba. Masamang tao 'yung magandang babaeng iyon! Siguro itinapon niya ang bangkay ko sa bangin tapos itinakbo na niya 'yung kotse ko. Baka nga mga kasama pa niya 'yung bumaril sa akin.
Okitnana!
Kung bakit kasi binalikan ko pa siya?!
Ngayon paano na?!
Paano na ang pamilya ko?
Paano na ang lupang sinasaka ko?
Paano na ang mga alaga ko? Manganganak pa naman na 'yung baboy ko.
Paano na ang kapatid kong si Jerwin na itinanan ang sarili sa Taiwan para lang takbuhan 'yung namimikot sa kanya?
Ang nanay ko na wala ng ginawa kundi ang iyakan ang kapatid kong iyon?
Ang tatay kong medyo ulyanin na?
Paano na sila? Ako lang ang inaasahan nila!
Walanghiyang babaeng 'yun! Pahamak! Kriminal! Magnanakaw! Manloloko! Malas! Demonyita!
Pero maganda.
Kahit na!
"Hi..." Isang nag-aalangang boses ang nagpatigil sa mga masasamang salitang nag-uunahan sa utak ko. Diyos ko, tinatawag na ata ako ng anghel ko. Hindi pa ako handa! Ayoko pang sumama! Marami pa akong gagawin! Marami pang naghihintay sa akin! Ang pamilya ko, ang saka ko, ang mga alaga ko!
"Excuse me, are you all right?" muling tanong ng malambing na boses na iyon. Diyos ko, English-speaking pala ang mga anghel!
Sa wakas ay nilingon ko na ang pinanggagalingan ng boses na iyon. Napakagandang anghel ang nakasalubong ng aking mga mata. Napakaputi. Maikli ang alon-along buhok niya na hanggang sa panga niya lang. Medyo singkit ang mga mata, may katangusan ang maliit na ilong at murang pula ang mga labi. Magkadikit ang cute na mga kilay nito na tila nalilito sa itsura ko.
Nako naman! Siguro nagkadurug-durog ang mukha ko nung ihulog ako nung demonyitang babae sa bangin kaya ganun na lang kung makatingin sa akin 'yung magandang anghel. Lagot sa akin 'yung demonyitang 'yun. Kahit takot ako sa multo, mumultuhin ko siya! Hindi ko siya patatahimikin! Hindi ko siya titigilan! Hindi ko siya...
"Umm, excuse me. Sir? Sir?! Oh, f**k!" Napanganga ako sa narinig kong sinabi ng anghel. Halah, anghel nagmumura?
"Alaen na kon? Madik pay, anghel! Alaen nak ton maal-alyak dijay demonyita nga babae!" (Kukunin mo na ako? Ayoko pa, anghel! Kunin mo ako kapag namulto ko na 'yung demonyitang babae!")
Napanganga ang anghel sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pag-aalala. Ang pagkataranta. At ang sumunod na ginawa nya ang ikinagulat ko.
"Nurse! Nurse!" Hinabol ng mga mata ko ang tumatakbo nyang bulto papunta sa... pintuan?!
Teka...
Iginala ko ang mga mata ko sa lugar na kinaroroonan ko. Puti ang mga pader, may sofa, may TV, may monoblock na upuan.
Napatingin ako sa pinto nang bumungad doon ang isang babaeng nurse kasunod nung anghel.
"Mister, kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ng nurse habang tinitignan ang mga mata ko, ang dextrose ko.
"I think he's hallucinating," ainabi ng anghel sa nurse.
"Sandali lang po, Ma'am. Tatawagin ko po 'yung doktor," sagot naman nito.
Teka ulit...
Nurse?
Doktor?
Ma'am?!
Sa isiping 'yun, nagsimulang kumirot ang namamanhid kong katawan na nakasentro sa aking tyan.
"Nurse?" tawag ko sa nurse na akmang aalis na.
"Yes, sir?" Lingon nito sa akin.
"Buhay ako?" Napangiti ang nurse sa akin.
"Opo, Sir. Buhay na buhay."
Nakahinga ako nang maluwag sa naging sagot nya. Mabuti na lang. Akala ko talaga nasa langit na ako kanina. Nasa ospital pala ako kaya puro puti ang nakikita ko nang magising ako. Akmang tatalikod ulit 'yung nurse nang tawagin ko siyang muli.
"Eh, siya? Sino siya? Hindi ba siya anghel?" Sinulyapan ko 'yung magandang babae na patingin-tingin lang sa amin ng nurse.
"Naku, hindi po. Pero sang-ayon po ako sa sinabi n'yong mukha siyang anghel. Siya po 'yung nagdala sa inyo rito."
Hindi na ako nakasagot sa tinuran ng nurse. Ni hindi ko na nakitang umalis siya. Nakatitig lang ako sa babaeng pasulyap-sulyap lang sa akin.
So... Siya pala 'yung nakisakay kagabi. Siya pala 'yung dahilan ng kapahamakang nangyari sa akin. Siya pala 'yung babaeng pahamak, kriminal, magnanakaw, manloloko, malas, maganda... In short, siya pala 'yung demonyitang nakisakay sa kotse ko!
"Halika nga rito," seryoso kong tawag sa kanya. Ginamit ko ang kamay ko para iparating sa kanya na gusto ko siyang lumapit sa akin. Kimi naman itong naglakad papalapit sa kamang kinahihigaan ko.
Nang nasa tapat ko na siya ay muli ko siyang tinitigan. Pinagmasdan. Maganda talaga siya. Napakagandang demonyita.
"Bakit mo ako dinala rito sa ospital?" pauna kong tanong sa kanya.
"Am I not supposed to?" Nangingimi pa ring tanong nito. nagdikit ang mga kilay ko sa naging sagot niya.
"Dapat lang na dalhin mo ako rito sa ospital dahil ikaw ang dahilan kung bakit nabaril ako! Kung 'di ka nakisakay sa akin, baka nakauwi na ako ngayon! Pahamak ka, eh! Malas!" galit kong bulyaw sa kanya.
Nanlaki ang mga singkit niyang mga mata. Namutla ang mapuputing mga pisngi. Nanginig ang mapusyaw ngunit mamula-mulang mga labi.
"I'm sorry. I didn't mean for this to happen to you," mahina at mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Natigilan ako nang mabilis niyang pinunasan ang isang pisngi niyang dinaluyan ng luha. Isang sundot sa puso na naman ang naramdaman ko.
"Umalis ka na nga. Ayoko nang makita iyang pagmumukha mo. Mamaya kung ano pang kamalasan ang dalhin mo sa akin. Alis!" pagtataboy ko sa kanya. Napayuko muna siya at saka tumango.
Nang mag-angat siya ng ulo ay nagkatinginan kami. Sa hindi malamang dahilan, muli kong naramdaman ang isang pinong kirot sa aking dibdib. Marahil dahil sa nakikita kong takot at sakit sa kanyang mga mata.
"Again, I'm so sorry if this happened to you. I'm sorry. B-bye..." Lumunok ako nang tumalikod siya para pigilan ang dila ko na tawagin siya pabalik, pigilan siya sa pag-alis. Nakasunod ang mga mata ko sa bawat hakbang na ginagawa niya papunta sa pintuan ng kuwarto ko. Papalapit na siya nang papalapit doon nang...
"Anak ko!!!"
Nagitla ako sa malakas na boses na iyon. Mula sa babae ay lumipat ang mga mata ko sa isang mataba at matandang babae na humahangos papunta sa akin. Ang nanay ko! At kasama pa niya 'yung mga tiyahin kong matatandang dalaga.
"Anya ngayen ti kinkinwa mun, anak ko? Apay ngay ta nagpapaltog ka?" Ano ba ang ginawa mo, anak ko? Bakit nagpabaril ka?
Tanong ng nanay ko na tila ba may choice ako nung binaril ako.
"Nanang!" pagrereklamo ko nang pagyayakapin at paghahalikan niya ako. Natamaan pa ng kamay niya 'yung sugat ko kaya napaigik ako.
"Argh!" paimpit kong sigaw. Nataranta naman ang nanay ko.
"Doktor! Doktor! Toy anak ko!" Itong anak ko! Pagpapalahaw niya.
Agad namang lumapit ang doktor sa akin kasunod 'yung nurse kanina. Pinatabi nila ang nanay ko at agad nila akong inasikaso. Pinalitan nila na gasa ang sugat kong dumugo dahil sa pagkakatabig ng nanay ko. Nang matapos ang ginawang pagbibilin ng doktor sa akin at sa nanay ko, iniwan na nila kami. Muli namang lumapit sa akin ang nanay ko at ang mga tiyahin ko.
(Imagine po na Ilocano yung usapan nila.)
"Ano ba ang nangyari?!" malakas na sigaw ni Auntie Sita, bunsong kapatid ng nanay. Hindi sya galit. Malakas lang talagang magsalita ang pamilya namin na tila lagi kaming nakikipag-away kahit na normal na usapan lang ang namamagitan sa amin.
"May nakisakay sa akin nang walang paalam. Pinababa ko pero nakonsensya ako kaya binalikan ko. Pero nung binalikan ko, may gulo atang kinasangkutan. Eh, nadamay ako nang hindi ko alam. Kaya heto. Binaril ako. 'Yung babae ang nagdala sa akin dito sa ospital," pagkukuwento ko sa kanila.
"Oh, eh, asan na 'yung babae?!" tanong naman ng Auntie Beka ko, ang panganay na kapatid ni nanay.
"Pinaalis ko na," balewala kong sabi sa kanya.
"Ano?! Bakit mo pinaalis?! Paano kung inaabangan siya nung mga lalaking bumaril sa'yo sa labas ng ospital?!" bulyaw ng nanay ko sa akin. Nakapamaywang. Magkadikit ang mga kilay. At nakakasiguro akong galit na talaga siya.
"Bakit hindi? Eh, siya ang dahilan kung bakit ako nabaril," pagrarason ko.
"Maganda ba 'yung babae?" Napatingin kaming lahat sa nanay ko. Pagkatapos ng ilang segundo, tatlong pares ng mata ang tumitig sa akin at naghintay ng kasagutan ko.
Nagkabikig ang lalamunan ko sa mariin nilang pagtitig sa akin.
"Maganda ba 'yung babae?!" mas malakas at mas madiing pag-uulit ng nanay ko at alam ko na wala na akong pagpipilian kundi sagutin ang tanong niya.
"Opo." Nag-iwas ako ng tingin sa kanilang tatlo.
"Sinasabi ko na nga ba," pagpaparinig ng nanay ko. Bumuntong-hininga siya.
"Manang, saan na kaya nagpunta 'yung babae?" tanong ni Auntie Sita kay Nanay.
"Sandali at ipapahanap ko rito sa ospital. Baka nasa labasan pa 'yun. Mapasalamatan ko man lang sa pagdadala niya sa aking anak dito sa ospital." Pagpaparinig muli ng nanay ko. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.
"Sasamahan na kita, Manang."
Lumabas na sila na hindi pa rin ako nakatingin.
"Hoy, Luis! Bakit ba hindi ka pa rin makalimot, ha?! Kailan mo ba mababago ang tingin mo sa magagandang babae? Hindi lahat ng magaganda ay manloloko, sinungaling at mukhang pera. May mga matitino rin. May mga mapagkakatiwalaan din. Tignan mo kami ng nanay at Auntie Sita mo. Magaganda kami at matitino kami. Hay, nako kang bata ka!" Lalo akong napipilan sa panenermon niya. Pumikit na lang ako at nagtulug-tulugan para makaiwas sa pagbubunganga niya.
....
ISLY
For the first time in my life I've been called a jinx. I know he was just angry at me but among the bad words he threw at me a while ago, that word nailed a bitter pain in my heart. And I can still feel it throbbing in my chest.
Malas.
Jinx.
Ill-fated.
Am I really one?
If Papa would hear that word being told about me, he would definitely shred the guy. If Dad or Uya would? They'd probably cut the guy's tongue and punch his teeth out from his mouth.
But it was me who heard it. It was me who got hurt. And it was me who did not do anything about it.
Malas ba talaga ako? I grew up without a mom. I grew up with my overprotective Papa. Then I lived with my equally overprotective Daddy and Tetey. Pero wala naman akong nadalang kamalasan sa kanila. I was their joy, their happiness. I was their baby.
Kaya ba ganun na lang nila akong alagaan at protektahan kasi malas talaga ako? Is this a curse for not having a mom? Is this God's way of telling me how really unlucky I am since birth?
If I had only a choice, I'd want a mom. Papa had not provided that for me. Whenever I ask him about her, he lied. He always lied and had excuses. I knew he did. I've seen it in his eyes whenever he told me that my mom is dead. I've tried asking for Daddy's help but he doesn't have any idea who my mom was. Hanggang sa nawalan na lang ako ng pag-asa. Pilit ko na lang na pinaniniwala ang sarili ko na patay na talaga siya. Kaya siguro nagkasunud-sunod na nga ang kamalasan ko.
First, the Mafia is after me.
Second, I lost everything I have after naming magkahiwalay ni Yellie sa airport. One of those men who shot the guy took my backpack kung saan naroon ang wallet, phone at passport ko habang nakikipag-agawan ako ng baril sa isang kasama niya.
Third, a guy was shot because of me.
Siguro nga, tama siya. Malas ako.
Ngayon, saan na ako pupunta? Wala akong pera. Wala akong phone. Paano ako makakabiyahe papunta ng Manila Hotel? Paano ako kakain? Paano ko matatawagan si Yellie para kunin ako? Ni hindi ko alam kung nasaang lugar ako rito sa sinasabi ng lalaki na Pangasinan. And what's worst? Nakadamit-pambabae pa rin ako. Paano na ako ngayon?
I wanted to cry again. I looked around me. Narito ako sa labas ng ospital. Pagod, gutom, nanlulumo, naiiyak sa dami ng kamalasang pinagdaanan ko sa loob lamang ng isang araw. Tapos, pinagtitinginan pa ako ng mga tao. 'Yung iba, nagtataka. 'Yung iba, namamangha. :Yung iba, natatawa. Siguro, I look so filthy na.
"Miss! Miss! MISS!!!"
Hindi lang ako ang napalingon sa malakas na boses na iyon kundi maging ang mga miron na nasa harap ng ospital. I saw two fat women running towards me. Kasunod nila 'yung nurse na tinawag ko kanina.
Humihingal sila nang marating nila ang kinatatayuan ko ngunit nang mapagmasdan nila ako ay tila nawala ang paghingal nila. They look at me with awe in their eyes.
"Miss, pinapahanap ka nitong nanay nung nabaril," pagpapaliwanag ng nurse sa akin.
"Umm, b-bakit po? Hindi po ako 'yung b-baril. Saba ko...uh, sabi ko na po sa police. 'Wag na po kayo sa akin galit," kinakabahan kong sabi sa dalawang babae.
"Ay, hindi! Hindi namin sinasabi na ikaw 'yung bumaril at hindi kami galit," pagalit na sabi nung isa sa kanila. And I thought they're not mad at me.
"Hinabol ka namin dahil gusto ka naming pasalamatan!" the other woman told me. I smiled at them.
"Okay lang po." Napanganga sila pagkatapos kong magsalita. It's as if they were starstruck.
"Nagpintas nga talaga, Manang. (Maganda talaga, Manang.)" The younger one told the other woman.
Nagpintas? What's that?
"Wun garod, Ading. Kayat ko nga iyawid. Aguray man ta interbyuwek nu tagatnu. (Oo nga, Ading. Gusto kong iuwi. Saglit nga at iinterbyuhin ko kung taga-saan.)" Pinaglipat-lipat ko ang nagtataka kong mga mata sa kanila.
"Taga-saan ka ba, Miss?" the older one asked me. Saan? That's where, right?
"Oh, I'm from San Francisco, California po."
"Ay, imported, Manang!" the younger one exclaimed.
"No! No po. I'm not um, imported. Umm, taga-California po ako. Sa States," pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Oo nga! Imported!" Masayang sigaw ulit nung mas matanda. Do they really need to shout whenever they say something?
"Kadarating mo lang ba rito sa Pilipinas kaya ka nakisakay sa kotse ng anak ko?! Nasaan 'yung mga gamit mo?!" Pinigilan kong takpan ang mga tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.
"Opo. Nakuha po nung lalaki na may baril," malungkot kong sagot.
"Ay, kawawa ka naman. Eh, saan ka nakatira rito sa Pilipinas?!"
"Umm, wala po. Dapat punta ako Manila Hotel pero..." Nagulat ako nang kumapit silang dalawa sa magkabilang braso ko at hinila na ako pabalik sa hospital.
"B-bakit po?" nagtataka kong tanong sa kanila.
"Wala ka namang mapupuntahan, di ba?!" Malakas pa ring tanong nung mas matanda kahit magkalapit na kami.
"Umm, opo," sagot ko naman.
"Pwes, sa amin ka na!"
"Po?!"
"Sa amin ka na titira!"
she declared and I found my self with nothing to say.
...
The two women fed me first. After that, we went to a nearby market place and they've bought me clothes. Hindi naman ako makareklamo when they bought more dresses than shorts, shirts and jeans. I wanted to tell them that I'm not a girl pero naunahan na ako ng takot. They were both so imposing. Isa pa, I'm scared that if I'll tell them the truth, they'll gonna leave me in the streets again. Maybe, I'll just tell them the truth once I've earned their trust and everything's already settled.
They bought a lot of things for me. They even bought a dozen of bras and two boxes of panties that's named So-en as if I'm gonna stay with them forever.
"'Wag na po," I pleaded when the older one pointed at the three knee-length dresses. They've already bought a dozen of those!
"Manang, nabili mo na po halos lahat ng paninda ko. May pambayad ka po ba?" the lady asked the older woman.
"Magkano na ba lahat?!" taas ang kilay na tanong ng matandang babae na nagpakilalang nanay ni Luis, the guy who was shot because of me.
"Two thousand eight hundred forty-five," the sales lady said.
My jaw fell when the old lady put one of her hands inside her blouse, directly inside her bra.
What the....
Nang ilabas niya na ang kamay niya mula sa bra niya ay mas nagulat ako nang may hawak na siyang kumpol na balot ng panyo. Nang kalasin niya 'yun ay nakita ko ang makapal na bugkos ng pera. 'Yung tatlo ang ulo.
"Oh, heto. Keep the change!" Iniabot nya sa tindera 'yung tatlo na piraso ng perang papel, bago niya muling binalot iyon ng panyo at ibinalik ulit sa loob ng bra niya.
Oh my God. Doon ba nila itinatago ang money nila dito sa Philippines para iwas hold-up sila?
"Tara na!" masayang yaya niya sa amin. Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanila. Naglakad kami pabalik ng hospital na may tig-dadalawang malalaking plastic bags ng aming pinamili.
...
"Sa atin na siya titira."
"Nang..."
"Sa atin na siya titira."
"Nang, anong ipapakain natin sa kanya?! Itsura pa lang eh sobrang arte na. Baka hindi yan kumakain ng mga pagkain natin! Baka mamatay lang iyan sa gutom!" nanggagalaiting pagrarason ni Luisb sa nanay niya.
"Sa atin na siya titira." Parang walang narinig na sagot naman nito sa anak.
"Nang, baka Señorita 'yan. Walang alam sa buhay ng magbubukid. Baka nga himatayin pa 'yan kapag nakakita ng palaka!"
"Sa atin na siya titira."
"Nang, baka magkasakit pa iyan sa atin. Baka hindi 'yan sanay sa init ng bukid. Sa amoy ng mga hayop. Hindi siya pwede sa atin!"
"Sa atin na siya titira!"
Nagpapalipat-lipat ang mga mata ko sa mag-inang nag-aangilan. Kanina pa sila nagsisigawan gamit ang language na hindi ko maintindihan.
"Hayaan mo na 'yang mag-inang 'yan. Ganyan lang talaga sila maglambingan," Auntie Beka told me. She's the oldest among the three old women and I got to know they're siblings.
"Bakit sigaw-sigaw po sila?" Is she kidding me? The way I'm looking at their fierce faces, anytime magkakagatan na sila.
"Ganyan talaga ang boses naming mga taga-probinsya. Malakas. Matindi. Ganyan kasi naming magmahal. Malakas, matindi. Kaya kapag nasaktan kami, malakas at matindi rin," she patiently explained.
"Isly..." Nanay Mila, Luis's mom, called me. She's wearing a poker face.
"Sa amin ka na titira!" she said outloud with a very happy face.
"Yes!" Her sisters screamed. They were very happy too. I can't help but to smile at their childish happiness.
Pero naalis ang ngiti sa mga labi ko nang mapatingin ako kay Luis. He was also looking me but unlike the three women, he was not smiling. Instead, nakasimangot siya. At may pagbabanta sa kanyang mga mata nang ititig niya ang mga iyon sa akin.
....