Malakas ang naging pagbagsak ko sahig at ramdam ko ang panunuot ng sakit sa balakang ko habang naglalakad ako papunta sa kuwarto ko. Doon natutulog si Gelaine at ang anak ko. Gusto kong kumustahin ang anak ko bago ako bumaba para matulog sa isang kuwarto sa baba ng bahay. Bodega yun na pinalinis ko kanina para magsilbing tulugan ko pansamantala habang naririto sa bahay ang mag-ina. Kung pwede lang sana ay tatabi na lang ako kay Isly pero ayoko namang mas lumala pa ang topak ni Gelaine lalo pa at talagang pinag-iinitan nya si Isly. Obvious naman na dala iyon ng selos. Marahil ay alam nya kung gaano kabuti ang trato ng pamilya ko sa tinatawag nyang ampon. Nagseselos sya dahil imbes na sila ni Lui ang pagtuunan ng pansin namin ay nahahati iyon sa kanila ni Isly. Hindi nakaligtas sa akin ang