I sighed as I watch Luis bottoms up a bottle of beer. Hindi nya yun tinigilan hanggang sa hindi nauubos ang laman ng bottle. "Nagpait. (Ampait)" Ngiwi nya pagkatapos nyang punasan ang bibig nya. Napailing ako at saka ko inabot ang shot glass na may lamang gin. Ginebra San Miguel ang pangalan ng bote nito. "What?" Tanong ko kay Luis pagkatapos kong lunukin yung alak. "Di ka ba napapaitan sa ininom mo?" He curiously asked. "Pait. Alak eh." Napatango sya sagot ko. "Oo nga naman." Sya naman ang napailing. "Ayaw mo ba talaga ng beer? Malalasing ka agad nyan." Alok nya sa akin ng isang bukas na brown na bottle na may pangalan na Red Horse. "Nope. Tastes like ihi." Iling ko. "At mas gusto mo yung napakapait na gin na yan? Tsk. Kakaiba ka talaga." "Ayaw mo balik dun? Sayaw?" I asked him.