"Andito na tayo!" Masaya kong announce sa lahat. Tinignan ko ang mga kasama ko sa loob ng van. Excited silang lahat maliban kay Isly na tila ninenerbiyos. Napangisi ako. Siguro ninenerbiyos pa rin sya sa kaalamang magtatabi kaming matulog mamaya. Pwes, ako rin naman ninenerbiyos pero naeexcite din naman dahil nga unang pagkakataon na magtatabi kaming matutulog. Kung matutulog ha. Hehehe. Langya, umiiral na naman ang kalandian ko. Nang mapasulyap nga sya sa akin ay kinindatan ko sya. Sinimangutan naman nya ako at saka sya nag-iwas ng tingin pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pamumula ng mga pisngi nya. Cute. "Baba na tayo." Utos ko sa lahat. At syempre pa inunahan ko silang lahat. Binuksan ko ang pinto ng van para sa kanila. Naunang bumaba ang mga matatanda kasama si Jang-jang. Nan