Nakatingin si Eufritz sa labas ng bintana. Galing siyang school at kasama ang driver na ngayon ay nagda-drive at tinatahak na nila ang daan pauwi. Hindi kasabay ni Eufritz si Nicollo sa pag-uwi. Ewan nga niya kung nakauwi ito na ito o nandoon pa rin ito sa eskwelahan. Magmula nang umamin siya sa tunay niyang nararamdaman para dito, hindi na niya ito masyadong kinakausap o pinapansin. Kapag kailangan lang, dun niya ito kinikibo. Hindi muna feel ni Eufritz na kausapin si Nicollo. Nakakaramdam siya ng hiya kapag nakikita niya ang asawa. Hindi rin naman masyadong nag-eeffort si Nicollo para lapitan siya o kausapin man lang. Parang wala lang dito ang malaman na mahal niya ito. Paano siya maniniwala na mahal siya nito kung ipinaparamdam naman nito ang kabaligtaran? Malalim na napabuntong-hin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books