“Hay! Grabe!” mataas ang boses na wika ni Jaime. “Hindi ko akalain na napakahirap naman ng prelim exam natin,” reklamo pa niya sa mga kaibigan. Naginat-inat pa ito ng katawan dahil kahit nakaupo lamang siya habang nage-exam, nakakaramdam pa rin siya ng matinding pagod at kita iyon sa kanyang mukha niya. Pagod na pagod din ang utak niya sa pagsagot ng pagsusulit. “Kaya nga! Bakit ba kasi ganu’n magbigay ng test ang Helix U? Lahat ng topic sa bawat subject natin, pinagsama-sama sa isang test kaya ang mga tanong, halo-halo din. Nakakapiga ng brain cells!” reklamo naman na sabi ni Andi na marahas pang nagbuga nang hininga. Ganun magbigay ng test ang Helix University, pinagsasama-sama nila sa iisang test ang lahat ng tanong na galing sa iba’t-ibang topic sa bawat subject nila. Halo-halo pa a