EPISODE 21 (4)

2011 Words

“I think, I’m fallin’” Naalimpungatan mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog si Eufritz. Napilitan siyang idilat ang kanyang mga mata. Madilim na ang buong paligid ng kwarto at tanging ilaw lamang na nanggagaling sa mga lampshades ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa paligid ng kwarto. Dahan-dahang bumangon at umupo si Eufritz sa kama. Kinusot-kusot na muna nito ang kanyang mga mata para maging mas malinaw na ang kanyang paningin saka inilibot ang paningin sa buong hotel suite. Nangunot ang noo at nagkasalubong ang kilay ni Eufritz nang makitang wala siyang kasama sa kwarto. Wala si Nicollo sa loob hotel suite. “Nasaan naman kaya ‘yun? Iwanan daw ba ako mag-isa dito? Gabi pa naman,” dismayadong wika Eufritz. Habang ang mga mata nito’y nakatingin sa orasan na nakasabit sa may dingdin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD