Bumalik si Maia sa kan’yang cubicle na magulo ang isip. Ni hindi nga siya makapag-concentrate dahil sa nakita, buti na lamang ay wala pa silang masyadong ginagawa. Toto oba talaga iyong nakita niya? Nakikipagtalik ang Tito Isidore niya sa isang empleyado rito. Baka naman nobya niya ito at normal lang iyon sa dalawa, pero sa lahat ng lugar dito pa talaga? Napahawak siya sa buhok nang pumasok na naman ang imaheng iyon sa isipan niya. Sarap na sarap ang babae sa ginagawa nito, ang lakas din ng paglabas-masok ng tito niya sa bukana nito. Napalunok siya at nagsimulang uminit ang pisngi niya.
“Okay ka lang ba, Maia?” tanong ni Dylene sa kan’ya.
“A-ah? Oo okay lang naman ako.” Doon lang napansin ng dalaga na may namumuo nang pawis sa noo niya.
Tila hindi naman kombinsido si Dylene.
“Gusto mo bang samahan kita sa clinic?” presenta naman ni Mark na kasama rin nila sa pag-intern dito.
Umiling si Maia. “Hindi na. Okay lang talaga ako. Medyo kinakabahan kasi ako para bukas,” rason niya at ngumiti sa mga ito.
“Magiging okay lang ang lahat,” sagot naman ni Mark. “Tayo pa? Kaya natin ‘to. Gusto niyo bang sumabay na sa’kin pauwi? Dylene, Maia?” Parehong humindi ang dalawang dalaga dahil may magsusundo sa mga ito. May sarili kasing sasakyan si Mark habang ang dalawa ay sinusundo ng drivers nito. Napakamot si Mark sa batok at tumingin kay Maia. Sayang.
Sabay-sabay na lumabas ang tatlo at pumasok sa elevator. Natigil ang pag-uusap nila nang tumambad sa loob si Isidore. Napayuko si Maia nang tingnan siya nito. Sana hindi nito nalaman na nakita niya ang ginawa nito kanina.
“Hindi pa ba kayo sasabay?” tanong ni Isidore sa mga ito, pero ang tingin niya ay nakapokus lamang sa dalaga na nakayuko at ‘di makatingin sa kan’ya. Nahihiya ba ito?
“Good afternoon, Mr. Escalante. Pasensya na po kung sasabay kami,” nahihiyang aniya ni Dylene at kinuha ang kamay ni Maia papasok ng loob. Dahil may mga sumabay sa kanila sa loob ay natulak si Maia palikod at nagkahiwalay sila ni Dylene na malapit sa unahan habang siya ay nakasiksik na sa likod. Tila ba naging estatwa siya nang dumikit ang likod niya sa isang katawan. Amoy pa lamang ay alam niya na kung sino ito. Naramdaman niya ang kamay nitong humawak sa bewang niya kaya nahigit niya ang hininga.
“Are you okay?” malumanay na tanong ni Isidore sa dalaga. Nag-aalala rin siya nang makita ang namumula nitong mukha sa video. Baka may nararamdaman pala ito at hindi niya alam.
Gusto man umiwas ni Maia ay hindi siya makagalaw dahil sa dami ng tao sa loob ng elevator. “Okay lang po ako, Tito,” mahinang sagot niya. Bakit ba hindi nito inaalis ang kamay sa bewang niya? Paano na lang kung makita sila? “Uhm, ‘yong kamay niyo po.”
Tiningnan lang siya ni Isidore ng blanko bago nito inalis ang kamay sa bewang niya. Napahinga ng maluwag si Maia dahil doon. Pero hindi pa siya nakaka-adjust ay may pumasok na naman na dalawang tao kaya mas lalong dumikit ang kan’yang likod kay Isidore. Napakagat siya sa labi nang maramdaman ang bagay na tumutusok sa likod niya. Gumalaw siya para makaiwas doon nang marinig niya ang pagmura ni Isidore.
Hinawakan muli ng lalaki si Maia sa bewang gamit isang kamay nito at mas dinikit ang katawan sa katawan niya. Napipitlag ang dalaga na tumingin sa kan’ya. “Tito?”
“Huwag kang gumalaw, Maia. Just stay there until they went out,” malamig na utos nito sa kan’ya. Hindi na siya umangal pa at baka may makapansin sa kanila. Nag-igting ang bagang ni Isidore sa pagpipigil dahil sa kagagalaw ni Maia. Napatingin siya sa ulo ng dalaga na amoy na amoy niya ang mabangong buhok nito. Napahigpit ang kan’yang hawak sa bewang nito na maliit. Napakunot tuloy siya dahil parang hindi kumakain ang dalaga sa liit ng bewang nito.
Ilang sandali ding nanatili sa p’westong iyon si Maia at nakahinga lamang siya ng maluwag nang bumukas na ang elevator sa ground floor. Kumawala siya sa hawak ng Tito Isidore niya at agad na kinaladkad sa labas si Dylene.
“Ba’t nagmamadali ka? Nand’yan na ba ang sundo mo?” tanong ni Dylene na natatawa pa. She waved goodbye at Mark who went on the other side of the door.
“Baka nandito na,” wika ni Maia at tumingin sa labas. Napahinga siya ng maluwag nang makita ang sasakyan sa labas at nag-aantay sa kan’ya.
Tumingin siya kay Dylene at ngumiti. “Sige na at nandito na ang sundo ko. Kita na lang tayo ulit bukas.” Mula sa likuran nito ay nakita niya ang Tito Isidore na papalapit sa kan’ya. Nagsimula tuloy na kumabog ang puso niya at dali-daling pumasok sa loob na kinabigla ng ama niya na si William.
“Ba’t namamawis ka?” nagtatakang tanong nito.
Kinuha ni Maia ang kan’yang panyo mula sa bag. “Siksikan po kasi sa elevator kanina, Papa. Kanina pa ba kayo?” Sinenyasan ni William ang driver na palakasin ang aircon sa loob ng kotse. Maya maya ay kumatok si Isidore sa bintana ng kotse. Bumaba naman si William para kausapin ito habang si Maia naman ay nagbisi-busy-han sa loob. Teka. Kung ganito ang aksyon niya tila mahahalata naman ng tito niya na may mali sa kan’ya. Huminga siya ng malalim bago ni-relax ang sarili. Binaba niya ang bintana ng kotse at kumaway sa Tito Isidore niya na tumitig sa kan’ya ng ilang segundo.
“Sige at mauna na kami, Isidore. Salamat sa pagtingin sa anaka ko. Kung may mali s’yang ginawa ay sabihin mo sa akin para mapagsabihan ko siya.”
“I doubt it. She will be a good intern in this company. Matalino ang anak mo, William.” Of course, he will take good care of her time to time.
Tumawa si William dahil sa galak. “I know. Sige na at baka may gagawin ka pa. Bumisita ka rin sa bahay minsan-minsan. Kulang ang oras natin noong nakaraan. At wala ka pang sinasabi sa akin kung may natitipuhan ka na o may nobya.”
Ngumisi lamang si Isidore at kinawayan ito. Wala pa s’yang nobya pero natitipuhan? Muli s’yang tumingin sa kotse kung saan papalayo na sa puwesto niya. Napailing siya nang sumagi sa isipan niya ang mukha ni Maia.
Hindi p’wede. Magagalit sa kan’ya si William at masyadong bata pa si Maia.
‘She’s nineteen.’
Right. Nineteen and already a fine woman.
Mukhang mababaliw siya sa pagdating nito sa kompanya niya. Palagay niya ay mahuhulog siya sa isang patibong na hindi siya makakaahon dahil siya mismo ang naglagay sa sarili niya doon.