Simula
The smell of freshly made food filled the room as a father and his daughter ate dinner quietly. The soft ambience was created by the flickering candlelight dancing on their faces and the clinking of cutlery echoing their unspoken bond. With every bite, they exchanged smiles, creating a cherished moment etched in the heart of their familial connection.
“Ano na ang plano mo pagkatapos ng semester na ‘to? Gusto mo bang lumipad sa ibang bansa para magbakasyon o sasama ka sa mga kaibigan mo para mag out of town?” tanong ni William sa anak nang matapos silang kumain. Ang dating kilik niya lang na sanggol ay ngayon isa nang ganap na dalaga. Nakuha nito ang amo ng mukha ng kan’yang asawa habang ang mata at ilong naman nito ay sa kan’ya.
“Plano ko po sana Papa na pumasok sa internship ng isang kompanya para magkaroon ako ng karanasan bago ako maghanap ng trabaho,” sagot naman ni Maia.
Napangiti si William. “Gano’n ba? Gusto mo bang sa kompanya na lang natin ikaw pumasok?”
Umiling ang dalaga. “Ayoko po, Papa. Baka kasi kapag naroon ako ay hindi niyo ako bigyan ng trabaho na dapat ay responsibilidad ko,” biro nito.
Napatawa si William dahil sa naturan ng anak. “Kung gano’n hahayaan kita sa gusto mo—”
“Sir? May bisita po kayo. Mr. Escalante raw po.” Dumating ang maid sa hapagkainan. Sabay na napatingin ang mag-ama rito at sabay ring napukol ang mata nito sa lalaking nasa likod ng katulong.
Pagkabigla ang bumakas sa mukha ni William nang makita niya ang kaibigan na halos sampung taon nang hindi nagpakita sa kanila.
“Isidore!” Gumuhit sa mukha ni William ang malaking ngiti at niyakap ito. “Kumusta ka na? Wala akong naging balita tungkol sa’yo pagkatapos na mawala ang tatay mo. Halika at maupo. Yaya, paki-serve nga ng pagkain si Isidore.”
Tumanggi naman si Isidore sa alok nito. “Hindi na. Busog pa rin naman ako. Naparito lang ako para kumustahin ka.” Bigla s’yang napatingin sa dalaga na nasa harap niya na nakatingin lang din sa kan’ya. Nang mapansin nito ang titig niya ay umiwas ito.
“Siya nga pala... ito ang anak kong si Maia. Natatandaan mo pa ba siya? She was still a child noong last na magkakasama tayo. Maia, siya naman ang Tito Isidore mo, ang matalik kong kaibigan.”
Dahil sa pagpapakilala ng ama ay umangat ang mukha ni Maia at binati ito ng may ngiti. Doon nito napagtanto ang hitsura ng kaibigan ng ama. Even in his age, he had a captivating charm, his features confident and well-defined. He had a modest appeal, with a strong jawline and expressive eyes that carried charm and profundity. The well-tailored outfit that emphasized his athletic form was complemented by his nicely tousled hair, which gave off an impression of casual sophistication.
“Ang ganda ng anak mo, William.” Simula pa lang nang pumasok si Isidore ay tila nagliliwanag ang dalaga sa gilid ng kan’yang mata. Her soft features appeared to dance with light as it was reflected off her flowing waves of hair. Eyes, luminous and expressive, held a depth that hinted at untold stories. Graceful and poised— with a stunning presence that captivated all who beheld her.
Proud na proud naman si William sa papuri nito habang si Maia naman ay nahihiya dahil iba ang dating sa kan’ya nang purihin siya nito.
“Of course! Kanino pa ba magmamana iyan? Anyway, ano’ng plano mo? Dito ka na ba mamamalagi o temporary lang ang pagbalik mo sa Pinas?”
Sumingit si Maia sa usapan nito. “Excuse me, Papa. Iwan ko muna po kayo.”
“Fine fine fine.” Sinundan naman ni Isidore ang galaw nito bago binalik ang tingin sa kaibigan.
“No. I plan to settle here. Kumusta ka na? Hindi ka naman ba nahirapan sa pagpapalaki kay Maia? She must be well educated lalo na’t istrikto ka sa pagpapaaral ng anak mo.” Umangat ang sulok ng labi ni Isidore habang ini-imagine si William bilang ama sa dalaga.
Minasahe ni William ang kan’yang noo na tila may inaalala. “Mahirap kapag lapitin ng lalaki ang anak mo, Isidore.”
Napaangat naman ng kilay ang naturan.
“Alam mo ba kung ilang lalaki ang pumunta rito sa bahay para umakyat ng ligaw? Of course, hindi ko pinayagan. Masyado pang bata ang anak ko at alam ko kung ano’ng habol ng mga ‘yon. Kailangan n’yang mag-focus sa pag-aaral. Ayaw kong may makakasagabal doon. These generation of teens have different mindset! What if nilalaro lang nila ang anak ko?”
“Oh. So hindi pa siya nagkaka-nobyo?”
“Hindi.”
“Kailan mo siya papayagan? Don’t tell me, you plan to cage your daughter?”
Napahinga ng malalim si William. “Papayagan ko naman siya, pero hindi ngayon. Kailangan kong kilatisin ang magtatakangka sa kan’ya.”
Isidore nodded in agreement. “You are right. She’s still young. I’m sure someone will pursue her with pure intentions.” Maia was stunning kaya hindi nakakabigla kung marami ang nagkakandarapa dito. Tama lang ang ginawa ng kaibigan niya na iiwas ito sa mga lalaki na iba ang habol.
“Anyway, can you do me favor?”
Isidore tapped the table with his finger. “Sure. Ano ba ‘yon?”
“Gusto kasing mag-intern ni Maia, ayaw niya naman pumasok sa kompanya namin kaya naisip ko na bakit hindi na lang sa’yo? At least kung sa’yo ay hindi ako mag-aalala dahil parang anak na rin ang turing mo sa kan’ya.”
The tapping sound stopped. “I’ll see about that.”
—
Bumaba si Sera para kumuha ng malamig na tubig. Kakatapos pa lang nito na makipag-usap sa mga kaibigan na aalis bukas para magbakasyon. Siguro naman ay wala na ang bisita ng papa niya. Tanda niya pa noon na palagi siya nitong binubuhat noong bata pa, noon niya lang din nalaman na umalis ito. Ngayon parang walang nagbago sa itsura nito at aaminin niya, malakas talaga ang charisma ng lalaki kahit na may edad na ito.
Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitsel para magsalin sa baso.
“Gusto mo bang maging intern sa kompanya ko, Maia?” Napatalon ang puso niya sa gulat nang tumabi sa kan’ya ng ilang inches si Isidore.
“A-ah, okay lang po ba? Ayoko kasi sa kompanya ni Papa dahil baka may masabi ang iba,” katwiran niya at ngumiti ng hilaw. Hindi man lang niya naramdaman ang presensya nito.
The man looked at him with eyes as dark as those sky at night. “Of course, pero kailangan mong magpasa ng application kung makakapasok ka. I can help you with that—”
“Hindi na po, Tito. Magpapasa po ako para fair din sa iba.”
Natigilan si Isidore nang tawagin siya nitong tito. Does he really look old? He pursed his lips and stepped back a little.
“Fine then. Good luck with that.” Kahit naman hindi makapasa ang dalaga ay ipapasok niya pa rin ito. He strode towards the living room where William was waiting for him.
Maia looked at him strangely. What just happened? Bakit sa tingin niya ay nag-iba ang pakikitungo nito? Napailing siya. Baka nga gano’n lang ito.