NAGTATAGIS ANG mga bagang ni Demone habang nakatanaw sa binatang ngiting ngiti habang may kausap na babae sa labas ng law firm nito. Ang balak niyang pasurpresang pagdalaw dito ay hindi natuloy dahil saktong nabungaran niya ang iksenang ito ngayon. Nagngingitngit siya sa inis dahil sa selos na lumulukob sa kanya. Hindi siya sanay sa ganoong pakiramdam kaya mas pinili niyang manatili na lamang sa loob ng kanyang sasakyan dahil baka makagawa siya ng bagay na pagsisisihan niya sa bandang huli. Mas lalong humigpit ang pagkakakapit niya sa monobela ng sasakyan dahil sa paghalik ng babae sa pisngi ng kanyang nobyo. Kumaway pa ito na tinanguan ng binata bago sumakay sa sariling sasakyan. Sandaling nanatili sa pagtayo ang abogado hanggang sa makaalis ang babae. Nang masiguro niyang nakapasok na