'MOMMY!' Halos mabingi ang batang babae dahil sa napakalakas na sigaw na sumabay sa malalakas na putukan ng baril papunta sa gawi ng kanilang sasakyan. Ang pagkatulala ng bata sa nakitang pagbaon ng bala sa katawan ng ina ay biglang nadagdagan ng labis na takot dahil sa pagsigaw ng kanyang kapatid. 'DETHINIA!' Sigaw ng kanyang isipan ngunit hindi nakisama ang kanyang tinig. Walang lumabas na boses sa kanyang bibig kahit na gustong gusto niyang pigilan ang kapatid dahil baka ito naman ang mapahamak. Mas lalong nanginig ang kanyang katawan habang patuloy sa tahimik na pagtangis, kahit nais niyang humagulhol ay walang ingay na lumalabas sa kanyang bibig. Sobra sobra ang mga pangyayaring kanyang nasasaksihan para sa bata niyang edad. Hindi makatarungan ang karahasan na nangyayari sa kan