MAHIGIT isang oras din silang nagtagal sa pag-iikot bago tuluyang lumapag ang helicopter sa isang patag at bakanteng lote sa loob ng hacienda. Sinalubong sila ng napakaraming tauhan sa bukid at ilang tauhan ng kaniyang abuelo at abuela. Kalahating Filipino at kalahating Spanish ang pinagmulang lahi ni Liam, kaya naman kinalakihan na nila ang pagtawag na ‘abuelo’ at ‘abuela’ sa kanilang lolo at lola.
“Buenos dias, Seniorito Liam,” bati ng mayordomo nang lumapit sa kaniya. Natatandaan niya pa rin ang ilang tao roon datapwat mahabang taon na ang lumipas. Tumango lamang siya at tumingin sa paligid, masaya siyang sinalubong ng mga tauhan sa hacienda at binati ng ‘maligayang pagdating’. Natuwa si Liam sa naging salubong ng mga ito, ngunit hindi niya nais magpakita ng kung ano sa mga ito, kaya naman tumango lamang siya at ngumiti.
“This is my friend Dylan, he’ll be our current guest for today.” Ipinakilala niya si Dylan sa mga taong naroon. Binati naman ng mga tauhan ang kaniyang kaibigan, matapos ay inaya na sila ng mayordomong sumakay sa isang sedan type na Mercedes Benz, upang magtungo sa mansion. Nasa kasalukuyang byahe sila at pagkukwentuhan ni Dylan nang malakas na ipreno ng driver ang sasakyan, kung hindi lamang sila nakasuot ng seat belt ay tumalsik na sila. “What the!”
“P-pasensiya na, Sir Liam, may babae kasing humarang sa kalsada,” hinding paumanhin ng driver. Kaagad naman bumaba si Rafael, na siyang mayordomo ng hacienda upang tignan ang nangyari sa labas.
“Anong ginagawa mo, Hija?” tanong ni Rafael, nasa apatnaput siyam na ang edad nito, tumingin siya sa isang babaeng nasa harapan ng kanilang sasakyan. Binuhat nito ang isang alagang biik na nakatakas sa koral.
“Pasensiya na, Ginoong Rafael, ” wika ng babae habang buhat-buhat ang biik, tumabi ito sa gilid at bumuntong hininga. Laking pasasalamat nito nang huminto kaagad ang sasakyan, dahil kung hindi ay siguradong dinala na ito ngayon sa hospital. Ngumiti naman ang matanda at tumango, kilala ito sa buong bayan nila bilang mayordomo ng mga Villarama. Hindi sinasadyang nabitawan ng dalaga ang biik nang pumalag ito. Maagap naman na hinuli ito ni Rafael at isinauli sa babae.
“What’s happening?” Lumabas si Liam sa sasakyan nang tumagal ang mayordomo sa labas. Tumingin siya sa babaeng mayroong putik-putik sa katawan at may hawak na biik. Madungis din ang mukha nito at magulo ang buhok. Tumingin siya sa bumper ng kanilang sinasakyan, kumunot ang kaniyang noon ang makitang natalsikan din ito ng putik. “What have you done!? Do you know how much it cost?”
Naningkit naman ang mga mata ng dalaga, kaagad nitong naunawaan ang kaniyang nais sabihin. “Hindi ko alam pero p’wede namang linisan ‘yan, hindi ba? Putik lang naman ‘yan!” nagtaas din ng boses ang babae at nag-irap ng mata.
“What the!” Seryosong tumingin si Liam sa babae at hindi makapaniwala sa isinagot nito. “Where do you live? Your parents? I need to teach you some lesson.” He smirked.
“Sir Liam, bumalik na po kayo sa sasakyan. Ipalilinis ko na lang ang dumi mamaya,” kaagad na inawat ni Rafael ang amo. Nakarating sa kaniya ang tungkol sa ugali nito, ipinaalam ng ama ni Liam kung gaano ito kaistrikto, masasakit ang salita at bahagyang may kasamaan ng ugali kaya naman inawat na ito ni Rafael, dahil nag-aalala siya para sa babaeng anak ng isang mabuting trabahador ng bukid.
“Liam, let’s go back.” Lumabas na rin si Dylan ng sasakyan nang mainip sa loob. “Get in, Liam, don’t waste your time.” Hinawakan niya ang palad nito at pinilit ayain sa loob ng sasakyan ngunit nagmatigas si Liam.
“No, she should know her place.”
“Liam, get in, or I’ll tell you dad about it.” Tumingin sa kaniya si Dylan at ngumisi.
Nagkibit balikat si Liam. “Fine,” wika nito at bumalik sa sasakyan, sumunod naman si Dylan maging ang mayordomo na si Rafael.
“You’re crazy, Liam.” Napailing na lamang si Dylan at umiling. “When will you learn to respect woman?”
“Hindi niya alam kung saan siya lulugar, that’s why.”