PINAGMASDAN lamang ni Liam ang babae. Hindi maipinta ang mukha nito dahil sa pagkalukot habang napakasama ng tingin sa kaniya. Habang pinagmamasdan ito ay roon niya lamang napansin ang maganda nitong mga mukha. Nang una silang magkita ay napakadungis ng nito at tila hindi man lamang nagsuklay ngunit ngayon ay tila bagong ligo at preskong-presko sa suot na damit. “You look good today, Señiorita,” mapang-asar niyang sambit dito. Itinaas ang suot na sun glass at mas pinakatitigan ang babae. Hindi niya magawang iwaglit ang mga mata sa maganda nitong mukha. She was so simple but definitely incredible! Hindi niya maaring itanggi na maganda si Piper. Pilyo siya at mahilig sa babae, ngunit bihira siyang pumuri. Ngayon lamang muli at sa babaeng ito pa.
“Piper, ano na? Gusto mo bang isumbong kita sa mga magulang mo? Hindi ka marunong gumalang sa ating amo. Anak ng Don si Señiorito Liam. Kanilang lupa itong kinatatayuan natin hanggang sa kinatatayuan ng mga bahay natin,” pinagsabihan ng katabing ginang ang dalaga, “Ano ka ba namang bata ka. Pasaway ka talaga.”
Tumango si Piper. “Oo na po, Aling Karmen. Huwag n’yo nang abalahin ang inay.” Tumingin ito sa kaniya at malalim na bumuntong hininga. “Magandang araw po, Señiorito Liam,” labas sa ilong na bati ni Piper at mabilis na nag-iwas ng tingin. Ibinalik nito ang pansin sa mga panindang gulay at muli iyong inayos kahit na nakaayos naman na ito. Ginawa lamang iyon ni Piper upang maibaling ang pansin sa iba.
Mahina siyang natawa. “So, anong ginagawa mo rito?”
Muli itong tumingin sa kaniya nang naniningkit ang mga mata. “At ano naman po iyon sa ‘yo? Bakit kailangan mong tanungin?”
Prangka ang babae at talagang matapang, ngunit hindi siya magpapatalo rito. Pinag-ekis niya ang mga brask sa dibdib. “Ako ang unang nagtanong. Bakit hindi mo muna sagutin ang itinanong ko at ako naman ang sasagot sa tanong mo pagkatapos? What do you think?” Pilyo siyang ngumiti. Hindi niya alam kung bakit tila napakasaya niya ngayong araw na ito, siguro ay dahil masiyado na siyang boring at talagang naghahanap ng mapaglilibangan at ito si Piper, nais niyang asarin upang makabawi ngunit nasa harap sila ng isang magalang at mabuting ginang.
Pasimpleng sinagi ng ginang ang braso ni Piper.
Malalim na napabuntong hininga ang dalaga. “Nagbabantay po ako ng tindahan ni Aling Karmen upang kumita kahit na ng maliit na halaga. Para sa pang-araw-araw na maintenance ng inay at itay.”
There was something touched his heart. “Oh, I see.” Ngunit batid niyang halos lahat naman ng mga tauhan sa farm ay ganoon kahirap kaya hindi na bago sa kaniya ang bagay na iyon. “I asked because I am curious.” Ibinalik niya ang sun glass sa mga mata. “I answered you now. But you owe me one thing that’s why I am here.”
Sumimangot si Piper. “Ano naman po, Señiorito?”
“Say sorry to me.” He smirked.