HINDI nagtagal sa hacienda si Dylan. Makalipas ang isang linggo ay byumahe na ito pabalik sa Maynila para sa mga trabahong naiwan nito sa nagdaang araw. Samantala, naging abala si Liam sa pag-aaral ng pamamahala sa kabuoan ng Hacienda Villarama sa tulong ng mayordomong si Rafael at ng kanang kamay ng kaniyang ama na si Simon. They are teaching him the proper actions, behavior he should possess in order to manage the whole farm. Dahil hindi iyon biro. Talagang napakalaki ng Hacienda Villarama at hindi siya maaring magloko sa pamamahala rito. Malaki ang iniatas na gawain sa kaniya ng ama, kahit na batid naman nitong wala siyang kaalam-alam tungkol doon. He’s just a brat who loved to use women.
Isang linggo rin makaraan nang magsimula ang paghahanda sa darating na piyesta at kailangan niyang paglaanan iyon ng oras.
“Boring,” bulalas niya at ibinato sa lamesa ang mga papel na isa-isa niyang pinipirmahan. Para ito sa mga produktong inilalabas ng farm. Araw-araw niya itong ginagawa at naiinip na siya. Hindi naman ito ang buhay na nakasanayan niya ngunit wala siyang magagawa, utos ito ng kaniyang ama na hindi maaring hindi sundin, kung hindi ay itatapon na lamang siya nito sa kalsada. “This ain’t fun anymore.”
Tumingin siya sa pintuan ng library ng mayroong kumatok dito. “Get in.”
Pumasok si Rafael. “Magandang umaga, Senyorito.” Iniabot nito sa kaniya ang hawak na mga papel.
“What’s that?” Kunot noo niya iyong tinignan.
“Mga dokumento po galing sa binibiling lupain ng inyong ama sa pangalan ng mga Luis.”
Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. “Wala akong alam tungkol diyan.”
“Kaya ho nais ni Don Alejandro na aralin ninyo.”
“Dammit!” mariin siyang napamura. Hindi pa nga siya tapos sa isa ay mayroon nanaman. “Ilapag mo na lang diyan.”
Nakita ni Rafael kung paano bumusangot ang kaniyang mukha. “Bukas na bukas ho, ay kailangan ninyong umikot muli sa farm ngunit sa pagkakataong iyon ay tuturuan kayo ng mga tauhan sa ilang gawain.”
“What?!” Napatayo siya.
“Kasama ho iyon sa inyong dapat matutunan upang maunawaan ninyong lubos ang buhay sa isang bukid. Isang halimbawa ay ang pagatatanim.”
“Seriously?! Sinasabi mo bang magtatanim ako bukas?!”
Tumango si Rafael. “Maggatas ng baka at kung ano-ano pa.”
Mas lalong sumimangot ang kaniyang mukha. Hindi makapaniwala.
Iritable siyang tumayo at iniwan ang mayordomo sa loob ng silid. Lumabas siya ng hacienda sakay ang isang kulay dilaw na UTV. Nang bumalik si Dylan sa Maynila ay mas lalo siyang nainip sa gawain dahil halos wala na siyang matinong taong makausap upang kahit papaano ay malibang. Ang tanging libangan niyang nagagawa ngayon ay ang mag-ikot sa buong farm, subalit hanggang kailan niya gagawing libangan ang ganoong bagay? Habang tumatagal ay mas lalo siyang naiinip.