CHAPTER 6

1542 Words
CHAPTER 6: Lay Up Blame JOYCE/DESTINY'S P.O.V Makalipas ang tatlong araw na pamamalagi ko sa hospital ay pinayagan na rin ako ng Doctor na makalabas kaya naman agad akong sinundo ni Sace pauwi sa mansyon at habang bumabyahe kami ay naisip ko na magtanong sa kanya tungkol sa nangyari sa kanila ni Fate dahil matapos ang dinner date nila ay wala siyang sinabi sa akin kung anong nangyari sa kanila. Huminga muna ako nang malalim bago humarap sa kanya. "Sace, are you alright?" Nakita ko naman na napabaling siya sa akin na katabi niya sa driver's seat habang nagmamaneho papunta sa mansyon. "Yeah, I'm okay. Why did you ask?" "Uhm... I want to know if something happened on your dinner date with Fate three days ago," mahinang sabi ko sa kanya at nagulat naman ako nang marahan siyang tumawa. "Are you worried because I didn't talk to you about that?" matapos ay seryosong tanong niya sa akin kaya naman marahan akong tumango. "Don't worry, Des. I'll never waste the chance you gave me to get closer with Fate," Nang marinig ko ang sinabi niyang 'yon ay natutop ko ang bibig ko dahil hindi ko ine-expect na talagang gusto niyang mapalapit pa lalo kay Fate kahit alam ko na baka ni-reject na siya ni Fate. "I know that you're not okay, Sace. So don't lie to me because I'm always here by your side," seryosong sabi ko sa kanya at nagulat ako nang ihinto niya ang sasakyan sa tabi at saka ako niyakap kaya naman napangiti ako nang marahan saka siya niyakap pabalik at amoy na amoy ko ang pabango niya na hindi masakit sa ilong. "Thank you for helping me Des," seryosong sabi ni Sace kaya naman 'di mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niyang 'yon at gusto ko na huminto na lang ang oras para makasama ko pa siya nang matagal kaya naman ng bumitiw na si Sace sa pagkakayakap sa akin ay agad siyang bumalik sa pagmamaneho at tahimik na lang ulit kaming pareho sa buong byahe hanggang sa makarating na kami sa tapat ng mansyon at nang makababa ako ay agad naman akong hinabol ni Sace at saka ako hinawakan sa braso ko dahilan para matigil ako. Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko nang maramdaman ko ang kamay niya na hinawi ang buhok ko at saka ako hinalikan sa pisngi bago niya pinat ang ulo ko. "Take care," malambing na sabi niya kaya naman naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa ginawa niyang 'yon. "Hmm," tanging naisagot ko lang sa kanya bago ako kumaway sa kanya at saka ako pumasok sa mansyon. Nang makapasok na ako sa mansyon ay sinalubong ako ng mga katulong at nakita ko ang mga pag-bow nila bilang pagbati sa akin at nakita kong sinalubong ako ni Lina. "Ma'am Destiny, ayos lang po ba kayo? Nabalitaan ko po na naospital daw po kayo," bakas sa boses ni Lina ang pag-aalala kaya naman tinapik ko ang balikat niya. Medyo masakit pa rin ang injury ko pero ayos na para makapaglakad ulit ako. "Don't worry I'm fine now," ngiting sagot ko kay Lina at nakita ko namang napahinga siya nang maluwag ng dahil sa sagot ko. "Mabuti naman po ma'am kung ganun," Matapos niyang sabihin 'yon ay dumiretso na kami sa loob at nagulat ako nang makita ko na may nakaupo sa sala na dalawang matanda. Ang matandang lalaki ay nagbabasa ng news paper habang may kausap naman sa telepono ang matandang babae. "Destiny," tumayo ang mga balahibo ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng matandang babae kaya naman nang humarap ako sa kanila ay na-realize ko na ito pala ang mga magulang ni Destiny kaya naman yumuko ako at akmang tatalikod na nang muli itong magsalita. "We know that you're in the hospital this past few days, and we're not glad to know that," seryosong sabi sa akin ng ina ni Destiny kaya naman napaharap ako sa kanila at saka bumaba at lumapit sa kanila. "I'm s-sorry mom," hindi ko alam ang isasagot kaya naman humingi na lang ako nang paumanhin pero nagulat ako nang maramdaman ko ang pagsampal ng ginang sa pisngi ko at naramdaman ko ang pag-init nang pisngi ko dahil sa hapdi ng sampal nito. "No matter what you do in your life you always put our family's name! Kailan ka ba matatauhan at magiging matino katulad nang ate mo?!" mataas na ang boses nito nang sabihin ito nang ginang sa akin kaya naman naikuyom ko ang palad ko at nakagat ko nang mariin ang labi ko at kasabay naman nun ang pagbaba ni Fate saka humalik sa pisngi nang mga magulang nila ni Destiny. "I don't know what I did wrong for you to slap me," seryosong sabi ko at nakita ko namang blangko lang ang ekspresyon ni Fate na nakatingin sa akin kaya naman narinig ko na hindi makapaniwalang natawa ang ginang sa harapan ko at tinapik nito ang ulo dahil para itong na-stress sa sinabi ko. Tumayo naman ang ama nila Destiny at saka lumapit sa harapan ko at saka ito huminga nang malalim bago nagsalita. "Your mom and I just don't want you to bring shame to our family," seryosong sabi ng ama ni Destiny sa akin naman nabigla ako sa sinabi nila. Hindi ko alam na ganto pala ang ginawa kong pagtrato ng mga magulang ni Destiny sa kanya. "I'm sorry kung puro kahihiyan lang ang binigay ko sa pamilya natin pero ni-minsan ba nag-alala kayo sa kalagayan ko? M-mom, Dad... naaksidente ako at nainjury ang binti ko nung nagshoot kami ng commercial para sa kumpanya ni Kaizo at siya ang humingi ng pabor sa akin at hindi ako kaya ano bang nagawa kong mali para ipahiya n'yo ako ng ganito?" hindi ako makatingin sa kanila ng sabihin ko 'yon kaya naman nakita kong napangisi si Fate kaya naman naikuyom ko ang palad ko. "Anong pinapalabas mo Destiny? Pinapalabas mo ba na hindi kami mabuting magulang sa'yo? May I remind you kung ano ang mga pinaggagawa mong kahihiyan sa pamilya natin? Nakalimutan mo na ba na ilang kasambahay na ang lumayas sa mansyon dahil sa mga kasamaan na pinaggagawa mo sa kanila? Bukod pa do'n nakalimutan mo na ba ang isa sa mga tauhan ng ate mo na nadisgrasya dahil sa kagagawan mo? I don't know why you did those evil things! Gusto lang naman namin magbago ka dahil kayong dalawa ng ate mo ang magdadala ng pangalan ng Resort natin at gusto lang naman namin na maipagmalaki ka katulad ng ate mo!" pangagaral niya at naalala ko ang sinabi niyang 'yon dahil iyon ang mga sinulat ko sa nobela at lahat ng mga kasamaan na ginawa ni Destiny ay ako ang may kagagawan kaya naman naging ganun kasama ang tingin kay Destiny dahil kasalanan ko. Kung alam ko lang na ganito pala magiging kasama ang tingin kay Destiny hindi ko na lang sana siya ginawang masama sa storya kung alam ko lang na mabubuhay pala ako sa katauhan ni Destiny. "Look Mom, Dad... 'wag n'yo akong ikumpara kay Fate dahil una sa lahat magkaibang tao kami pangalawa nagbabago na ako paunti-unti pero hindi n'yo 'yon nakikita dahil palagi kayong busy sa business n'yo kaya wag n'yo sana isisi sa akin lahat ng mga kahihiyan na nangyayari sa pamilya natin dahil ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para magbago," seryosong sabi ko at bago pa sila makapagsalita ay tumalikod na ako at naglakad palabas ng mansyon at naisip ko na lang na pumasok sa coffee shop ko. Pero bago pa ako makalabas nang tuluyan sa mansyon ay naramdaman ko na may humawak sa pulsuhan ko at nakita ko si Fate na hinawakan ang braso ko kaya naman napatigil ako at napaharap sa kanya. "What?" seryosong tanong ko at nakita ko namang blangko ang ekpresyon niya na nakatingin sa 'kin. "Stay away from Kaizo," seryosong sabi niya. Natawa ako ng pagak saka nakipagtuos nang tingin sa kanya. "Tell him that and not to me, lumalayo na ako sa kanya Fate at ipapaalala ko lang sa'yo na siya ang kusang lumapit sa 'kin para humingi ng tulong sa commercial nila at hindi ako 'yong lumapit," "How dare you!" sabi niya at akmang sasampalin ako pero nasalo ko ang braso niya at mahigpit na hinawakan siya do'n bago ko ito marahas na binitiwan. "Don't you dare me, kung wala ka nang ibang magandang sasabihin aalis na ako at kung pwede lang 'wag mo na akong kakausapin." Matapos no'n ay umalis na ako sa harapan niya at nagmartsa palabas saka ako pumara ng taxi papunta sa coffee shop ko. Hindi naman ako sanay maging matapang sa ibang tao pero alam kong tama lang ang ginawa ko na 'yon dahil deserve rin naman ni Destiny ang tratuhin nang mabuti dahil wala naman talaga siyang kasalanan sa lahat dahil ang lahat naman ng ginawa ni Destiny ay ako ang tunay na may kagagawan at ginawa lang naman ni Destiny ang naisulat ko sa nobela. Alam kong imposible na mabago ang nakasulat sa nobela ko pero gagawin ko ang lahat para magbago ang tingin nila kay Destiny kaya kahit pa na imposible ay ayos lang basta ba ay matutunan nilang tanggapin ang pagkatao ni Destiny. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD