CHAPTER 8: Destiny THIRD PERSON'S P.O.V Nang magising si Sace kinaumagahan ay saka lang pumasok sa kanya ang realisasyon na nakatalik niya kagabi si Destiny at 'yon din ang unang pagkakataon na nagpaubaya ang dalaga at hindi alam ni Sace kung paano haharapin si Destiny dahil sinamantala n'ya ang pagkakataon na nakainom ang dalaga nang may mangyari sa kanila kagabi. Kaya naman agad na bumangon si Sace at naligo at nang makalabas s'ya sa banyo ay nakita niyang tulog pa rin ang dalaga kaya naman napahinga nang malalim si Sace saka inayos ang buhok ng dalaga na tumakip sa mukha nito at saka niya ito hinalikan sa noo. "I'm s-sorry, Des. I hope you can forgive me..." mahinang sabi ni Sace bago nagbihis at saka muling lumingon sa dalaga na mahimbing pa rin na natutulog kaya naman agad niyang