Chapter 2

1408 Words
NAGKATINGINAN ang dalawang magkaibigan sa isa't isa nang tawagin si Erra ng kanilang guro. Napatingin naman ang lahat kay Erra nang tumayo ito mula sa kaniyang puwesto. Kitang-kita ng dalaga kung paano siya dapuan ng tingin ni Reed. Balak niya sanang ngitian ang lalaki, pero mukhang seryoso ito kaya hindi niya na lamang ito pinansin. "Since you are the president of the class, I know that you can help Mr. Vielle to tour in our school," sambit ng dean. Nagbulungan naman ang ilang estudyante sa narinig at para bang pinangarap na lang nila na sila si Erra para magawa 'yon sa bagong lipat na si Reed. "Go, girl!" bulong na sambit ni Blessy. Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ni Erra at binalik ang tingin sa principal. "In-expect ko na hindi lang bawat part ng school ang dapat niyang malaman. I want him to also know the history of our school. Do you understand?" wika ng dean at tanging pagtango lamang ang ginawa ni Erra. Pagkatapos ay lumabas na rin ang dean kasama ang teacher. Lahat naman ay nakatingin nang maglakad si Reed papunta sa vacant chair. "Girl, ano? Tumigas na ba tuhod mo at ayaw mo nang umupo?" pagtawag ng atensyon ni Blessy sa kaibigan. Agad namang napaupo si Erra at nilingon ang katabi. "Anong ginagawa niya rito?" tanong ni Erra. Nagkibit balikat naman si Blessy. "Hindi kaya sinusundan niya ako?" "Gusto mo tanungin natin?" saad ni Blessy. Tinarayan naman siya ni Erra. "Paano pala 'yan? Kailan mo siya ito-tour?" "After class na lang siguro." "'Yong shop?" Napakamot naman sa ulo si Erra na mapagtanto na kailangan niya pa lang magtrabaho pa after class. "Huwag mong sabihin na nakalimutan mo?" "Puwede bang ikaw muna ang pumalit sa akin? Kahit isang oras lang," paghingi ni Erra ng pabor. Napaisip naman si Blessy. "Basta siguraduhin mo lang na matatapos mo agad 'yon kung hindi ay ibabawas ko sa sahod mo 'yong late mo." Napanguso naman si Erra at wala nang nagawa kung hindi ang tumango. Nang matapos ang buong klase ay agad na nagpaalam si Erra sa kaibigan. Niligpit niya ang kaniyang gamit at nilapitan si Reed na abala sa pagtipa sa cellphone nito. Napabuntong hininga pa ang dalaga bago ito kausapin. "Hi," bati ni Erra, "tara na ba?" Hindi naman siya pinansin ni Reed at pinagpatuloy lang ang ginagawa nito. Napasimangot naman ang dalaga at muling binati ang lalaki, pero sa pangalawang pagkakataon ay hindi siya ulit pinansin nito. Hindi niya alam kung sinasadya ba 'yon ni Reed o nagpapabebe lang ito. Tinignan ni Erra ang mga kaklase nang marinig itong nagbubulungan at para bang pinagtatawanan ang pagkausap niya sa lalaki dahil hindi naman siya nito pinapansin. Napabuntong hininga si Erra at siya na ang nagtapos na ipasok ang mga gamit ni Reed sa loob ng bag nito at 'saka iyon binigay sa lalaki. "Alam mo, ayaw ko rin naman ng ginagawa ko, pero mas ayaw ko kapag ipapahiya mo lang ako. Huwag kang mag-alala for formality lang 'to," bulong na paliwanag ni Erra. Wala nang nagawa si Reed nang hilahin siya ni Erra palabas ng room. "Saan mo ba gustong pumunta?" tanong ng dalaga. Hindi naman siya sinagot ni Reed. "Wala ka ba talagang balak na kausapin ako?" Napaikot ang mga mata ni Erra nang talikuran siya ni Reed at naglakad palayo. Kung pwede niya lang na iwan ang lalaki ay gagawin niya, pero utos ng dean na i-tour ang binata. Walang nagawa si Erra kung hindi ang magpigil ng inis at sundan si Reed. "Bahala na kung saan ka magpunta. Susundan na lang kita at ituturo ko sa iyo yung dapat mong malaman sa school na 'to," wika ng dalaga nang makalapit kay Reed. Tinuro agad ni Erra ang building na nilalakaran nila. "Itong building na 'to ay para sa mga course na ino-offer nila maliban sa medical keme. May sarili kasi silang building dahil may facilities din doon." Nang makalakad pa ng konti ay agad naman tinuro ni Erra ang isang room. "Doon naman 'yong office ng mga professor at 'yong katabing room ay sa dean's office." Napangisi si Erra nang tignan niya si Reed ay wala man lang itong pakialam sa sinasabi niya. At dahil nakasunod lang naman siya sa likuran ng lalaki ay aambain niya sana ito ng batok, pero napalingon sa kaniya saglit si Reed kaya naibaba niya ang kamay at ngumiti. Kung hindi niya lang kailangan gawin 'to ay kanina pa sana siya nasa trabaho. Hindi niya rin alam kung kilala pa ba siya ni Reed after ng three months na nagkasalubong sila sa mall o sadyang kinalimutan na siya nito? Ayaw niya rin namang tanungin ang lalaki dahil baka mapahiya lang siya. "Hoy, teka! Hindi diyan 'yong tamang daan," pagpigil ni Erra nang mapansin na padiretso na sila sa parking area. Bigla niyang hinawakan ang braso ni Reed para pigilan. Napatingin naman ang binata sa ginawa niya. Agad na inalis ni Erra ang kamay niyang nakahawak nang titigan siya ng binata. "P-Pasensya na. Hindi ka kasi nakikinig sa akin, eh," paliwanag ng dalaga at napayuko. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Reed. "I don't need you to tour me," sagot ni Reed at at naglakad palayo. Napaangat naman ang mga mata ni Erra at napakuyom ang kaniyang mga palad sa inis. "Mas lalong hindi ko gusto! Hambog!" sigaw ni Erra. Napatingin ang ilang mga estudyante sa kaniya at nagbulunngan. Napaikot naman ang mata ni Erra at naglakad ng padabog. Hindi niya alam kung sinasadya ba talaga ni Reed na galitin siya o wala talaga itong pakialam sa kaniya simula una pa lang. Ibang-iba ito sa pagkakilala niya. Tandang-tanda niya pa yung mga mata nito na nanghihingi ng tulong sa kaniya, pero ngayon wala itong mabasa sa tingin niya. Wala itong emosyon. Pagkatapos niya manggalaiti sa galit ay agad na rin siyang pumunta sa kaniyang trabaho. Halos dalawang oras na siyang late at alam niyang bawas 'yon sa sahod niya. Pagkarating doon ay nakangiting sinalubong siya ni Blessy. "Oh, anong nangyari sa bebelabs mo?" pang-aasar ni Blessy. Inalis naman nito ang apron na suot at pinasa kay Erra. "Bebelabs ka diyan," nakabusangot na sabi ni Erra. Nang maisuot ang apron ay siya na ang nagtapos sa order na ginagawa ni Blessy. "Baka bibitayin. Napakayabang ng lalaking 'yon. Akala mo naman may napatunayan na para magyabang." "Hindi ka ba niya kinamusta after three months?" tanong ni Blessy. Saglit siyang tinapunan ng kaibigan at ngumisi. "That is past, Bless. Ayoko na rin namang ipaalala sa kaniya dahil alam kong kinalimutan niya na 'yon. Isa pa kanina habang kasama ko siya ay parang hindi niya ako kilala," paliwanag ni Erra. Nang matapos sa ginagawa ay binigay niya ang milk tea kay Blessy. Kinuha naman ito ng dalaga at sinerve na sa taong nag-order. "So, nag-e-expect ka na baka nga kilala ka pa niya?" tanong ni Blessy ng makabalik. "What?" gulat na tanong ni Erra at agad na napailing. "No!" Saglit na napatigil si Blessy at tinitigan ang kaibigan at nang makita niyang napaiwas ng tingin si Erra ay napangisi niya. "Alam mo while reading at your face. Girl, alam kong naghihintay ka sa kaniya," tugon ni Blessy. Kinuha naman ni Erra ay tissue at nilukot, 'saka niya ito binato sa mukha ng kaibigan. Sa halip na magalit si Blessy ay tinawanan lang siya nito. "Kung sabagay kung ganoon lang din naman kagwapong nilalang ay mag-e-expect talaga na sana naalala niya pa ako," kinikilig na sabi ni Blessy. Binalik niya ang tingin kay Erra. "But on the other hand, baka kaya hindi ka pinansin dahil may nangyari pa sa araw na 'yon. You know naman na hindi mo sinabi sa akin 'yong buong pangyayari noong nakilala mo siya." Nagkasalubong ang mga kilay ni Erra sa sinabi ng kaibigan. Naalala niya 'yong araw na bigla siyang hinila ni Reed para ipakilalang girlfriend. Napailing na lang siya sa naisip nang muli niyang maalala 'yong pangyayari bago sila naghiwalay ng landas. "Girl, may tinatago ka pa sa akin, nu?" wika ni Blessy nang makita ang naging reaksyon ni Erra. "W-Wala." "Ano ba kasi 'yon? Ano ba talaga ang nangyari three months ago?" pangungulit na tanong ni Blessy. Nilapitan pa niya si Erra para kulitin, pero napatigil lang ang dalawa nang may pumasok na babae sa store ng dalaga. "Maria?" sabay na tawag ng dalawa nang mapagtanto kung sino ang pumasok sa store at ganoon na lang ang pagkagulat nila nang bigla itong mawalan ng malay sa kaniyang kinatatayuan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD