Prologue

1840 Words
"SASABOG na yata ang tiyan ko sa sobrang dami kong nakain," sambit ni Erra habang hinihimas ang kaniyang nakaumbok na tiyan. Umikot naman ang mga mata ni Blessy. "Girl, ang sabi ko ililibre kita, pero hindi ko naman sinabing bawat makikita mo ay kakainin mo," bulalas ng dalaga. Malakas na tawa naman ang sinagot sa kaniya ni Erra at hinampas ng mahina ang braso nito. Walang pakialam ang dalawa kahit pagtinginan na sila ng taong nadadaanan nila sa loob ng mall. Kung sabagay ay parehas naman silang sanay na sa atensyon at hindi na nahihiya. Kaya nga sila magkaibigan dahil kahit sa napakaliit na bagay ay nagkakasundo sila. "At least hindi ka na magluluto mamaya pag-uwi natin. Isa pa ay minsan mo lang kaya ako ilibre," sagot ni Erra. Napailing naman si Blessy dahil alam niyang pagdating sa ganitong bagay ay kilala niyang kuripot ang kaibigan. Hinawakan ni Blessy sa braso si Erra para patigilin sa paglalakad. "Halos mag-iisang milyon na ang pera mo sa bangko dahil sa kapapadala ng parents mo, pero hindi mo man lang ginagastos. Anong balak mong gawin sa mga 'yon?" paliwanag ni Blessy. Saglit naman na napaisip si Erra bago hinarap ang kaibigan. "Balak kong gawing display sa bahay ko," pagbibiro ni Erra. Sa pangalawang pagkakataon ay umirap na naman si Blessy. Alam niyang wala siyang makukuhang magandang sagot sa kaibigan. "Ewan ko ba kung nasaan ang utak mo. Mayaman ka naman, pero pinapahirapan mo pa sarili mo. Kung hindi lang kita kaibigan baka tinanggal na kita sa trabaho mo." Napanguso naman si Erra at agad na lumingkis sa braso ng kaibigan. "Ikaw naman hindi ka mabiro, boss. Masipag naman ako sa trabaho at ako kaya ang dahilan kung bakit dumami ang customer sa milktea shop mo." "Parang may utang na loob pa ako sa iyo, Erra," sambit ni Blessy. Hinarap naman ni Erra ang mukha sa kaibigan at ngumiti. Ngunit agad din siyang napalayo nang mapansin ni Erra ang ice cream sa hindi kalayuan. "Ayon! Libre mo ako no'n, Blessy," wika ni Erra at tinuro ay bilihan ng ice cream sa hindi kalayuan. Tinignan naman 'yon ni Blessy at napangiwi nang makita ang haba ng pila. "Girl, seryoso ka? Pipila tayo sa ganyan? Eh, mukhang gagabihin pa tayo bago tayo makabili." Ngumuso naman si Erra at nag-puppy eyes sa sagot ni Blessy. "Naintriga lang ako bakit ang daming bumibili baka masarap. On the second thought pampatanggal umay na rin," nakangiting sagot ni Erra. "Eh, kung tanggalin ko kaya yang sikmura mo para hindi ka na makakain," pananakot ni Blessy, pero mukhang hindi niya man lang nasindak ang kaibigan. Hinila ni Erra ang kasama papunta sa tinurong bilihan at agad na pumila sa likuran. "Last na talaga 'to. Promise! Tapos tutulungan kita mamaya sa thesis mo para matapos mo na rin," pamimilit ni Erra. "Anong tutulungan? Baka nakakkalimutan mong magkagrupo tayong dalawa." Napapakamot naman sa ulo si Erra sa narinig. "Ay, ganoon ba?" Huminga naman nang malalim si Blessy na para bang pinagtitiyagaan niya na lang na huwag saktan si Erra lalo na at nasa public place sila. Wala na ring nagawa ang dalaga kung hindi ang sundin ang hiling ng kaniyang kaibigan. Kahit na mahaba ang pila ay naghintay pa rin sila para sa kanilang turn. Hindi niya rin mahindian ang kaibigan dahil alam niyang maaasahan talaga si Erra kahit madalas pinapainit ang ulo niya. Silang dalawa na ang magkasama noong first year college pa lang sila kaya naman magkasundo na rin ang dalaga. Kung tutuusin ay nasa iisang dorm na rin sila. "Blessy, hindi ko na kaya. Naiihi na ako. Hintayin mo na lang ako dito," paalam ni Erra. Hindi naman kaagad nakasagot ang dalaga nang bigla na lamang tumakbo si Erra paalis para maghanap ng banyo. — DINUKOT ni Reed ang cellphone sa loob ng bulsa nang maramdaman ang pag-vibrate nito. Nakita niya namang tumatawag ang kambal kaya agad niya itong sinagot. "Bakit ka napatawag?" bungad ni Reed sa kapatid. "No hello? I just miss you, Reed," sagot ni Arietta. Patuloy naman ang paglalakad ng binata habang ang isang kamay nito ay nakapasok sa kaniyang bulsa. "Stop the act. You just want to pestering me. Nasaan ba ang fiancé mo?" Kahit na hindi nakikita ni Reed ang kapatid ay alam niyang nakanguso na ito. "I don't know. He has a project daw. Hindi niya naman sinasabi sa akin," paliwanag ng dalaga. "Death anniversary nina grandma ngayon. Hindi ka ba uuwi rito? Mimi wants to see you." Natigilan naman sa paglalakad si Reed at tinanggal ang suot nitong sunglasses nang maalala. He was busy all day that he forgot about his grandparents. "I will come, but don't wait for me," mahinahong sagot ni Reed. "Okay. Anyway, where are you now?" "I'm at the mall. Why?" "Oh, really? Since you are there, puwede bang pabili na rin ng leather strap doon sa relo na binigay mo sa akin? Nasira kasi noong nasabit ko habang naglilinis ng bahay," utos ng dalaga. Nagpatuloy si Reed sa paglalakad at sumunod na lang din. Wala naman na siyang ibang pupuntahan kaya hahanapin niya na lang din ang shop kung saan siya puwedeng makabili. "And also, Reed, puwede bang dumaan ka na rin sa bake shop ni Steven? Nagpagawa pala ako sa kaniya ng cake and I will pick that at four, but since I'm still helping Mimi, ikaw na lang din ang kumuha," sunod na utos ni Arietta. Napailing naman ang binata dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa. "Still more?" inis na tanong ni Reed. Narinig niya naman ang mahinang pagtawa ng kapatid. Alam niyang iniinis na naman siya nito. "Baka gusto mong ipagawa na sa akin lahat ng gagawin mo." "Hindi ko naman gagawin sa iyo 'yon, Reed. You know me." Napahinto sa paglalakad si Reed sa gitna nang makita niya ang shop kung saan makabibili ng strap ng relo. Akala niya pa ay mahaba ang pila roon, pero napansin niya agad na ang pila nito ay para sa katabing shop na bilihan ng ice cream. "Sige na. Ibababa ko na 'tong tawag." "Okay. See you, Reed. I miss you so much!" usal ni Arietta. Agad na binaba ni Reed ang tawag at hindi pa man niya naiaangat ang tingin sa daan nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. "Reed, is that you?" tanong ng babae sa kaniyang harapan. Dahan-dahang napaangat ng tingin si Reed at laking gulat niya nang makita ang kaniyang ex-girlfriend na si Ellaine roon. Naalala ng binata kung anong klaseng pagmamakaawa ang ginawa niya sa dalaga noon. Tatlong buwan na ang nakalilipas, pero alam niyang wala pa ring nagbago sa pagmamahal niya rito. Kung ano ang nakikita niya sa dalaga noon ay ganoon pa rin ang nakikita niya ngayon. Wala itong pinagbago at mas lalo pang gumanda. Gustong lapitan ni Reed ang dalaga at yapusin ng yakap. Gusto niyang iparamdam na siya pa rin ang babaeng mahal niya hanggang ngayon. Kahit na alam niyang pagtabuyan siya ng dalaga ay hindi pa rin magbabago ang kaniyang nararamdaman dito. Nakaisang hakbang si Reed, pero agad din siyang napahinto nang may tumawag sa dalaga. "Babe." Napalingon ang dalawa sa lalaking palapit sa kanila. Lumapit ito kay Ellaine at inabot ang binili nitong ice cream. "I'm sorry if I kept you waiting." "No problem," sagot ni Ellaine. Kumuyom ang mga kamay ni Reed nang makita niya kung paano ngumiti ang babae sa lalaki. Hindi niya lubos maisip na dati ay siya pa ang dahilan ng pagngiti ng dalaga, pero ngayon may iba ng taong nagpapasaya rito. "Oh, I forgot. Leo, this is Reed," pagpapakilala ni Ellaine sa kaniyang bagong nobyo. Nilingon niya naman si Reed. "And Reed this is Leo. My boyfriend." Alam na ni Reed na may bagong boyfriend si Ellaine noong naghiwalay sila, pero ngayon niya lamang nakaharap ang lalaki. Tinignan niya si Leo at hindi niya mapigilang mapaisip kung bakit siya pinagpalit sa lalaking ito. "Bro, nice meeting you," saad ni Leo at inabot ang kamay para makipagkilala. Ngunit hindi naman gumalaw si Reed at tinignan lamang ang kamay ng lalaki. "What are you doing here? Akala ko nasa Taguig ka na?" tanong ni Ellaine para ibaling ang atensyon sa iba dahil alam niyang may nabubuo ng tensyon sa dalawa. "Death anniversary ng grandparents ko kaya pinapauwi ako nina mommy," paliwanag ni Reed. Wala siyang ibang maisip na dahilan. Kahit na nakalimutan niya ang tungkol sa death anniversary ay kailangan niya muna 'yong gamitin na excuse. "I'm sorry for your loss." Isang pilit na ngiti lamang ang sinagot ni Reed. "Sino pa lang kasama mo? Are you alone? Do you have time? Gusto mo bang sumama muna sa amin?" Hindi naman agad makasagot si Reed sa sunod-sunod na tanong nito. O hindi niya lang alam ang isasagot. Tinignan niya ang dalawa at napansin niya ang pagpulupot ng lalaki sa bewang ng ex-girlfriend niya. Kung wala lang ang lalaki ay baka sumama na siya sa dalaga, pero ngayon na magkasama ang dalawa ay alam niyang kailangan niyang makahanap ng palusot. Naagaw ng pansin ni Reed ang babaeng papalapit sa kanila habang inaayos ang buhok nitong humaharang sa mukha. Nang makalapit ang babae sa kanila ay pikit-matang hinila ni Reed ang dalaga at hinawakan ang kamay nito. "Babe, I'm here," sambit ni Reed. Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga dahil sa gulat. Hindi niya alam kung sinong lalaki ang humila sa kaniya at kung anong ginagawa niya sa harapan ng magnobya. Nilingon ng dalaga si Reed at pinanlakihan ng mata. Nanggaling lang siya sa banyo, pero ito na agad ang sumalubong sa kaniya. "What are you doing?" bulong ng babae kay Reed. Ngumiti naman ng pilit si Reed at bumulong din. "Please, save me," pagmamakaawa ng binata. Napabuntong hininga ang dalaga at alam niyang hindi siya makakawala kung hindi niya tutulungan ang lalaki. Wala siyang magawa kung hindi ang magpanggap. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ganoon na lang din ang naramdaman niya sa lalaki na para bang kailangan ito ng tulong niya. Ngumiti nang malawak ang dalaga at lumingkis sa braso ni Reed. Humarap ang dalawa kina Ellaine na naguguluhan sa kanila. "Sorry, Ellaine, I'm with my girlfriend," sagot ni Reed. "Girlfriend?" kunot noong tanong ni Ellaine. Hindi alam ng dalaga, pero mukhang ito na ang time niya para magpanggap. "Y-Yes. I'm Erra. Nice to meet you," pakilala ng dalaga. Tumango naman si Ellaine at ngumiti. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa braso ng dalawa at kay Reed. "We have to go, my parents were waiting for us," paliwanag ni Reed. Tumango naman si Ellaine at hindi na rin nag-abala pang magtanong. "O-Okay," sagot ni Ellaine. "See you around, Reed." Hinawakan ni Reed ang kamay ni Erra at napansin ng binata na nakatingin sa kaniya si Ellaine. Nilapit niya pa ang sarili at naging sweet pa kay Erra. Alam niyang sa ganitong paraan ay makararamdam ng selos si Ellaine. At kapag nangyari 'yon ay baka may chance pang bumalik ang dalaga sa kaniya. "See you around, Ellaine," tugon ng binata at parehas na tinahak ang magkabilang landas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD