Pagkabukas ng telebisyon ay napanuod agad niya ang balita tungkol sa isang aswang na nakunan ng isang video nang isang mamamayan sa municipal ng Capiz. Gumagala at kinakain ang mga manok kada residente na naninirahan doon.
Agad pinatay ng isang magandang dalaga ang telebisyon. "Hay naku ma! Hanggang ngayon pa ba'y may naniniwala pa sa aswang? Nakakatawa naman ang mga tao," ngiting sabi ni Lilia sa ina habang namamalantsa ito.
Biglang napatingin sa kanya ang ina niya sabay nanlaki ang mata sa sinabi ng anak. Si Lilia ay isang napakagandang dalaga sa bayan nila kung saa'y napakadami ring manliligaw ngunit hindi pa ito seryoso sa pag-ibig. Kakatuntong palang niya sa edad na labing-walo nang makilala niya ang lalaki na nagpabago ng mundo niya na si Joshua.
"Pabili nga ng isaw at atay ng manok," nakangiting sabi ni Joshua. Isang dayo sa lugar.
Agad plinastik ni Lilia ang mga kaluluto lang na order ng binata nang biglang umulan.
"Ay! Bakit ngayon pa Diyos ko," inis na sabi ni Lilia. Nang kunin niya ang mga gamit ay tinulungan na siya ng binata.
Dahil mas lumakas ang ulan ay pinapasok ni Lilia si Joshua sa loob ng kanilang bahay sabay inabotan ng tuwalya. Hindi naman ito mukhang masama dahil sa galante ang binata kung manamit.
"Inay, may bisita tayo," sigaw ni Lilia at nagpakita ang kanyang ina.
Ipinaliwanag din ni Joshua na nasiraan siya ng sasakyan kaya sinabihan siya ni Lilia na sa kanila muna magpagabi dahil sa utang na loob niya rito pagkatapos siyang tulungan kanina.
~~~
Isang gabi ay hindi nakatulog si Joshua dahil sa may naririnig siyang isang malakas na hampas ng hangin. Dahil laking Amerika siya ay hindi niya maintindihan kung ano ito at kung bakit ngayong hating gabi pa niya naririnig.
Naiinis na rin siya dahil hindi siya makatulog. Nang biglang pagbangon niya sa kama at palabas niya ng kuwarto ay bigla siyang nagulat nang salubungin siya ng nanay ni Lilia na nasa harap mismo ng kanyang pinto.
"Bakit gising ka pa ng ganitong oras?" tanong ng ina ni Lilia sabay pinanlakihan ng mata ang binata.
Agad may namuong takot sa katawan ni Joshua. "I ca-can't sleep. Nagpapagpag ba kayo riyan ng bedsheet or something. It's like you're struggling to work on it. Maybe I can help?"
"Hindi na kailangan kaya matulog ka na. Uuwi ka pa nang maaga bukas. Nakausap ko na ang technician na aayos ng kotse mo," nandidilat ang mga matang sabi ng ina ni Lilia sa kanya. Sabay naglakad paiwas sa kanya.
"Weird,” bulong ni Joshua pagkaalis ng matanda at niyakap ang sarili habang nakasando. Bumalik na lang siya sa kuwarto't pinilit matulog.
Umaga na nang magising siya. Lumabas na siya ng kuwarto at nakita niya si Lilia na naghahanda na ng mga barbeque na dadalhin nito para magtindang muli. Nagagandahan at nabibighani talaga siya sa itsura nitong tila isang diyosang probinsyana.
"Wait, I'll help you Miss Beautiful," ngiting sabi ni Joshua sabay tinulungan ang dalaga na buhatin ang lahat ng kakailanganing paninda.
"Beautiful ka riyan. Sabi ni inay ay aalis ka na raw dapat," iritang sabi ni Lilia.
"I can't."
"Bakit naman?"
"Because I found the lost pieces of my heart."
"Soowwss," nakakunot-noong sagot ni Lilia sa kanya.
"Katabi ko lang siya," sabay kindat ni Joshua. "Can you allow me to court you?" hirit ulit niya sa dalaga.
"Anong court? Hindi ako basketball na may court."
"I mean ligawan."
Kalaunan sa pangungulit niya ay pumayag naman ang dalaga. Dahil sa alam nitong puwede na dahil dese-otcho na siya.
Magdamag silang nagtinda ng mga parte ng manok sa maliit na palengke. Mahirap pero na-enjoy ito ng binata sapagka't nahuhumaling siya sa dalaga at masaya siyang kasama ito.
Habang si Lilia naman ay parang di niya maintindihan ang nararamdaman kung bakit parang dahan-dahang nahuhulog ang loob niya sa binata kahit ngayon lang niya ito nakilala. Parang may mahika na di niya maipaliwanag.
Hanggang sa umulan ulit at tumakbo silang dalawa para humanap ng masisilungan.
Sa isang maliit na tindahan sila sumilong nang magkatitigan ang kanilang dalawang mata ay hindi na nila napigilan matikman ang unang halik ng bawat isa. Ang hindi nila alam na ang may-ari ng tindahan ay kakilala ang inay ni Lilia kaya tumawag ito at nagsumbong.
~~~
Pagkarating nilang dalawa sa bahay ay sinalubong agad ng isang sampal ng ina si Lilia.
"Anong nangyari sa ‘yo Lilia? Bakit sinira mo ang tiwala ko sa ‘yo! Pumasok ka sa loob ngayon din!" sigaw ng inay niya. Kaya walang ibang magawa si Lilia kung di sinunod ang ina habang luhaan. Nang akmang susundan na siya ni Joshua sa loob ay hinarangan ito ng kanyang ina.
"At ikaw naman lalaki! Di ba maayos na ang kotse mo? Bakit hindi ka pa umalis?" sigaw ng matanda kay Joshua.
"Mahal ko ang anak niyo! Unang kita ko pa lang sa kanya ay hindi ko alam kung bakit nakuha na niya ang puso ko. Sa tingin ko ay siya ang soulmate ko at papakasalan ko siya."
"Baliw ka ba? Hindi puwede! Hindi mo pa kilala ang angkan na mayroon kami. Kaka-meet niyo pa lang. Kasal na agad ang tumatakbo riyan sa kokote mo. Magsisisi ka at iiwan mo din siya kapag nalaman mo lahat ng tungkol sa kanya kaya umalis ka na!"
"Handa po akong alamin at tanggapin kung ano siya," nagpapaunawang sabi ni Joshua sa ina ni Lilia.
Ngunit hindi pinakinggan ng matanda ang binata.
Nang isauli ni Lilia ang mga natitirang gamit ng binate ay agad hinawakan ni Joshua ang kamay nito.
"Babalik ako, hintayin mo ako mahal."
Pinapanood sila ng inay ni Lilia sa malayo na may bahid lungkot ang mukha.
~~~
Makalipas ang ilang linggo ay hindi kinakausap ni Lilia ang kanyang inay dahil sa nagtatampo siya rito. Mayamaya ay may natanggap siyang text mula kay Joshua na humihingi ng paumanhin dahil ikakasal na siya.
Sabay kumatok ang kanyang ina sa kuwarto niya. "Lilia, inay mo ‘to. Buksan mo ‘to sandali."
"Tuloy po!" sagot ni Lilia sabay pinunasan niya ang kanyang luha nang mabilisan.
"Kakapanood ko lang sa balita. Anak pala ng mayor si Joshua at ikakasal na ngayon. Wedding of the year nga raw ‘yong kasal nila. Sorry anak!" sabi ng kanyang ina sabay yakap kay Lilia habang umiiyak. Gumanti naman ng mas mahigpit na yakap ang dalaga.
Kinabukasan pagkagising ni Lilia. Nagulat siyang sa ulat na mas tumindi ‘yong naglilibot sa baranggay nila na aswang. Dahil pumatay ito ng isang buntis. Nakitang wala ng laman ang tiyan nito.
"Nay, tingnan niyo oh! Nakakatakot! Bumalik na naman ang aswang sa bayan natin tapos mapanganib dahil kumakain na ng tao," nahihintakutang sabi ni Lilia.
"Hayaan mo na ‘yan, anak! Patayin mo na lang ang telebisyon."
Mayamaya ay may biglang kumatok sa kanilang pinto. "Pakibukas anak!" utos ng ina ng dalaga.
Agad tumayo si Lilia para buksan ito ngunit hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.
Bumalik si Joshua at nakangiti habang nakaharap sa kanya. "Lilia, hindi natuloy ang kasal. Wala akong ibang mamahalin pa at aasawahin kung di ikaw lang."
~~~
Nang matapos tumunog ang kampana hudyat na tapos na ang kasal nina Lilia at Joshua. Tumuloy na sila sa bahay ni Lilia at doon na maninirahan.
Ngunit nang magkasama na sila sa iisang bubong para mag-honeymoon.
"Mahal, puwede huwag muna ngayon? Para kasing inaantok ako at pagod na pagod," pakiusap ni Lilia.
"Sige na, this is our first honeymoon. Punta lang ako sa banyo para manghilamos mahal. Maghanda ka na ha?" nanggigigil na sabi ni Joshua. Pumasok siya sa banyo na tila gigil na gigil at masaya. Nag-ahit siya ng kaunting bigote, nagsepilyo't naghilamos. Sabay tumingin sa salamin. "Bubuo na tayo ng ating unang anak mahal kong Lilia."
Nang paglabas niya sa banyo at gugulatin sana ang asawa na nakahiga sa kama ay tila siya ang nagulat nang masilayang niyang wala ang kanyang asawa.
Parang biglang tumindig ang balahibo niya sa likod ng nagsitahulan at parang umiiyak ang ungol ng mga aso sa labas ng kanilang bahay. Kaya kinabahan siya at hinanap ang asawa saka lumabas ng kuwarto.
Alas-dose na ng gabi. Nanlalamig na siya na hindi niya maintindihan. Lahat ng tao ay tila tulog sa paligid.
"Saan ka kaya nagpunta Lilia mahal. I am really not quite sure if you're playing hide and seek honey,” bulong na sabi ni Joshua sa sarili.
Nang biglang pumasok siya sa may kusina ng kanilang bahay at nakita niya ang asawa niyang nakatayo sa harap ng lababo habang nakaupo naman ang ina nito sa harap ng lamesa...