C7-Pagbabanta‼️

1636 Words
“Aalis lang ako sandali," paalam sa akin ni Hadley. “May pupuntahan lang ako." “Anong oras po kayo makakabalik?" tanong ko. “Before sunset." “Dito po ba kayo kakain ng hapunan?" “Yes." “Ano po ang gusto niyong lutuin ko?" "Anything.” Tumango ako. "Copy po. Ingat po kayo.” Nang talikuran na niya ako ay maagap kong hinawakan ang kamay niya dahil may ipapakisuyo ako sa kaniya. "What?” "Puwede niyo po ba akong bilhan ng damit para lang po may pamalit ako rito sa suot ko?” Bigla akong nahiya sa uri ng titig niya sa akin. Iniisip niya siguro na makapal ang mukha ko. Ang problema, kung hindi ako magsasabi sa kaniya ay tiyak na mamamaho ako lalo pa't itinapon niya sa basurahan ang mga dala-dala kong damit. “Samahan niyo na rin po ng panty at saka bra kahit po tig-iisang piraso lang. Wala na po kasi talaga akong maisusuot, eh.” “What's your size?” “36, 23, 36.” Sa edad na disi-otso ay iyan na ang sukat ng katawan ko. Hindi nga ako mapagkakamalan na bata pa dahil kakaiba na agad ang hubog ng katawan ko. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit naiinis sa akin ang mga kapatid ko dahil sexy raw ako at maganda hindi tulad nila na walang shape ang katawan tapos maitim pa. “I am not asking about your body size,” sabi ni Hadley sa akin. “Ang sukat ng dibdib mo ang tinutukoy ko.” Seryosong-seryoso siya habang ako ay sobrang hiyang-hiya na. “Bilisan mo na dahil aalis na ako.” “36b po.” “Alright.” Nang tumalikod na siya ay tinawag ko ulit siya. “Uncle! I mean, Hadley…” “What?” “Bilhan niyo na rin po sana ako ng napkin tapos toothpaste at saka toothbrush po.” Hindi ko kasi nadala iyong mga personal kong gamit dahil sa dami ng iniisip ko. “Alright. What else?” “Wala na po. ‘Yon lang po.” “Can I go now?” Tumango ako. “Mag-ingat po kayo.” Tumango siya at pagkatapos ay tuluyan na niya akong tinalikuran. Nang mawala siya sa paningin ko ay binuksan ko ang ref niya para tingnan kung ano ang p’wede kong lutuin. Sa sobrang laki ng ref niya ay para na rin akong nasa loob ng grocery store. ‘Yong harapan ng bahay ni Hadley ay sobrang lawak kaya naisip ko na magtanim ng mga gulay. Ang problema, wala akong itatanim na buto kaya kailangan ko pang magsabi kay Hadley tungkol sa binabalak ko. Pero, bago iyon ay kailangan ko munang alisin ang ilang dayami na tumubo roon. Magluluto muna ako sa ngayon at kapag wala na akong gagawin dito sa loob ay iyon naman ang aasikasuhin ko. May nakita akong malaking bangus sa ref niya kaya iyon ang kinuha ko. Sumagi sa isip ko na magluto ng caldereta nang makita ko na marami siyang karneng baka na imbak. Paborito nina Aling Nita at Mang Arturo ang beef kaldereta kaya iyon ang madalas kong iniluluto para sa kanila. Ang dami niyang stocks kahit siya lang naman mag-isa ang nakatira rito sa bahay niya. Wala pang isang oras ay luto na agad ang sinigang na bangus at ganoon din ang sinaing ko maliban sa kaldereta. Medyo natagalan kasi ako sa pagpapalambot nang karne ng baka kaya naman ngayon ko pa lang uumpisahan ang pagluluto ng kaldereta. Makalipas ang ilang sandali ay may narinig akong mga yapak na papalapit sa gawi ko kaya napahinto ako sa paghahalo ng niluluto ko. Nang may pumasok na dalawang lalaki ay nanlaki bigla ang mga mata ko. Hindi ba ni-lock ni Hadley iyong pinto bago siya lumabas kanina? “S-sino kayo? P-paano kayo nakapasok?” kinakabahan kong tanong. “Ano’ng kailangan niyo?” Animo’y modelo ang dalawa dahil hindi sila nalalayo sa hitsura ni Hadley. Pero, kahit magandang lalaki sila ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi kabahan lalo pa’t sinabi sa akin ni Hadley na wala kaming ibang taong kasama rito bukod sa aming dalawa. “Mga kaibigan ko sila,” wika ni Hadley na kararating lang kaya naman biglang kumalma ang sistema ko at itinuloy na ulit ang pagluluto. “Akala ko kung sino na,” wika ko. “Malapit na pong maluto itong ulam na niluluto ko.” Mabuti na lang marami ang niluto ko dahil kung hindi ay tiyak na mabibitin sila. Makalipas ang ilang munuto ay pinatay ko na ang stove at dali-dali akong naghain para makakain na sila. “Hindi mo kailangan magmadali,” wika sa akin ni Hadley na nakasandal sa gilid ng pader malapit sa pinto nitong kusina. “Kumilos ka lang ng normal.” Marahan akong tumango at tipid siyang nginitian. Nasanay na kasi akong kumilos ng mabilis dahil kapag mabagal ako ay kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi sa akin ng pamilya ko. “Kain na po,” alok ko kay Hadley nang matapos akong makapaghain. Ang dalawa niyang kaibigan ay kapwa nakatingin sa akin kaya medyo nailang ako. “Kain na rin po kayo.” “What's your name?” tanong sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Hadley na may tattoo sa buong braso nito sa kaliwa. Lahat sila ay seryoso dahil hindi man lang sila ngumingiti. “Kaycee po,” magalang kong sagot sa lalaki. Nang mapansin ko na may dala-dalang baril ang lalaki ay bigla akong napaatras dahil sa kaba. Nang mapatingin ako kay Hadley ay nakatingin din pala siya sa akin. Ang uri ng titig niya ay nagbibigay ng kilabot sa buo kong pagkatao at hindi ko alam kung bakit. “How old are you, Kaycee?” Napabaling ako sa isa pang lalaki na medyo mahaba ang buhok nang tanungin niya ako. “Nasa tamang edad ka na ba?” “Eighteen na po ako.” Tumango-tango ang lalaki. “You can be a mother.” “Po?” “I said, you can be a mother because you already know how to cook.” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil masyado pa akong bata para maging isang ina. “Sit down,” utos sa akin ni Hadley. Nakaupo na silang tatlo ngayon maliban sa akin. Nang samaan ako ni Hadley ng tingin ay mabilis akong umupo malapit sa tabi niya. “Ang sarap ng luto mo,” puri sa akin ng lalaking maraming tattoo sa braso sabay tingin sa akin. “You're young yet you cook so well.” “Puwede ba kitang imbitahan sa bahay ko minsan?” tanong sa akin ng lalaking medyo mahaba ang buhok. “Don't worry, I'll pay you.” “Depende po kay Uncle Hadley kung papayagan niya ako,” sagot ko sa lalaki. “Uncle Hadley?” takang tanong ng lalaki sa akin. “Tito mo ba siya?” Tumango ako samantalang si Uncle Hadley ay umiling. “She's not my niece,” sagot ni Uncle Hadley sa mga kaibigan niya. “She's not related to me.” Marahil ay ikinakahiya niya ako dahil sa hitsura ko ngayon. Paano ba naman kasi, mukha akong gusgusin dahil sa suot-suot ko ngayon. “Bakit nandito siya sa bahay mo kung hindi mo naman pala kaano-ano?” tanong ng lalaking maraming tattoo. “Akala ko ba ayaw mong may ibang tao rito?” “She needs my help that's why she's here,” sagot ng tiyuhin ko sa kaibigan niya. Nagkunwari na lang ako na hindi ako naaapektuhan sa pag-deny niya sa akin bilang pamangkin dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay mayroon akong bahay na masisilungan. “I see.” Habang nag-uusap sila ay tahimik lang akong nakikinig. Kapag tinatanong nila ako ay saka lang ako sumasagot. Habang kumakain sila ay panay ang puri nila sa luto ko kaya nawala bigla ang tampo na nararamdaman ko para sa tiyuhin ko. Pagkatapos nilang kumain ay halos hindi sila makatayo dahil sa sobrang kabusugan. “Madalas na akong pupunta rito ngayon,” wika ng lalaking may tattoo sa braso. “Lagi akong magdadala ng pagkain at ipapaluto ko iyon sa iyo. ‘Wag kang mag-alala dahil babayaran kita.” “Salamat po,” nakangiti kong sagot. Nang tingnan ako ng masama ni Uncle Hadley ay biglang nawala ang matamis kong ngiti. Kakaiba kasi ang titig niya sa akin na animo'y pinagbabantaan niya ako. “Magpaalam po muna kayo kay Hadley kapag po magpapaluto kayo sa akin dahil baka po magalit siya,” sabi ko bigla. “Kami ang bahala sa kaniya,” sagot sa akin ng lalaking medyo mahaba ang buhok. “Masarap kang magluto kaya sapat lang na kumita ka.” “Salamat po.” Nang isa-isa na silang tumayo ay tumayo na rin ako para magligpit ng mga pinagkainan namin. Ang dami ng niluto ko pero kaunti na lang ang natira kaya napangiti ako dahil nagustuhan nila ang niluto ko. “Why are you smiling?” Nagulat ako nang magsalita si Hadley mula sa likuran ko. Akala ko ay umalis na rin siya kasama ang mga kaibigan niya pero hindi pa pala. “Do you like them?” “Po?” “Do you like one of my friends?” “Ha?” Naguluhan ako bigla sa tanong niya. “Ano po ang sinasabi niyo? Iniisip niyo po ba na may gusto ako sa isa sa mga kaibigan niyo?” “Meron nga ba?” nagtatagis ang mga bagang na tanong niya. “Wala po.” “Ayusin mo ang mga galaw mo dahil nasa poder kita, Kaycee. Magkamali ka lang ng isang beses ay hindi ako magdadalawang-isip na ihatid ka pabalik sa bahay niyo. Ang ayaw ko sa lahat ay iyong mga babaeng gagawin ang lahat para lang makuha ang atensiyon ng mga lalaki.” “O-opo. Naiintindihan ko po.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD