C1-Pang-aapi‼️

1643 Words
“Hayop ka talaga! Alas-sais na pero tulog ka pa rin! 'Di ba dapat alas-tres o ‘di kaya'y alas-kuwatro ay gising ka na para magluto? Ang tamad mo talaga! Walanghiya ka!” Halos tumalsik ang kaluluwa ko nang gisingin ako ni Ate Andrea sa pamamagitan ng pagsabunot niya sa buhok ko. Masama kasi ang pakiramdam ko ngayon kaya hindi ako nagising ng maaga. Ang ulo ko ay animo'y binibiyak dahil sa sobrang sakit kaya hindi ko na pinilit ang sarili ko na bumangon ng maaga. Kahapon kasi ay nilinisan ko itong buong bahay dahil iyon ang ibinilin nila bago sila umalis para mamasyal. Kahit masama ang panahon ay sinabi nila sa akin na kailangan malinis ang loob at labas ng bahay namin. Kaya naman, kahit malakas ang ulan ay nilinisan ko itong bahay. Pagdating ng hapon ay biglang sumama ang pakiramdam ko hanggang ngayon. Lahat ng gusto ng mga magulang ko at mga kapatid ko ay lagi kong sinusunod para hindi nila ako saktan at pagsabihan ng kung ano-anong masasakit pero ganoon pa rin naman. Sa paningin nila ay wala akong nagagawang tama kahit ako halos lahat ang kumikilos dito sa bahay namin. “Ate, magluluto na po ako…” nanghihina kong sabi sa pangalawa kong kapatid. “Babangon na ako, Ate.” “Walanghiya ka!” Imbes na tumigil na siya ay mas lalo niya pang hinigpitan ang paghawak sa buhok ko at paulit-ulit na hinatak iyon kaya pakiramdam ko tuloy ay makakalbo na ako anumang oras. “Gutom na gutom na ako, Kaycee! Akala ko may nakahain na sa lamesa pero wala pa pala! Lintik ka!” “Ate, tama na po…” umiiyak kong sabi habang binabaklas ko ang mga kamay niya na nakahawak sa buhok ko pero hindi ko matanggal ang kamay niya. “Magluluto na ako, Ate.” “Bwesit ka! 'Yon na nga lang ang silbi mo sa pamilyang ‘to, hindi mo pa magawa!” galit niyang wika na para bang gusto na niya akong patayin. “Ang aga-aga pero pinapainit mo ang ulo ko!” “Ate, masama po kasi ang pakiramdam ko kaya hindi po ako nagising ng maaga,” pagdadahilan ko na mas lalo pang nagpatindi sa galit na nararamdaman ng kapatid ko para sa akin. Binitiwan na niya ang buhok ko. Pero, sunod-sunod na sampal naman ang iginawad niya sa akin. “Ate, tama na po,” umiiyak kong sabi. “Bakit ba ang ingay ninyo?” Napahinto sa pagsampal sa akin si Ate Andrea nang dumating si Ate Annika. Ang pinakapanganay sa aming lahat. “Ano ba iyan? Ang ingay naman!” “Paanong hindi ako mag-iingay, Ate? Tingnan mo naman, alas-sais na pero hindi pa nagluluto ang buwesit na ‘to! 'Yan na nga lang ang ambag niya, hindi pa rin niya magawa!” Tiningan ako ng masama ni Ate Annika. “Ano? Hindi ka pa nagluluto, Kaycee?” “Ate, masama po kasi ang pakiramdam ko. Nahihilo po ako tapos nilalagnat–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang batuhin niya ako ng suot niyang sandals at tinamaan ako sa noo. “Magdadahilan ka pa, eh!” Nilapitan niya ako para kunin ang sandals na ibinato niya sa akin at pagkatapos ay pinagsasampal niya ako gamit ang iyon. “Magluto, maglinis at maglabas lang ang trabaho mo rito pero hindi mo pa magawa ng maayos! Nakakainit ka ng ulo!” Kahit nanghihina ako ay pinilit ko ang sarili ko na tumakbo palabas mula rito sa stock room kung saan ako natutulog para maiwasan sila. “Ano’ng nangyari sa iyo?” nakataas ang kilay na tanong ni Nanay nang maabutan niya ako rito sa kusina. Dito kasi ako tumakbo para magluto na. “Ba't ganiyan ang mukha?” Umiling-iling ako. “Wala po.” Kapag nagsumbong kasi ako ay tiyak na doble pa ang mangyayari sa akin. Isa pa, kahit makita niya ako na sinasaktan at pinagsasabihan ng masasama ng dalawa kong kapatid ay wala naman siyang ginagawa para awatin sila. Sa akin pa nga siya nagagalit dahil hindi naman daw magagalit ang mga kapatid ko kung wala akong ginawa. Nang makita niya na walang pagkain sa lamesa ay masama niya akong tinapunan ng tingin. “Hindi ka pa nagluluto?” “M-magluluto pa lang po ako, Nanay,” sagot ko sa natatakot na boses. “Sorry po.” “Hayaan mo na.” Nagulat ako sa sinabi niya. Ito kasi yata ang unang beses na hindi siya nagalit sa akin. “Sa labas na lang kami kakain.” “Po? Aalis po kayo?” “Bakit? May problema ka ba kung aalis kami ngayon?” Mariin akong umiling-iling. “Wala po, Nanay. Ingat po kayo.” Ngayon ko lang napansin na nakabihis ng maganda sina Ate Andrea at Ate Annika. Aalis naman pala sila at sa lalabas kakain pero nagawa nila akong saktan dahil lang sa hindi ako nakapagluto ng maaga. “Nasaan na ang ama ninyo?” tanong ni Nanay sa dalawa kong kapatid sabay tingin sa suot niyang relong pambisig. “Aabutin na tayo ng tanghali sa daan.” “Nandito na ako!” Paglabas ni Tatay Jun ay may bitbit siyang dalawang malaking maleta kaya nagtaka ako at isa-isa silang tiningan. Saan ang punta nila? Magbabakasyon ba sila? “Nanay, Tatay, saan po kayo pupunta?” tanong ko. “Aalis po kayo?” “Pupunta kami sa America para magbakasyon ng dalawang buwan doon, Kaycee!” sagot ni Tatay sa akin na halatang excited base sa nakikita kong reaction ng mukha niya ngayon. “Ang ikli nga ng dalawang buwan para sa bakasyon, eh.” “Po? Magbabakasyon po kayo?” “Oh, bakit? May problema ka ba Kaycee?” inis na tanong sa akin ni Ate Annika. “Uuwi kami bago magpasukan kaya 'wag kang magpakasaya.” “Kaycee, bantayan mo ‘tong bahay, ah,” bilin ni Nanay Santa sa akin. “Maglinis ka rito araw-araw. Wala kang masyadong gagawin dahil wala naman kami kaya panatilihin mong malinis itong bahay. 'Wag kang lumayas-layas dahil kapag may nawala rito ay malilintikan ka talaga sa akin.” “Opo, Nanay,” magalang kong sagot. “Oh, siya, mauuna na kami dahil baka ma-late na kami sa flight namin.” “Ingat po kayo,” wika ko sa kanila. “Kahit hindi mo sabihin, mag-ingat talaga kami,” sarkastikong wika ni Ate Andrea sa akin. “Pabida ka talaga.” Bago sila tuluyang makalabas ng bahay ay hinabol ko sila para manghingi ng pera kay Tatay. “Tatay, sandali po!" “Bakit ba? Mali-late na kami sa ginagawa mo, Kaycee!” singhal niya sa akin kaya bahagya akong napaatras. “Ano ba iyon?” Napalunok muna ako bago nagsalita. “Tatay, puwede po ba akong manghingi ng pera para po may pang-budget ako? Bayaran na rin po ng tubig at saka kuryente, baka po maputulan tayo.” Hinatak ni Nanay si Tatay palayo sa akin at akmang sasampalin ako kaya mabilis kong iniharang ang dalawa kong kamay para protektahan ang mukha ko. “Hoy, Kaycee! Disi-otso ka na! 'Wag kang tatanga-tanga! Matalino ka, ‘di ba? Gamitin mo iyang talino mo para magkapera ka! Kung kinakailangan mong ibenta iyang katawan mo, gawin mo para naman makatulong ka sa amin. Kapag naputulan tayo ng tubig at saka kuryente, papatayin kita pag-uwi ko, Kaycee! Naririnig mo ba? Papatayin kita kapag hindi ka gumawa ng paraan!” “O-opo, Nanay. Naiintindihan ko po. G-gagawa po ako ng paraan.” Biglang kumalma ang hitsura niya nang sinabi ko nagagawa ako ng paraan. “Aalis na lang kami, pinapainit mo pa ang ulo ko!” “S-sorry po.” “Gamitin mo iyang utak mo para magkapera ka. Buhayin mo muna iyang sarili mo habang wala kami. 'Wag kang masyadong umasa sa amin dahil hindi habang buhay ay kasama mo kami. Gamitin mo iyang talino mo para magkapera.” “Opo,” sagot ko. Tinalikuran na nila ako ng hindi man lang nag-iwan kahit pisong duling. Wala na ring stock na pagkain kaya hindi ko alam kung saan ako kukuha ng perang pambili ng pagkain at pambayad ng mga bills lalo pa't wala pa naman akong trabaho dahil kaga-graduate ko pa lang ng senior high school nitong nakaraang linggo. “Ang bobo talaga ng babaeng iyan,” narinig kong wika ni Ate Andrea kay Ate Annika. “Ang sarap palayasin kaso wala na tayong alipin kapag ginawa natin ‘yon.” “Sinabi mo pa!” sang-ayon ni Ate Annika sa sinabi ni Ate Andrea. “Mabuti na lang dalawang buwan nating hindi makikita ang pagmumukha ng babaeng iyan. Ewan ko ba! 'Yon bang kahit wala siyang ginagawa pero nag-iinit ang ulo mo? Ganoon ang nararamdaman ko sa kaniya. Ang sarap niyang saktan lagi!” Unti-unti ko nang isinara ang pinto para hindi ko na marinig ang iba pa nilang sasabihin. Napaiyak na lang ako sa sama ng loob dahil sa uri ng pakikitungo nila sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanila. Hindi ko maintindihan kung bakit ayos lang sa mga magulang ko na apihin ako ng mga kapatid ko. Ni minsan ay hindi nila ako binilhan ng damit dahil ang mga isinusuot ko ay puro pinaglumaan ng mga kapatid ko. Ni isa ay wala akong litrato na naka-display dito sa bahay. Hindi rin ako kasama sa family picture nila na para bang isa akong outsider sa pamilya namin. Iniisip ko minsan na baka hindi nila ako kadugo. Na baka ampon lang ako dahil ibang-ibang ang hitsura ko sa kanila. Sa mata pa lang ay malaki na ang pagkakaiba namin dahil lahat sila ay kulay itim samantalang ako ay kulay abo. Maputi rin ako kumpara sa kanila kahit pa babad ako sa araw samantalang sila ay kulay kayumanggi. 'Yon ang iniisip kong dahilan minsan kung bakit hindi maganda ang pakikitungo nila sa akin dahil naiiba ako sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD