C38-Trying to control his anger‼️

1643 Words

“Kaycee, ayos ka na ba?” tanong ni Lexxie sa akin nang makita niya ako na nakaupo sa veranda. Paggising ko kanina ay wala na si Uncle Hadley sa tabi ko. “Hindi ka na ba nanghihina?” “Bakit?” “Gusto mo bang magsimba?” Medyo maliwanag na ang paligid kaya puwede na kaming gumala kahit saan. Simula ng dumating kami rito ay hindi pa kami nakakagala dahil may mga kasama kaming kulang sa pansin. “Maliligo lang ako,” sabi ko. “Okay! Maliligo na rin ako! Bilisan mo, ha?” “Sige.” Isang plain white dress ang isinuot ko na pinarisan ko ng white sandals. Simple lang ang suot kong damit pero litaw na litaw ang hubog ng katawan ko. Naglagay ako ng clip sa buhok ko. Sa sobrang puti ko ay nagmumukha akong maputla kaya naglagay ako ng lipstick sa mga labi ko para lang magkaroon iyon ng kulay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD