C8-Ungol‼️

1532 Words
“Saan ko po ilalagay ang mga ‘to, Hadley?” tanong ko sa tiyuhin ko habang abala siya sa pagtipa sa laptop niya. Ang dami kasing paper bag na nakapatong dito sa sofa kaya ang pangit tuloy tingnan. Ewan ko ba kung bakit ayaw niyang tawagin ko siyang uncle o ‘di kaya’y tiyo. Feeling ko tuloy wala akong galang sa kaniya. “Dadalhin ko po ba ang mga ‘to sa kuwarto niyo?” “Para sa iyo ang lahat ng iyan,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin. “Po? Seryoso po ba kayo?” Sa pagkakataong ito ay binalingan na niya ako. “Talaga po ba? Akin po ang lahat ng mga ‘to?” Mahigit sampu ang paper bag na nakapatong sa sofa at talaga namang puro branded pa. “Wala na pong bawian, ha?” “Dalhin mo na ang mga iyan sa kuwarto mo para hindi na makalat dito sa sofa,” wika niya sa akin dahilan para tumango ako ng sunod-sunod at mabilis na dinampot ang mga paper bag at patakbo kong dinala sa sarili kong kuwarto. Nang makarating ako sa kuwarto ay isa-isa kong ibinuhos ang laman ng paper bag sa ibabaw ng kama. May panty, bra, t-shirt and shorts. Mayroon ding dress at pantalon kaya napangiti ako. Ito kasi ang unang beses na magsusuot ako ng mga bagong damit kaya naman bumalik ako sa sala para magpasalamat kay Uncle Hadley. Pagdating ko sa sala ay wala na siya roon at hindi ko alam kung saan siya pumunta. Pero, ang laptop niya ay naroroon pa rin at nakabukas iyon. “Are you looking for me?” Napalingon ako sa taong nagsalita. Wala siyang suot na damit kaya kitang-kita ko ang mabato niyang tiyan. Nakita ko rin na may tattoo siya sa dibdib niya. Ang ganda ng katawan ni Uncle na para bang nasa gym siya palagi. “Eyes up here.” Bigla akong nag-angat ng tingin nang magsalita si Uncle Hadley. “What do you need?” “Gusto ko lang pong magpasalamat,” wika ko sabay lunok. Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa maganda niyang katawan kaya yumuko na lang ako. “Salamat po dahil binilhan niyo ako ng mga bagong damit.” "No worries." Nang mapansin ko na may malaking box malapit sa kinatatayuan ko ay kumunot bigla ang noo ko. “That's yours too.” “Po?” Nag-angat ulit ako ng tingin. Nakaupo na siya ngayon habang nakaharap sa laptop niya. Nilingon niya ako. “May problema ka ba sa pandinig?” “W-wala po.” “Wala pala, eh. Bakit gusto mong ulitin ko palagi ang mga sinasabi ko? Ano’ng gusto mong mangyari? Ginagalit mo ba ako?” “Hindi po.” “What's inside the box is all yours,” suplado niyang wika. “‘Yong mga damit na nakalagay sa paper bag ay malinis na rin kaya puwede mo nang suotin ang mga ‘yon kahit kailan mo gusto.” “Salamat po talaga.” “‘Wag kang magpasalamat sa akin dahil darating ang araw na sisingilin kita.” “Ano po? Ano po ang ibig niyong sabihin?” “Malalaman mo rin kung ano ang ibig kong sabihin. Sa ngayon, maligo ka na at itapon mo na ‘yang damit na suot mo dahil ayaw kong nakikita ka na nagsusuot ng basahan.” “Sige po. Salamat po ulit,” wika ko. Nilapitan ko si Uncle Hadley at ginawaran ko siya ng halik sa pisngi niya. “Salamat po talaga, Uncle–” Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niyang kabigin ang batok ko dahilan para mapaupo ako sa lap niya. “U-uncle…” Ang laki ng kamay niya kaya sakop niya ang buo kong batok. “Do you want more?” seryoso niyang tanong kaya pilit kong inilayo ang sarili ko sa kaniya. Masyadong malakas si Uncle Hadley kaya hindi ako makawala sa kaniya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang sasabog iyon sa mga oras na ‘to. “Next time, don't kiss me without my permission, understood?” “S-sorry po. H-hindi na po mauulit.” Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa batok ko kaya mabilis akong lumayo sa kaniya at pagkatapos ay nagtatakbo na ako papunta sa kuwarto ko. Pagdating ko sa kuwarto ko ay napahawak ako sa dibdib ko dahil hanggang ngayon ay ang lakas pa rin ng kabog niyon. Nakapagtataka na hindi ako natakot o nandiri sa ginawa ni Uncle Hadley sa akin kanina kahit pa nga muntik na rin niya akong halikan dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. “Hoy, Kaycee! Umayos ka nga!” Pinagalitan ko ang sarili ko dahil iba ang tumatakbo sa utak ko ngayon. “Simula ngayon, lumayo ka na sa kaniya! ‘Wag kang lalapit sa kaniya kapag hindi ka niya kailangan. Lumapit ka lang kapag tinawag ka niya o ‘di kaya’y kapag may kailangan siya sa iyo! Naiintindihan mo ba?” Para na akong baliw dahil kinakausap ko na ang sarili ko. Imbes na mag-isip ako ng kung ano-ano ay itinupi ko na lang ng maayos ang mga damit na binili niya para sa akin at pagkatapos ay inilagay ko iyon sa closet. Nag-iwan lang ako ng damit na susuotin ko pagkatapos kong maligo. Pupunta na sana ako sa banyo ng makarinig ako ng katok kaya naman tinungo ko muna ang pinto para pagbuksan ang kumakatok. Si Uncle Hadley ang kumakatok at dala-dala niya ang malaking box na sinasabi niya kanina na para raw sa akin. Siya na rin mismo ang nagpasok sa loob ng kuwarto ko at pagkatapos ay umalis din agad. “Salamat po!” pahabol kong sigaw. Hindi man lang niya ako tiningnan o tinapunan ng tingin. Siguro dahil naiilang siya sa akin dahil sa ginawa niya kanina. Binuksan ko ang box na inihatid sa akin ni Uncle Hadley ngayon-ngayon lang. Napkin, toothbrush, toothpaste, sabon, lotion, shampoo at kung ano-ano pa ang laman niyon kaya napangiti ako ng malapad. Ang dami ko nang utang Kay Uncle Hadley. Wala naman akong perang ibabayad sa kaniya kaya sisipagan ko na lang para kahit papaano ay makabawi ako sa kaniya. Kinuha ko ang shampoo at sabon at binitbit iyon papunta sa banyo dahil maliligo na ako. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako para maghanda ng lulutuin ko para sa hapunan. ‘Yong niluto ko kasi kanina ay hindi umabot ng hapunan dahil dito kumain ang mga kaibigan niya. Nang mapadaan ako sa kuwarto niya ay may narinig akong ungol na para bang may nasasaktan na babae. Kalaunan ay hindi na ungol ang narinig ko kun’di puro mura na kaya nagtaka ako. “f**k! f**k! Deeper, Baby! Oh…I love it! You're so big, Hadley! Oh, s**t!” wika ng boses babae na nasa loob ng kuwarto ni Uncle Hadley. Mayamaya pa ay may narinig ako na animo'y nagsasalpukan sa loob ng kuwarto ni Uncle na mas lalong nagpadagdag sa pagtataka ko. “Kaycee.” Napatingin ako sa kaibigan ni Uncle Hadley na mayroong maraming tattoo nang tawagin niya ang pangalan ko. “Don't listen to them because Hadley might get mad at you when he discovers that you're standing outside his room.” Tumango-tango ako at agad na umalis sa tapat ng pinto nang kuwarto ni Uncle Hadley at pumunta agad ako sa kusina. “Ba’t po pala kayo nandito?” tanong ko. “Ano po pala ang pangalan ninyo?” “Lexus.” Tumango ako. “‘Yong isa niyo pong kasama, ano po ang name niya?” “Si Zeus.” “Ang gaganda po ng pangalan niyo,” pagbibigay ko ng papuri. “Ano nga po ulit ang ipinunta niyo rito?” “Because of this.” Ipinakita niya sa akin ang ilang piraso ng malalaking tilapia na nakalagay sa malaking balde. “Lulutuin po ba natin iyan? Anong luto po ang gusto niyo? Prito po ba? Sweet and sour o iihawin po?” “It's up to you.” “Iihawin ko na lang po ang mga iyan,” wika ko. Walang babala na kinuha ko ang mga tilapia sa balde at pagkatapos ay dinala ko iyon sa lababo. Buhay pa ang mga tilapia kaya naman bahagya kong hinampas ang mga ulo niyon gamit ang kutsilyo. Tinanggal ko lang ang mga bituka at hasang bago ko hinugasan ng maayos saka ko nilagyan ng asin. Bago ko asikasuhin ang pag-iihaw ng tilapia ay nagsalang muna ako ng bigas sa stove para habang nag-iihaw ako ay unti-unting naman na naluluto ang sinaing ko. “Do you need help?” tanong sa akin ni Lexus pero umiling ako. “Kayang-kaya ko na po ito. Doon na lang po muna kayo sa sala. Tawagin ko na lang po kapag kakain na.” “Are you sure?” Tumango ako. May personalized na ihawan si Uncle Hadley dito sa loob kaya hindi ko na kailangan lumabas pa para doon mag-ihaw. Habang nag-iihaw ako ay napapaisip ako tungkol sa mga narinig ko kanina mula sa kuwarto ni Uncle Hadley. Ang sabi niya, dalawa lang kaming nakatira rito sa bahay niya kaya nagtataka ako kung sino ang babaeng kasama niya sa loob ng kuwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD