"Birthday pala ni Dexter ngayon!" Ani Leslie nang makita yun sa f*******:. Nabasa nya ang mga birthday greetings sa timeline ni Dexter. Mag memessage sana sya para batiin ito pero naisip nya na batiin na lang sya ng personal. Naalala nya yung pagtatalo nila nung isang araw. Nainis siya sa sarili ng maisip yung sinabi nya nun na hindi na nya ito kakausapin at iiwasan na pero ngayon naman miss na miss na nya si Dexter at gusto na nya itong makita. Nagselos si Dexter dahil nakita sila ni Marlon na magkasama at siguro kasalanan din nya dahil hindi sya nagtext kay Dexter na aalis ng araw na yun. Bumangon na si Leslie at nag ayos para sa pagpasok sa School. Wala na syang nagagamit na motor kaya nagbus na lang sya. Pagdating sa school dumaan sya sa parking para tignan kung nakapark doon ang mo