Nasalubong ni Leslie si Dexter sa parking. "Leslie uuwi ka na?" Lumapit si Dexter sa kanya. "Oo". Tipid niyang sagot. Napatingin siya sa paligid. Nainis siyang pati sa parking ay marami pa rin ang mga usyusero. Nang paaandarin na ni Leslie ang motor ay sumakay uli si Dexter sa likuran nya. "Ano ba Dexter bumaba ka jan!" Asik niya. "Eto naman pasakay lang hanggang sa Ever Mall." Hindi kumilos si Dexter na nanatiling nakaupo sa likuran niya. "Ayoko. Hindi mo ba nakikita pinagtitinginan tayo." "Ano naman?! Nagpapa apekto ka ba sa kanila. Hayaan mo sila!" "Naririnig mo ba lahat ng mga sinasabi nila sakin?" "Hayaan mo lang hindi naman totoo yun eh." "Kaya dumistansya ka na lang muna sakin para wala na lang isyu." Kahit mabigat sa loob niyang sabihin ay mas mabuti na siguro yun. "Pe