Pagkarating sa starbucks. Habang kumakain sila ay sinasabayan ng interview ni Leslie kay Dexter. Tinanong nya ito about sa journey nito sa basketball matapos nun ay tungkol sa personal life ni Dexter. "Anong ideal girl mo?" Tanong ni Leslie. Sa pisikal syempre yung maganda, sexy, makinis. Yung sakto lang ang height sakin, gusto ko yung hanggang dibdib ko para kapag nakayakap sakin maririnig nya yung heartbeat ko. Expressive yung mata. Kissable lips. Gusto ko yung simple lang. Malambing, yung nangyayakap na lang bigla. Mahinhin kahit inaaway ako hindi nakakainis. Talented, gusto ko yung magaling kumanta." "Teka lang naman ang bilis mo nasa height pa lang ako eh." Reklamo ni Leslie habang nagsusulat. "Picturan ko na lang kaya para hindi mo na isulat." Pinicturan nya si Leslie. "Ito yun