❣︎ ASUNCION ❣︎ (1900) Maaga akong nagising. Nasasabik ako para sa mangyayari sa araw na ito. Napagtanto kong, mayroon na lamang akong dalawang buwan para magsaya at lasapin ang buhay ng pagiging malaya. Kaya, sa halip na iwasan si Juanito, susubukan kong makipaglapit. Sadyang kaybilis ng mga pangyayari at kasingbilis niyon, ang pagkahulog ng aking damdamin para sa kaniya. Napangiti ako sa kawalan nang maalala ang aking naging unang halik. Nararapat bang panagutan niya ang paghalik sa akin? Biglang nag-init ang aking mukha, dahil sa kung ano-ano na lamang ang pumapasok sa aking isipan. Simula nang makilala ko siya, pakiramdam ko ay nagiging pilya na rin ako katulad niya. "Senyorita?" Si Anda na iyon! "Tuloy ka, Anda." Isang nakakalokong ngiti ang itinapon niya sa akin, "Mukhang