❣︎ ARIZ ❣︎ (Present time) "And one more thing, can I call you Yam?" "You are mine." "Yam..." "Ma'am, lunch break na po." Nasa harapan ko na si Sheena, at nakatingin lang ako sa laptop na nakapatong sa office table ko, "Sa labas po ba kayo kakain? Or magpapa-deliver ako?" "Yam..." wala sa sariling nasambit ko. "Po? Gu-Gusto n'yo ng yum burger?" Kaagad akong natauhan sa sinabi ni Sheena, "Goodness! I mean... oh geez! Kakain na lang ako sa labas." "Okay ka lang ba, Ma'am?" Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata n'ya. Tipid akong ngumiti, "Yeah, I'm... okay." Kaagad ko nang kinuha ang shoulder bag ko at ang susi ng kotse ko na nakapatong lang sa office table ko. Lalabas na sana ako nang tawagin ako ni Sheena, "Ah, Ma'am. Nalalag n'yo po." Tinanggap ko naman ang iniabot n'ya sa 'ki