❣︎ ARIZ ❣︎ (Present Time)
"Hmm, Juanito!"
Nagising ako at kaagad na napabalikwas nang bangon.
Sh*t!
What was that?
Juanito
Sinong Juanito? Sa'n ko naman napulot ang pangalang 'yan! Dinaig pa ang pangalan ng lolo ko sa tuhod.
Juanito
Sh*t!
Ni wala nga akong naging boyfriend, tapos...
Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. Ang panaginip na 'yon. May kahalikan akong lalake. Kahit pati sa panaginip, ipapamukha talaga sa 'kin?
Halos araw-araw na akong nakakatanggap ng mga panunukso, hindi lang galing sa mga kaibigan ko, pati na rin sa mga kapatid ko at mga pamangkin. Tapos ngayon, pati sa panaginip?
"Kailan ka mag-aasawa?"
"Baka maunahan ka pa ng mga pamangkin mo."
"Magkaka-apo na kami, tapos ikaw wala pang anak."
Pambihira!
Some girls of my age already have their grandchildren. But here I am, kahit nga boyfriend wala. May mga naging boyfriend naman ako, pero lahat sila piniling iwan ako at, at isa lang ang lagi nilang sinasabi.
"You're boring!"
Eh, sa mga walang hiya talaga sila. Gusto lang nila makatikim ng sarap. Syempre, pinalaki akong disente nina Mama, alam ko naman kung kailan dapat bumukaka.
To the man who can stand beside me in front of the altar and will exchange vows in the holy presence of God. Oh, 'di ba? Pang-Maria Clara ang dating?
Pero, dahil wala nang matinong mga lalake, hanggang ngayon ay wala pa rin akong matatawag na serious relationship. Kapag may nagpapakita sa 'kin ng motibo, syempre titingnan ko muna kung malaki—ang puso. Kapag alam kong gusto lang nila ng kalaro sa kama, maglaway sila! Kahit na matanda na ang edad ko, may ibubuga pa rin naman ako kung pagandahan at paseksihan ang pag-uusapan.
Kaya siguro hanggang ngayon sigle pa rin kasi, I believe in the sacred thing called love. And for me it's making love, not s*x. Nowadays, parang 'yon ang importante sa mga lalake, bago ka ayain ng kasal, buntis ka na.
Haist!
Juanito
Nakatulugan ko na ang pag-iisip.
HALOS maitapon ko ang cellphone ko na kanina pa nag-a-alarm. Sabado naman ngayon at wala akong duty sa planta. I am the head manager of Hator's Corporation. We export our can products all through out Asia—sardines, sausages, corn beefs, tuna, and all canned goods, name it and we have it all. Isa sa mga nangungunang kumpanya sa larangan ng mga de latang pagkain ang Hator's Corporation. Isang dekada na akong nagta-trabaho roon at masakit man isipin, pero ganoon na ako katanda. But, take note, still hot at thirty-five.
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan kung anong nakalagay sa alarm.
"Ahhh!" I shouted in frustration.
Talaga palang habang tumatanda ang tao nagiging ulyanin na. Kaasar! Bakit nakalimutan ko na may meeting pala akong pupuntahan.
Eh, kung nag-asawa ka na kaagad? Hindi ka na pakikiusapan ng mga kapatid mo na taga-attend na lang ng meeting ng mga anak nila.
Bago ko pa sisihin ang sarili at masabunutan ang buhok ko, bumangon na ako at bumaba sa kama—wearing nothing. Mas masarap kayang matulog kapag walang damit. Lalo na siguro kapag may katabi.
Haist! Kailan pa?
Ang gusto ko kasal muna talaga. Boring na ba ang gano'n?
Wearing a grecian neckline blue tops and a high waist tattered pants, paired with cone heels and a clutch, I walk out the door like a model. I just let my hair down and the air started to blew it, I don't mind it anyway, mas bagay sa buhok kong wavy ang nakalugay lang. And hoping to find a good catch later.
Siraulo ka talaga, Ariz!
Puro estudyante ang makikita mo ro'n. Pero, baka naman may mga yummy proffesor. I giggled like a teenager as I entered my convertible car and start the engine.
Nang biglang nag-ring ang phone ko. It was Aria—my sister.
Nauna pa s'yang nagkaroon ng college student sa edad na thirty-three. Paano ba naman, maagang nabuntis. Pero, pinanindigan naman s'ya at as what I'm seeing today, she's happy.
/"Hello, Ate? Nasa'n ka na?"/
"Good morning din," I said timidly. Hindi man lang nag-good morning.
/"Pasensya naman, first meeting ito na hindi ako ang a-attend."/
"Hay naku, hindi na bago sa 'kin 'to. Mula pa kay Andrea, kay Arman, kay Alfred hanggang sa 'yo. I can manage, really," I said sarcastically.
/"Ba't kasi ayaw mo pang mag-asawa? Tama na ang paghihintay. Maghanap ka na./"
Narinig ko ang boses ng asawa n'ya sa kabilang linya. They're on their vacation, celebrating their eighteenth years anniversary. She was eighteen when they fell in love and got pregnant immediately—masyadong mapusok. At kaka-eighteen ang din ng unang bunga ng kanilang kapusukan—si Shawntell, na naghihintay na siguro sa University nila.
"Ayan tayo, eh. Isisingit talaga 'yan?" sabi ko na pinainis pa ang boses.
Narinig ko ang tawa ni Aria na akala mo ay birhen pa.
"Respeto sa mga nasa kotse at papuntang University."
/"Ay sorry naman, sige na, Ate, bye ingat. Balitaan mo na lang ako."/
Pinatay n'ya kaagad ang tawag kahit hindi pa ako nakasagot.
Excited mapasukan, girl?
Sana lahat.
"STILL pretty, Tita!"
Sinalubong ako nang yakap ni Shawntell nang makababa ako sa kotse ko. Muntik na s'yang magmano sa 'kin kung hindi ko lang s'ya nahila kaagad.
Hindi naman halata na trenta'y singko na ako, pero kapag nagmamano ang mga pamangkin ko sa 'kin, pakiramdam ko, magkakasakit ako.
"Sympre, sa'n ka ba magmamana?" I said, flipped my hair and wear my sunglass.
"Ang Tita kong bagets!"
Naglakad na kami papunta sa auditorium nila, kung sa'n gaganapin ang assembly meeting. Shawntell is on her first year college, taking up Psychology.
Everyone's eyes were on us. Kung hindi ko lang kasama 'tong pamangkin ko, malamang mag-a-aasume ako na ako ang tinitingnam nila. Maliban sa talino na mayro'n si Shawntell ay namana n'ya rin ang kagandahan n'ya sa 'kin—I'm not joking. Sa lahat ng pamangkin ko, s'ya ang kamukha ko.
"Hi, Shawn! Libre kita meryenda mamaya!" sabi ng binatang hinarangan pa talaga ang dinadaanan namin, "Ate mo ba?"
Oh, see? Pang-sixteen ang mukha ko! Tsk. Napa-flip hair ako nang wala sa oras. Pero...
"Oy, totoy, kaya naming bilhin ang buong canteen. And excuse us, may meeting kaming pupuntahan ng pamangkin ko," I said emphasizing the word pamangkin.
And we left him dumbfounded.
"Naks! Astig mo talaga, Tita!"
"Umayos ka, Shawntell," bulong ko sa kan'ya, "Itatakwil talaga kita kapag nabuntis ka nang maaga."
I was just kidding. Kung mabubuntis man s'ya nang maaga, ako ang unang tatanggap sa kan'ya. Gan'yan ko kamahal ang mga pamangkin ko. Sa kanila ko binubuhos ang atensyon at pera ko.
"Manglilibre lang ng meryenda, mabubuntis kaagad?" she said jokingly.
"Syempre! Mabuti na ang advance mag-isip. Bumukaka ka pero h'wag mong papasukin!"
"Tita, oh em ji!" Nakita kong namumula ang mga pisngi n'ya, "Pa-Pa'nong bubukaka pero hindi pa-papasukin?"
Natawa ako sa reaksyon n'ya, "Hindi ko rin alam. Naalala ko lang ang laging pangaral ng lola n'yo, na hindi sinunod ng mommy mo. Pero, here you are, so I'm okay with it."
When I looked at her, confusions were visible on her innocent face. Bago pa s'ya magtanong ulit, hinila ko na s'ya papasok sa auditorium. It was a closed door stage and air-conditioned.
May nakasalubong kaming naka-uniform, so I assumed he's a proffesor.
And I was right nang batiin s'ya ni Shawntell, "Good morning, Sir. This is my aunt, Ariz Valaquio. And Tita, this is my adviser, Anthony Rodriguez."
Magkaka-jowa na ba ako?