Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang mga tambay. Ganoon din mga batang nagpapakalat-kalat sa kalye. Kahit mga babae ay mga nag-iimon.
Ang nakakaawa ay iyong mga batang halos hindi na aasikaso ng mga magulang nila. Ganito rin siguro ako kung walang Zach tumulong sa aking upang mapag-aral ako.
Mabait pa rin sa akin ang panginoon dahil kahit walang magulang akong nakagisnan ay nagpadala pa rin ito ng taong tutulong sa akin.
Dumaan ako sa mga lalaking nag-iimon. Imbes na magtrabaho para sa pamilya nila ay ang inaatupag nila ay ang mag-imon na lamang maghapon.
"Mukhang dayo! Kaso ang pangit naman niya," dinig kong wika ng isang lalaki.
Umiling na lamang ako sa aking naririnig. Bigl akong napatingin sa nabasa kong room for rent. Kaya agad akong lumapit upang magtanong sa babae
"Manang, puwede ba akong magtanong?" magalang kong usal sa babae.
"Oo naman, hija, ano ba ang iyong itatanong?"
"Saan po kaya ako puwedeng magtanong kung sino ang nagpaparent ng kuwartong iyan," sabay turo ko sa kwartong may karatula na room for rent.
"Naku! Sa akin iyan hija, ikaw ba ang titira?"
"Opo. Ako nga po," sagot ko.
"Mas maganda sigurong tingnan mo muna ang kwarto. Baka kasi hindi mo magustuhan ang loob noon. At kung sakaling kukunin mo ay ibibigay ko sayo na
five thounsand buwan-buwan. At one month deposit at one month advance ang hinihinge ko," wika nito.
"Sige po kapag nagustuhan ko ay kukunin ko," wika ko.
Binuksan nito ang pinto upang makita ko ang kuwarto. Maliit lang pala ito. Pero mayroon naman cr sa loob. May maliit na lababo. Puwede na siguro ito. Hindi naman ako magtatagal dito.
"Ano hija. Ano kukunin mo ba? Ito lang ang medyo maayos na paupahan dito. At 'yung iba kasing ay walang cr at labo at wala rin gripo sa labas ka mag-iigib," turan nito.
"Sige po, kukuhanin ko," wika ko. Kumuha ako ng pera sa aking bag at binigay ko rito ang ten thousand. Nakangiti naman nitong tinanggap iyon.
"Ngayon ka na ba lilipat hija?" tanong matanda.
"Siguro po ay mamayang gabi," wika ko.
"Sige at ipapalinis ko itong kuwarto mo. A iiwan ko na rin ang susi sa 'yo. Ano ba ang iyong pangalan?"
Nag-isip pa ako ng magiging pangalan ko. "Hmmm. Tawagin na lamang po ninyo akong Ducky Turtle," wika ko. Iyon ang unang pumasok sa aking utak kaya iyong ang nasabi ko.
"D-Ducky ang pangalan mo, hija? At ang apelyido mo Turtle?" tanong ulit ng tamanda na may pagkagulat.
"Opo, Manang," magalang kong tugon.
Pansin kong gusto nitong matamawa. Ngunit nagpipigil lamang ito. Kaya hinayaan ko na lamang ito.
"Ako naman si Rose," pakilala nito.
Tumango lamang ako dito. Hindi na ako nagtagal sa lugar. At agad ako umalis. Upang maghanda para sa gagawin kong paglipat mamayang gabi.
"Hayop ka wala ka nang ginawa kundi mag-inom nang mag-inom wala kang kwenta!" narinig kong sigaw ng mag-asawa sa labas ng bahay.
"Huwag kang mangialam sa gusto kong gawin sa buhay ko. At baka samain ka sa akin!" balik sigaw ng lalaki.
Umiling na lamang ako sa aking mga naririnig. Kumunot ang aking noo sa mga tambay na nag-iimon sa daan. Saan pa kaya dadaan ang mga tao, kung sa gitna pa sila nag-iinom.
Ang liit na nga lang ng daan. Ay dito pa naisipang mag-inoman.
Dumaan ako sa gilid. Ngunit may biglang humarang sa aking daraanan.
"Ano'ng pangalan mo kulot?" tanong ng lalaking humarang sa aking.
"Ducky," maikli kong tugon.
Biglang naman nagtawanan ang mga ito.
"Hoy kayo meron na naman kayong pinagtitripan!" sigaw ng isang babae.
"Huwag kang epal, floor. Gusto mo ikaw ang pagtripan naman?" tanong ng mga lasing na lalaki.
Tumingin muli sa akin ang mga ito. At tila may binabalak sila sa akin.
"Ducky, mas mainam sigurong maupo ka muna. At makipag-inoman sa amin," wika ng lalaki.
"Paumanhin po sa inyo, nagmamadali kasi ako," magalang kong wika.
"Oohh, pre, tinanggihan ka ni Ducky Duck!" sigaw ng ng mga kasamahan nito.
Lalampasan ko na lang sana ang mg ito nang hawakan ang aking pulsuhan at humarang sa aking daraanan.
"Wala pang tumatangi sa akin Ducky duck at pasalamat ka dahil ikaw ang una kong napansin kahit na pangit ka," saad ng lalaking nakaharang sa aking.
"Anong nangyayari rito?" tanong ng isang lalaking biglang dumating.
Napangisi ako ng palihim ng mamukaan ko ang lalaki. Ito lang naman ang nasa picture na ipinakita sa akin ni boss Zach. At ito lang naman ay si Mark Cruz.
"Bossing ikaw pala," wika ng lasing na nakaharang pa rin sa akin.
"Bakit ninyo pinipilit ang isang babae kung ayaw makipag-inoman sa inyo?" saad ni Mark Cruz. At tumingin pa ito sa akin.
"Sige na kulot umalis ka na," usal ni Mark.
Kinuha ko ang maliit na traking device at dumaan ako sa likod nito. Pasimple akong humawak sa balikat nito.
"Maraming salamat po," magalang kong wika. At nagakad nang maraharan. Upang marinig ko ang usap nila.
"Boss, may dala ka ba?" dinig kong tanong ng mga lalaki.
"Wala akong dala rito. Pero mamayang gabi mayroong paparating," wika ni Mark.
Nagkunwari akong inaayos ko ang sintas ng sapatos ko. Kaya medyo umupo ako ng kaunti upang marinig ko ang usapan nila.
"Mamayang gabi ay may mga parating. At galing sila sa probinsya," dinig ko pang wika ni Mark.
"Wow, sagana na naman ang bulsa namin nito mamaya," nagtatawanang wika ng mga lalaki.
"Kaya ayosin ninyo ang pagbabantay," saad ni Mark.
"Kami na ang bahala riyan bossing."
Tumayo na ako upang umalis sa lugar na ito. Kailangan kong gumawa ng paraan upang maharang ang truck na iyon na maaaring maging ebidensya namin.
Sumakay ulit ako ng taxi at nagpahatid sa bahay ko. At nagmamadali akong pumasok sa loob ng tirahan ko. Kailangan kong maka babalik muli sa squatter. Kukunin ko lamang ang mga gagamitin ko sa aking mission.
Kinuha ko ang aking laptop. Upang iconnect ang tracking device na inilagay ko kay Mark. Para malaman ko kung saan nila dadaljin ang truck.
Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Upang bumalik ulit sa squatter. Lumapit ako sa isang taxi. Balak ko na sanang hawakan ang pinto ng taxi para makapasok sa loob. Nang magulat ako sa lalaking bigla na lang sumulpot sa unahan ko at nagmamadaling pumasok sa loob.
"Let's go, huwag ka nang magsakay pa ng ibang pasahero. Magbabayad ako ng malaki, bilisan mo dahil nagmamadali ako," dinig ko pang wika ng lalaki bago isara ang pinto ng taxi.
Ang sarap sampalin ng mukha ng lalakin iyon, aahh, naku! Nakakagilgil lang talaga.
Mabuti na lamang at may tumigil ulit na taxi sa aking harap. Kaya nagmadali akong sumakay, baka maunahan na naman ako.
Mabilis lang akong nakarating dito sa squatter. Nagulat pa nga si Manang Rose ng makita ako akala nito ay mamayang gabi pa ako.
Pumunta na ako sa aking uupahang kuwarto. Umakyat ako sa hagdan sapagkat nasa itaas ang aking kuwartong uupahan.
Tumingin ako sa loob ng kuwarto. Nakita kong malinis na ito. Bumaling ako sa papag at nakita kong tanging karton lamang ang nakalagay doon. Sana'y naman akong matulog kahit walang foam.
Kinuha ko agad ang laptop kong dala upang alamin kong ano na ang nangyayari.
"Alas-nuwebe ng gabi ang dating ng truck at kailangang makuha ko iyon," mahina kong sambit.
Tumayo ako upang maghanda. Kailangan kong pumunta sa club kung saan. Unang titigil ang truck. Mukhang alam ko na kung ano ano ang laman noon.
Naghintay muna akong dumilim bago ako lumabas ng silid. Nakalagay pa rin sa aking ulo ang kulot na buhok. At ang damit na malaki.
"Oohhh, kulot tagay muna," wika ng mga nag-iinoman.
Umiling ako sa mga ito at nagmadaling umalis. Mahirap nang harangin ulit ako. Agad akong nakarating sasakayan ng taxi.
Nagpahatid ako pupunta kung saan unang titigil ang truck. Bumaba ako ng taxi at naupo muna sa waiting shed. Naging malikot ang mga mata ko. Baka kasi malampasan ko ang truck na kulay green.
First kiss/ The Agent Series 5
Lovely ❤ Matt