By: SRRedilla Bigla akong napatayo nang makita ko ang truck na kulay green. Kaya naghanda ako sa pagdaan nito sa aking harapan. Pansin ko rin bukas ang bintana at ng sasakyan at dalawang tao ang nakasakay sa loob. Nang dumaan ito sa harap ko ay mabilis akong humawak sa bakal upang makasampa sa hulihan ng truck. Nakita kong naka susi pa ang pinto. Nilukob ako ng kawawa para sa mga babaeng nasa loob. Biglang tumigil ang truck kaya naghanda ako sa aking gagawin. Alam kong pupunta sila dito sa likod. "Sinuot ko ang aking maskara, sumilip ako at nakita kong papalapit ang dalawang lalaki, naghanda ako sa aking pag-ataki sa mga ito. Saktong paglapit ng mga ito sa aking kinalalagyan ay siyang igkas ng kamao ko patungo sa mukha nito. Mabilis akong umikot sabay taas ng paa ko at magkakasunod