Habang nasa loob ng silid ay hindi maiwasang maalala ni Camilla ang mga magulang. Takot na takot rin siyang buksan ang cell phone dahil tiyak na puputaktihin siya ng tawag at text ng mga ito kung bakit missing in action siya sa mga happenings ng barkada lalo na ang Singapore trip nila. Wala naman na siyang pakialam sa sasabihin nila, ang importante sa ngayon ay malagpasan nila ang krisis na kinakaharap ng kanilang pamilya. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan saka pabagsak na naupo sa kanyang kama. Hindi niya inaasahan na sisingit sa kanyang isipan ang boss na si Adonis. Iba ang hatak nito sa kanya, tila ba nawawala siya sa huwesyo habang nasa paligid ito. Hindi niya maiwasang i-imagine ang guwapo nitong mukha, para bang hollywood star ang datingan nito. Napapiki