Naulinigan ni Adonis ang pagbukas ng pinto ng silid kaya batid na may pumasok roon kaya hindi agad siya nakapag-react. Saktong hawak pa lamang kasi niya ang tuwalya na itatabing sa baywang nang bumukas 'yon. "Sino 'yan?" malakas niyang turan. Natagalan kasi siya sa banyo kasi nag-shave siya ng balbas at bigote na natubo na. Nahirapan siya dahil wala naman siyang makita kaya panay ang kapa niya. "Sino 'yan?" untag niya nang wala siyang makuhang sagot medyo naalerto siya dahil baka may masamang balakin ito sa kanya. Ayaw pa sanang sumagot ni Camilla ngunit nang mapansin ang pagkabahala sa mukha ng boss ay agad siyang sumagot. "Sir, si Camilla po ito. Sorry kung pumasok na ako, nag-alala po kasi ako kasi natagalan kayo, akala ko ay kung ano nang nangyari," palatak na saad sa boss na pilit