Hindi nagtagal ay kumalma rin si Zara at pinili nitong mapag-isa sa may pool side. Inis na inis na nagpabalik-balik nang lakad nang tumunog ang cell phone na noon ay hawak-hawak. "Hello?!" inis na sagot. "Ano'ng nangyari?" tanong ng boses ni Brent sa kabilang linya. "Mabuti naman at naisipan mo akong tawagan?!" sarkastikong turan sa lalaki. "Teka nga lang, bakit ka galit na galit diyan?!" bulalas na sagot ni Brent na nainis sa klase ng sagot ni Zara. Magtatanong lang naman siya kung ano na ang nangyayari sa kanila roon. "Pinagkaisahan lang naman nila ako! My God, Brent, bakit feeling ko alam na ng pinsan mo na niloloko natin siya?" palatak ni Zara. "Shhh!" malakas na saway ng lalaki sa kabilang linya. "Lower your voice baka may makarinig sa 'yo riyan!" saway ni Brent. "No one! Iniw