Umaga na nang magising si Camilla, agad na napadilat ng mga mata nang makitang wala siya sa kanyang silid at nasapo na lamang niya ang noo nang maalalang bigla na lamang siyang nawalan ng malay nang makarating siya sa kanilang bahay.
Mas lalo pang napasapo ang magkabilaang palad sa mukha nang may naalalang anag-ag ng mga nangyari kagabi bago siya tuluyang nakatulog sa labis na kalasingan.
"Gising ka na pala, hija?" untag ng ina sa kanya na noon ay pababa sa kanilang hagdan na bihis na bihis.
"Mama, saan kayo pupunta?" usisa niya sa ina.
Ngumiti ito."Aalis tayo," tipid na wika.
"Ha? Tayo? Bakit kasama ako?" maang sa ina.
"May kakausapin tayong tao," anito na hindi mapuknat ang pagkakangiti.
"Kakausaping tao? Bakit ako kasama at masakit ang ulo ko, mama," aniya nang madama ang hang-over.
Hindi naman nagtagal ay dumating ang isa sa kasambahay nila na may dalang tray.
"Kaya nga nagpagawa na ako kay Nina ng kapeng barako para may inumin ka at mawala ang hang-over mo," bulalas pa rin ng ina.
Maang siyang nakatingin sa ina at pilit binabasa ang nasa isipan nito.
"Sige na, inumin mo na ang kape mo at maligo ka na. I want you to wear your sexiest cloth, mas sexy pa sa suot mo," bulalas ng ina na mas lalong nagpakunot sa kanyang noo.
Bakit pakiramdam niya ay parang ibubugaw siya ng ina.
"Don't stare me like that, Camilla, ginagawa ko ang lahat upang hindi mawala ang lahat ng ito sa 'tin!" bulalas ng ina na tila na-guilty.
"What do you mean, mama?" naguguluhang wika ni Camilla.
Nakita ang natitigilang mukha ng ina.
"Anak," anito kasunod ng isang malalim na buntong-hininga.
"Anak, sorry," dagdag pa nito.
Mas lalong naguluhan ang mukha ni Camilla, hanggang sa bumalik sa kanyang isipan ang narinig na usapan ng mga magulang kagabi.
Napatitig siya sa mukha ng inang si Carmela at nakita ang pagsisisi roon.
"Anak, hindi ko sinasadya—" putol na wika nito nang sumabad ang ama na nasa paanan na pala ng hagdan.
"Kasalanan ko, anak, kasalanan ko ang lahat," singit ng kanyang ama.
"Carlos?!" bulalas ng ina sa ama.
Mabilis na lumapit sa kinaroroonan nila ang ama.
"It's okay, Carmela," anito sa asawa.
Salitang napapatingin si Camilla sa ina at ama.
"Anak, pasensiya ka na kung pati ikaw ay madadamay sa maling nagawa ni papa," saad ng ama.
"A-Ano p-pong i-ibig n-niyong s-sabihin?" naguguluhang wika ni Camilla na nauutal-utal pa.
"Anak, kailangan na nating lumipat sa mas maliit na bahay," anang ng ama.
"Ano?!" bulalas ni Camilla at agad na naisip ang mga kaibigan.
"Hindi! H-Hindi tayo lilipat sa maliit na bahay, Carlos, gagawa ako ng paraan. Kung kinakailangan kong lumuhod sa harapan ni Mr. Del Fuego at gagawin ko," bulalas ng ina sa sinabi ng ama. "Sige na, anak, tumayo ka na riyan at maligo, sundin mo ang sinabi ng mama, okay? Para hindi tayo umalis sa bahay na ito," palatak ng ina.
Naguguluhang tumayo si Camilla, siya man ay ayaw niyang umalis roon at kung anuman ang ipapagawa ng ina sa kanya ay gagawin niya huwag lang mawala sa kanya ang lahat.
Nasa gitna na siya ng hagdan nang maulinigang mag-uusap ang ina at ama. Medyo nagkakainitan ang mga ito pero kumpiyansa siyang hindi sasaktan ng ama ang ina.
Tila nawala ang sakit ng ulo gawa ng hang-over dahil sa problema ng kanilang pamilya. Nagmadali siyang naligo, at sa isiping iyon ang nag-iisang solusyon para hindi mawala ang kinagisnang bahay ay sinunod niya ang ibinilin ng ina.
Habang tinutuyo ang buhok sa hair dryer ay napapaisip siya kung ano ang kanyang isusuot. Nakinikinita niya ang sarili na nakasuot ng floral Korean-style na isang dangkal ang taas sa tuhod. Very feminine ang kanyang hitsura at idagdag pa roon na mas lalong bumata ang aking hitsura.
Nang matapos tuyuin ang sarili ay agad na tinungo ang closet at kinuha ang damit niyang naiisip na isuot.
Nang maisuot 'yon ay bumalik siya sa harap ng salamin at inayos naman ang buhok kung anong style ang babagay sa suot niya.
Napangiti siya nang maisip na mas seductive ang cute look niya kung medyo kulot ang buhok kaya inayos niya 'yon gamit ang kanyang curler at nang ma-achieve ang look na hinahangad ay napangiti siya. Sunod na sinugod ang closet kung saan naroon nakahelera ang kanyang high heels. Isang black high heels ang isinuot na mas lalong nagpatingkad sa kanyang sexy look.
Ayaw niya naman kasing magmukhang pokpok ang style ng pagka-sexy kaya ginawa niyang naivè-seductive look. Mas lalo siyang napangiti sa salamin habanf nakatitig roon, hindi maitatanggi kasi na malaki ang pagkakawangis nila ni Selena Gomez.
Final retouch na siya sa kanyang mukha at naglalagay siya ng konting make-up at lip tint nang pumasok ang ina.
"What took you so long?!" bulalas nito ngunit nang makita akong ayos na ayos ay naging matamis ang ngiti sa mukha.
"Stunning? Wow! Ang ganda-ganda mo, anak," bulalas nitong papuri sa kanya.
"Salamat, mama, so mind telling me kung saan tayo pupunta?" usisa sa ina.
"Kakausapin natin ang taong pinagsanlahan ng bahay, baka kapag kasama kita ang hindi niya ituloy na palayasin tayo," bulalas ng ina.
Hindi man tahasang sinabi ng ina na dadalhin siya upang ibugaw sa kung sinumang pinagsanlahan nila ng bahay pero alam na niyang ganoon ang pakay nito dahil inutusan pa siyang isuot ang pinaka-sexy niyang damit.
'Paano kapag matanda?' singit ng isipan. Maaatim ba niyang makipaglampungan sa isang matandang hukluban para lang huwag mawala ang kanilang bahay?
Gusto sana niyang tanungin ang ina hinggil kay Mr. Del Fuego pero nagmamadali na itong umalis para raw maabutan nila ito dahil masyadong busy ito.
Pagdating nila sa lugar ay nakita ni Camilla na nasa harapan sila ng isang modernong building.
Kinabahan siya lalo na nang sabihin ng ina na lalabas na siya sa sasakyan. Paghakbang ng mga paa ay tila gusto niyang umurong pero mabilis na hinawakan ng ina at iginiya papasok sa loob ng gusali.
Pagpasok sa loob ay kitang grandiyoso ang building na pinasukan nila at mukhang ang sosyal ng mga nagtatrabaho roon. Nagtungo sila ng ina sa isang lounge at doon ay kinausap nito ang isang babae.
"Hi, I came to see, Mr. Del Fuego," turan ng ina sa babae.
"Do you have appointment, ma'am?" tanong ng babae.
"No, but can you call him and tell that Mrs. Bustamante wants to talk to him," wika ng ina sa babae ngunit bumaling kay Camilla ang tingin nito at sa tingin nito ay tila may pangungutya bagay na napansin ng ina. "Tatawagan mo ba or ako na ang tatawag?" inis na wika ng ina sa babae.
"Okay, ma'am, wait for a sec," anito saka itinaas ang reciever ng telepono at tinawagan ang lalaki.
Ilang sandali ay bumalik sa ina ang pansin ng babae na nasa reception.
"I call his secretary and he said you can go to his office," imporma ng babae.
"Okay, thank you," mataray na tugon ng ina sa babae na may malisyosong tingin kay Camilla. "Let's go, anak," untag ng ina sa kanya.
Paglabas nila ng elevator ay namangha si Camilla sa ganda ng opisina ni Mr. Del Fuego, namamangha siya sa mga dekorasyon na pinaghalong tradisyunal at moderno, idagdag pa ang naglalakihang chandelier.
"Mrs. Bustamante?" untag ng may katandaang lalaki.
'Sh*t!' mura ni Camilla sa isipan nang makita ang lalaki. 'Siya ba si Mr. Del Fuego?' sunod na tanong sa isipan.
"Yes," sagot ng ina sa lalaki.
"I informed Mr. Del Fuego, kindly wait for a bit," saad ng lalaki.
Nakahinga ng maluwag si Camilla sa narinig na sinabi ng lalaki.
Para hindi siya ma-bored ay pinakialaman niya ang ilang magazine doon hanggang sa makita ang isang lalaki sa cover magazine ng isang sikat na business magizine of Asia.
Napakunot ang noo niya nang makilala ang lalaking kasama kagabi. Masusi niyang tinitingnan ang mukha ng lalaki at hindi siya maaaring magkamali, ito ang nagligtas sa kanya sa pangungulit ng ex na si Brix.
Titig na titig siya sa larawan ng lalaki nang may tumikhim sa kanyang tabi.
"Masyado bang guwapo para titigan mo ng ganyan?" husky na boses ng lalaki na tila narinig na niya kaya mabilis na ibinaling sa pinanggalingan ng tinig ang paningin nang tumambad sa harapan ang lalaki na tila nabuhay mula sa magazine.
"I-Ikaw?" bulalas niya sa gulat.
Natawa ang lalaki sa harapan.
"Ahemm!" tikhim ng ina naguguluhan sa nangyayari sa kanilang dalawa.
"Wait, Mr. Del Fuego, kilala mo ang anak ko?" bulalas na tanong ng ina ja naguguluhan.
"I-Ikaw si Mr. Del Fuego?!" palatak na naman ni Camilla na kinatawa ni Adonis sa nakikitang kainosentehan sa mukha ng babae.
"Yes, I'm Adonis Del Fuego," bulalas nito habang nakatitig sa pinakamagandang babaeng nakita niya.