Chapter 1: Meeting Camilla

1137 Words
Nagpupuyos sa galit si Adonis habang pinapanuod ang kataksilan ng kasintahang si Zara at pinsang si Brent. Nasa loob siya ng bar kung saan napadpad dahil sa kasusunod sa kasintahan. "Mga hayop kayo, sinasabi ko na nga ba?" usal sa sarili. Pansin pa lamang niya kasi sa kilos ng mga ito ay may nangyayari nang hindi maganda. 'Ako pa talaga ang niloko niyo!' ngitngit ng kalooban niya. Tuon ang tingin sa pinsan at kasintahan nang pukawin siya nang tinig ng babaeng papalapit sa kinaroroonan niya. "Hey, handsome, may I join you," maarteng wika ng babae saka bumaling sa kabilang table at nakitang may kasama itong barkada. Napangisi na lamang si Adonis dahil mukhang alam na niya kung bakit naroroon ang babae. "Uhmmm! Let me guess, your friend dares you, am I right?" pambubuko niya sa babae kung bakit ito naroroon at kung bakit nakatingin ang barkada nito. Natigilan ang babae dahil nabuko niya ito. "Sorry, pero hindi ako pumapatol sa bata," aniya saka tumayo sa kinauupuan upang umalis na nang biglang may yumakap sa kanyang babae. Itutulak sana ito nang bumulong ang babae. "Please stay," anas nito dahilan upang matigilan. "What is happening?" bulong na tanong pabalik sa babae. "By the way, I'm Camilla, nandiyan kasi ang ex ko, pinipilit niya akong makipagbalikan," pakilalang sagot sa tanong niya. "Matapos niya akong lokohin sa pakikipagrelasyon nito sa best friend ko!" anang nitong dagdag. Dama niya ang galit sa boses nito sa sinabi, ramdam niya ito dahil ganoon rin ang pakiramdam niya habang nakikita ang dalawang mahalagang tao sa buhay na nagtataksil sa kanya. "Miss—" putol na wika ni Adonis sa babae nang bigla na lamang itong hablutin ng isang lalaki. Tila nag-slow motion ang mundo ni Adonis nang makita ang mukha ng babaeng kayakap lang kanina. Ito na yata ang pinakamagandang babaeng nakita niya, may hawig ito sa Hollywood star na si Selena Gomez. "Sh*t!" anas niya sa kawalan dahil tila nakaramdam ng paghanga sa babaeng ngayon ay halos kaladkarin ng lalaking papalayo sa kanya. Nang makabawi ay mabilis niyang hinabol ang mga ito, sa kabila noon ay hindi niya maiwasang lingunin ang kinaroroonan ng kasintahan at pinsan at nakitang naghahalikan ang mga ito. Mas lalong nagngitngit ang kanyang kalooban dahilan upang makuyom ang kamao. "Stop it, Roi, we're done!" tinig ng babae na nagpabalik kay Adonis sa kanyang katinuan. Nakitang ayaw sumama ang babae sa lalaki kaya halos kaladkarin na ito. "Camilla!" malakas na tawag sa pangalan ng babae dahilan upang matigilan ang lalaking nakikipangbuno rito. "Who are you?" baling ng lalaki na suspetsa ay ex-boyfriend ng babae. Bahagyang nalito si Adonis kung ano ang sasabihin ngunit nang tingnan ang mukha ng babae ay nakita niyang nagmamakaawa 'yon. "Sino ka ba, ha, huwag kang makialam dito. Ex-girlfriend ko siya!" galit ng lalaki. Napatingin si Adonis sa mahigpit na pagkakakapit ng lalaki kay Camilla. Mabilis na tinugpa ang espasyong pagitan nila saka sapilitang tinanggal ang kamay ng lalaking nabigla sa kanyang sinabi. "Don't dare touching my girlfriend!" mariing turan sa lalaki. "Girlfriend?" palatak nitong ulit. "Yes! Ikaw, ex na niya hindi ba? Kaya wala ka nang karapatang hawakan siya ni dulo ng kuko niya, maliwanag ba?" may himig pagbabanta sa lalaki. Napansin niya ang pag-alsa ng mukha nito at mukhang lalaban. As much as possible ay ayaw niya sana ng gulo dahil baka magambala ang mga taksil na binabantayan kanina. Ngunit mapapalaban yata siya dahil sa babaeng ayaw nang makipagbalikan sa kasintahan nito. Mabilis na umilag si Adonis nang suntukin siya ng lalaki, mapatili naman ang babae dahilan upang maagaw ang pansin ng ilang naroroon. Isang malakas na suntok pasapok sa mukha ng lalaki ang ginawa ni Adonis matapos umilag sa suntok ng kaalaban. Agad na natumba ang lalaki at nakatulog dahilan upang pagpiyestahan ng mga customer na nakakita ng insidente. Nagtinginan sila ng babae. "Thank you," sambit nito. "Camilla," anito sabay lahad ang palad. Ngunit imbes na kunin ang kamay ng babae ay mabilis niya itong tinalikuran dahil baka makita siya nina Brent at Zara na noon ay palalapit sa kinaroroonan nila. "Hey!" tawag pa ni Camilla sa kanya ngunit hindi na niya ito nilingon pa. "Come on, Adonis, ang bata niya para sa 'yo," palatak sa isipan dahil tantiya niya ay bente-dos pa lamang ito habang siya at trenta'y kuwarto na. *** Kagagaling lang ni Camilla sa bar dahil birthday ng isa sa barkada niya nang maulinigan ang galit at inis na boses ng mga inang si Carmela. Medyo nahihilo siya dahil naparami siya ng nainom na alak ngunit sa kabila noon ay batid na seryoso ang pinag-aawayan ng mga magulang. "Kasalanan mo 'to, kung hindi ka naging pabaya, 'di dapat nasa 'tin pa ang kompanya?" bulalas ng kanyang ina. "What? Ako pa ang sinisi mo, sino ba sa 'tin ang nalulong sa sugal? Sino ba sa 'tin ang nagsanla ng kompanya?" galit na ring tinig ng amang si Carlos. "Puny*ta, Carlos? Hindi ba pangako mo sa 'kin na bubuhayin mo ako na parang prinsesa?" bulalas ng ina. "Oo, pangako ko, kaya nga ginawa ko ang lahat upang ibigay sa 'yo ang magandang buhay, hindi ba? Pero anong ginawa mo? Nagpakalulong ka sa casino at si Mr. Del Fuego pa talaga ang gusto mong utakan? Ano na ngayon, saan tayo pupulutin kundi sa kangkungan? Paano ang anak natin?" bulalas na sagot ng ama na puno nang paninisi sa ina. Nahihilo man si Camilla pero sa mga narinig ay tila nahimasmasan siya. Agad na sumagi sa isipan ang mga kaibigan, plano pa naman nilang magpunta ng Singapore upang mag-shopping, paano na siya makakasama sa mga ito. "Pesteng buhay 'to!" palatak ng ina na hindi malaman ang gagawin. "Ano'ng gagawin natin?" tanong pa nito sa ama. "Kasalanan mo 'to—" putol na wika ng kanyang ama. "Oo na! Kasalanan ko na kaya pwede bang huwag mo na akong sisihin at tulungan mo na lang akong mag-isip!" galit na tinig ng ina. Hindi kalaman ni Camilla kung magpapakita ba siya sa mga magulang. Ngunit hindi pa man siya nakakapagdesisyon ay napansin siya ng ama. "Anak kanina ka pa ba diyan?" usisa nito. "Nope! Kararating ko lang," sagot ko na pilit tinutuwid ang aking pananalita upang hindi nila mahalatang lasing ako. Ngunit nang maglakad na ako patungo sa aking silid ay muntik na akong masubsob. "What the—" natitilihang wika ng ina. Habang ang ama naman ay mabilis siyang inalo nito. "Ayos ka lang ba, anak? Wait, are you drunk?" palatak ng ama. Lulugo-lugong tatayo pa sana nang awatin ng ama at maingat siyang inalalayan patungo sa malambot nilang sofa. Gulong-gulo si Carmella dahil sa nalalapit nilang pagbagsak ngunit nang makita ang mukha ng napakagandang anak ay tila may sumilip na pag-asa. Ito ang magliligtas sa kanila sa napipintong pagka-bankrupt. 'Tiyak na hindi tatanggihan ni Mr. Del Fuego ang kagandahan ng aking anak,' aniya sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD